Ikalima| Marry You

377 14 0
                                    

CHICHAY: Kay tagal ko mang nawala, babalik pa rin. Babalik at babalik pa rin. 

Maraming salamat sa suporta--sa panahong iginugugol niyo sa pagbabasa ng aking kauna-unahang nobela. Sa bawat chapter, wag kalimutang iclick ang star. Wag din mahiyang magrecommend! :) At magcomment! :) 

Kay tagal ko nang nawala, kaya balikan natin ang nakaraan: 

| NAKARAAN | 

“Alam mo ba kung bakit ko tinanong si Jade tungkol sa proposal?” tanong ni Michelle na bumasag sa katahimikan. Hindi umimik si Dexter. “Magpo-propose si Max sa kanya.”

Kinuha ni Michelle ang camera sa kanya; tulala pa ring nakaupo si Dexter.

Nadama ni Dexter ang palad ni Michelle sa kanyang pisngi; pinupunasan ang luha niya. Tapos ay hinalikan siya sa labi. Madiin—puno ng pagsusumamo at pagmamahal. 

Nakita sila ni Jade. 

At nakita ni Max na nasasaktan si Jade. 

Dahil doon, nasasaktan rin si Max. 

Parang domino lang--I fall for you. You fall for another. 

-----------------------------------------------------------

Ikalima| MARRY YOU 

“Sumasang-ayon ka ba na maging asawa si Max, na naririto ngayon, alinsunod sa batas at mga alituntunin ng ating banal na simbahan?”

Nakatayo si Dexter sa pinto ng simbahan, pinagmamasdan si Jade na hindi sumasagot sa tanong ng pari.

            “Uulitin ko—“ sabi ng pari.

            “JADE!” sigaw ni Dexter.

At lahat ng tao’y lumingon sa kanya, pati ang babaeng tila kanina pa siya hinihintay.

Tumakbo si Dexter papunta sa altar, para bang ito na ang huling pagkakataon na makuha ang dapat ay kanya. Agad niyang hinawakan ang kamay ni Jade nang walang pahintulot sa lalaking pakakasalan nito.

Hinawakan niya si Jade, hinawakan siya nito nang mahigpit, desididong hindi na nila pakakawalan ang isa’t isa para sa ikalawa at huling pagkakataon.

Dismayado man ang pari, galit man ang mga nakasaksi, malungkot man si Max, wala na silang pakialam. Dahil naramdaman nila ang saya na naramdaman nila nang libutin nila ang Enchanted Kingdom. Yung sayang matatagpuan lang sa Heavenward o tuktok ng Mt. Makiling.

Tumakbo si Dexter, walang takot sa kahihinatnan ng second chance—sapat na ang makita si Jade sa kanyang tabi. Sigurado siyang anuman ang mangyari, sasama si Jade saanman niya ito dalhin.

            BUUUUG!  

Nagsara ang pinto. Nagsara ang kinabukasang tinatanaw nila habang tumatakbo silang magkahawak-kamay para sa kalayaan. 

Ipinilig ni Dexter ang ulo para magising.

            “Sorry, napalakas yata,” nahihiyang sabi ni Lovelyn. Diretso ito sa desk nito.

Panaginip lang pala. 12:34 sabi ng kayang relo. Binuksan niya ang dilaw na invitation. 

                ~30 Years of Love~

                Montano and Celeste

                September 5, 2014

Buti pa si Tatay Montano pawedding-wedding anniversary na lang, samantalang siya---

            “Jade!” Mula sa kanyang kinauupuan natanaw niya si Jade palabas ng pinto. Natigilan si Jade nang tinawag niya. “Lunch?”

Tumango si Jade. 

Para siyang umiibig sa taong may taning ang buhay.

Yung tipong sinusulit ni Dexter ang mga araw na kasama ang babaeng alam niyang nalalapit nang maikasal.

Hindi pa nakakapag-propose si Max, pero nakikita niyang “oo” o “of course, yes” ang sagot ni Jade.

Lumipas ang oras, araw, buwan. Ine-enjoy na lang ni Dexter ang mga sandaling magkasama sila; minsan nama’y tahimik niyang pinagmamasdan itong abala—sa pagtuturo, sa pagtipa sa keyboard, sa book editing at pagplano sa book launching, sa pakikipag-usap nito kay Lovelyn, Tatay Montano at iba pa tungkol sa iba’t ibang usapin. At kahit masakit, pinagmamasdan niya si Jade na kasama si Max—iniisip kung mas napasaya ba siya ni Max kumpara sa mga nagawa niya noon. Iniisip niya kung para kanino ba talaga ang bagong nobela ni Jade, at kung naniniwala ba ito sa second chance. 

Kung Magkikita Tayong MuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon