Ikatlo| Trabaho with love

529 11 0
                                    

            “Good morning, kids!”

            “Geeeedddmeeerrrneng teacher…”

            “Louder! I can’t hear you…”

            “Geedmerning teacher.”

Bumuntung-hininga siya. “Okay, before everything else. Let’s start our learning adventure with a new song!”

            Little Sunny water/ sleeping in a corner/ wake up wake up/wash your face and make a bumble shake…….

Habang tumatagal, nagiging komportable naman siya. Sa tuwing susulyap siya kay Sir Kevin, nakangiti ito kaya lalo siyang namo-motivate. Nagagawa nga naman ng inspirasyon.

Nagturo ng seven days of the week. Nagbigay ng hands-on activity para may active participation ng audience na halatang di nakikipag-cooperate. Nag-abot ng worksheet para sa “Assignment”. Tapos umasang may natutunan ang mga ‘bata’ at sinabing magkita-kita sila bukas para sa bagong adventure ng pagkakatuto. Hinintay ang pahayag ni Sir Kevin at ng iba pa.

            “Let’s hear first the comment of our School directress, Dr. Leticia Barcelo…” sabi ni Sir Kevin.

            “Hindi kita na-interview last time, but Sir Kevin said you’re good naman,” sabi ni Dr. Barcelo. Sa kalkula niya ay nasa 50’s na ito—pero maganda pa rin at aktibo pa sa trabaho. Nakikita niya ang sarili dito sa susunod pang tatlumpung taon. “Miss Natasha, for me, you did a good job. Let’s start with your lesson plan—well crafted. Objectives are well-defined. Your lesson is age-appropriate and follows this school’s curriculum. You have the confidence and the charm. I love your smile. Your voice is heart-warming and I’m sure kids will love you.”

Nagbigay rin ng komento ang tatlo pang guro na pawang may mga posisyon. Okay naman ang komento, pero may tumatak sa isip niya na sinabi ni Miss Lopez (yung kamukha ng terror teacher na si Miss Minchin). “Hindi ko masasabing magaling na magaling o magandang maganda. Okay lang. Marami ka pang dapat matutunan.”

            “How about you, Sir Kevin?” tanong ni Dr. Barcelo.

            “Good job,” tipid na sagot nito.

Maya-maya’y tumingin si Sir Kevin sa iba pang panelist na parang nagsasabing “Iwan niyo muna kami.” Naiwan ito sa harap ni Tasha, kasama si Dr. Barcelo. Nagtanong sila kay Tasha para sa final interview. Pagkatapos ay inabot ni Dr. Barcelo ang listahan ng requirements.

            “Congratulations Miss Natasha, you’re hired,” sabi ni Sir Kevin.

MASAYA. Ganoon pala ang feeling na marinig ang “You’re hired.” Parang batang sinabitan ng medal sa graduation. Parang teenager na niyaya sa JS prom. Parang kolehiyalang nakapasa sa entrance exam.Parang magulang na nalamang may trabaho na ang panganay na anak. Parang si Tasha na makaka-trabaho si Sir Kevin! 

Kung Magkikita Tayong MuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon