Ikatlo| The Idea

457 13 0
                                    

            “O tapos? Talaga bang wala ng second chance? Wala ng retest method?” paghihimutok ni Teacher Carms habang nagtse-tsek ng papel.

            “Sorry Ate Carms, alam mong kapatid mo siya pero…hanggang do’n na lang talaga e. Wala na kami, matagal na. At wala ng Season 2 ang love story namin ni Top,” sagot naman ni Tasha.

Kapwa sila bumuntung-hininga. Nakinig sa pagbuhos ng ulan. 5:30 na pero wala pa rin si Kevin na susundo kay Tasha at si Top ni Teacher Carms.

            “Teacher Carms,” sabi ni Tasha. Umalingawngaw ang pangalan nito sa apat na sulok ng classroom. “What’s the best gift you could give to someone who already have everything?”

Nag-isip si Teacher Carms. “Kahit ano, basta yung galing sa puso. Kahit sino naman ganoon ang gustong matanggap.”

Galing sa puso.

            “Teka, para kanino ba ‘yan?” tanong ni Teacher Carms.

            “Kay Kevin.”

Ting! Bright idea!

            “Alam ko na!” bulalas na rin mismo ni Tasha. “Isusulat ko sa Post-it notes kung bakit ko siya mahal. Tapos ididikit ko yun lahat hanggang sa matabunan ang kotse niya. Magtatago ako, babasahin niya lahat ‘yun. Tapos magpapakita ako, may hawak na cake. Sabay I-love-you.”

            “Sasagutin mo na siya?” nanlalaki ang mga mata at nakangiting tanong ni Teacher Carms. Kinikilig na tumango si Tasha.

Nakita nila ang humintong sasakyan sa labas ng classroom. “Nandiyan na si Top”, sabi ni Carms. “Sumabay ka na kasi sa ‘kin. Maulan ngayon, mahirap mag-commute mula Alabang papunta sa inyo. Mababasa ka pa. “

            “Ay hindi na Teacher Carms. Hihintayin ko na lang siya,”agad niyang tugon.

            “E di ba hindi pa siya nagrereply sa mga text mo? Baka masama pa rin ang pakiramdam.”

            “Sabi niya susunduin niya ‘ko, kaya hihintayin ko siya.”

            “Eh pa’no pag hindi dumating? O sige,tawagan mo ulit siya. Pag hindi sumagot, sasama ka sa ‘kin,” suhestiyon ni Teacher Carms.

At tumawag siya, pero out-of-coverage daw. Lalong lumakas ang buhos ng ulan. Binitbit na niya ang bag at binuksan ang asul na payong na binigay sa kanya ni Kevin. Papunta na siya sa sasakyan ni Top nang may humintong sasakyan sa likod.

            “Kevin?”

Agad lumabas si Kevin palapit sa kanya, pinayungan niya ito. “Sorry I’m late. Na-traffic. Na-lowbatt phone ko.”

            “Teacher Carms, thank you ah,” nagmamadaling sabi ni Tasha. “Una na kami.”

            “Bye Teacher Carms,” sabi rin ni Kevin. 

Kung Magkikita Tayong MuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon