Ikalima| That Girl

382 9 0
                                    

Papunta ang mga guests sa kani-kanilang upuan, kinuha ni Jade ang cellphone, kunwari’y magtetext.

            “Hi.” Natigilan si Jade sa pagtipa nang marinig ang bumati sa kanya. Si Dexter. Naasar si Jade sa confidence ni Dexter na batiin siya. Talagang ang mokong na ito pa ang lumapit kahit wala namang dapat pag-usapan. “Para ano, para ipagmayabang na may lovelife na rin siya? Kung makikita niya lang si Max…”pag-aalburuto ng kanyang isip.

Tumayo rin si Jade, confidently. “Hello.”

            “Michelle, si Jade,” sabi ni Dexter sa kasama nito.  “Jade, si Michelle—my girlfriend.”

Michelle.

Michelle.

Michelle.

Si Michelle! Siya na ba ang Michelle na nang-iwan kay Dexter bago sila magtagpo? Yung Michelle na “muntik” na nitong mahalin? Yung Michelle na bumalik rin? Yung Michelle na nang-iwan dahil wala na nga itong pera, malandi pa?

Kung ito nga ang Michelle na iyon, naisip ni Jade na kahit paano—parehas sila. Parehas sila mag-isip, parehas sila ng rason kung bakit nang-iwan. Pero humanga siya dito—dahil sa kanilang dalawang nang-iwan, si Michelle ang bumalik. At iyon ang bagay na sigurado siyang hindi niya kayang gawin.

            “Of course, I know her,” magiliw na sabi ng “someone better” ni Dexter. “I’m her fan.” Pagkatapos ay tumingin ito sa kanya, “Hi, Jade. I’m Kuya Max’s cousin.”  

            “May we invite the single ladies, to come in front,” sabi ng emcee sa stage, hudyat ng bouquet toss.

Tulala siya nang hatakin ni Jennifer ang kanyang kamay. “Dali, sali ka. Ibabato ko sa ‘yo,” bulong nito. “Saluhin mo ah.”

            “Bridesmaid lang ang kasali di ba?”

            “Lahat nga e. Tara.”

Umupo siya. “Ayoko.”

            “Late na nga sa kasal, KJ pa,” busangot nitong sabi.

Nanahimik si Jade sa kanyang kinauupuan, habang pinanonood si Jennifer sa stage, at ang mga babaeng gagawin ang lahat masalo lang ang bouquet.

Sa mga bridesmaid at guest na nagtatawanan habang inaantay ang paghagis ng bouquet, natuon siya kay Michelle—pinagmasdan niya kung paano ito tumindig, tumawa, makipag-usap, makisaya. Kumbinsido siyang mas maganda siya di hamak sa bagong girlfriend ni Dexter.

Nang may biglang tumama sa mukha niya. Asintado ang bumato, sapul na sapul sa mukha. Kanyang tinignan ang bagay na nahulog sa kanyang kandungan—bouquet. Nakaka-asar na ngiti ang ibinigay ni Jennifer nang tignan niya ito. Hinawakan niya ang bouquet at tumayo. Binato pabalik sa mga babae, nasalo ni Michelle—katulad din ng pagsalo nito kay Dexter.

Nang binato naman ni Marco ang garter, nasalo ni Dexter. “Tadhana talaga,” napangisi si Jade.

Ang ending, pinanood niya si Dexter na isinusuot sa hita ni Michelle ang garter, nakikiliti pa ang huli. Naghihiyawan ang mga tao sa paligid. Sa eksenang iyon, hindi na maintindihan ni Jade ang nararamdaman.

            “At bago natin simulan ang lahat, ako si Jade Rizal Estanislao, ang inyong propesor sa Panitikan…”

Nagtaas ng kamay ang estudyante. “Ma’am kayo po ba yung writer ng Kung Magkikita Ta—“

Tumango si Jade.

            “Kilala ‘ko bilang si Jade Rizal. Nagtapos sa kursong Batsilyer sa Sekondaryang Edukasyon, Filipino. MaEd din sa Filipino. Ito ang unang taon ko sa Avelino College…”

June 9, 2014. Maayos naman ang unang araw ng klase sa Room 104. Nagpakilala ang mga mag-aaral, karamihan ay kursong Edukasyon ang kinukuha. Matapos ang pagpapakilala sa sarili at diskusyon tungkol sa ekspektasyon sa Panitikan ay saktong tumunog ang buzzer.

Kinuha ni Jade ang bag at nagpaalam; nanatili lang ang mga mag-aaral sa kanilang kinauupuan dahil daw may klase pa sila sa kwartong iyon.

Sa pagbukas ni Jade nang pinto, bumungad si Dexter. “A-anong ginagawa mo dito?” gulat niyang tanong.

Naghiyawan ang klase, pero nakatuon pa rin siya kay Dexter. Hanggang dito ba naman magtatagpo pa rin sila!

            “Dito ako nagta-trabaho—system administrator. Nakaraang taon pa. Ngayon nagtuturo na rin; ICT instructor nila,” sabi nito. “And you?”

            “Dito rin ako nagtuturo.”  Humakbang si Jade palabas, isinara ang pinto para makaiwas sa mga estudyanteng nakatingin.

Tumango naman si Dexter “O, may klase pa ‘ko. See you around," sabi nito

Sabay silang humakbang—si Dexter, papunta sa pinto, si Jade palayo. Nagtalikuran.

            “Jade.”

Napalingon siya. “Welcome to Avelino University. Kaya mo yan.”

Tipid na ngiti ang isinagot ni Jade. Tumalikod siya’t humakbang ng dalawa ngunit huminto ulit. “Dexter,” tawag ni Jade kasabay ng paglingon; buti na lang hindi pa nakakapasok si Dexter sa room. Mukhang pinagmamasdan lang siya nitong maglakad. “Dexter, happy birthday.” 

Kung Magkikita Tayong MuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon