Ikatlo| Somewhere, Someday

465 14 0
                                    

Naaliw na pinagmasdan ni Tasha ang mga koi (yung isdang orange na mukhan janitor fish) na nagsisiksikan sa water lily,samantalang sagana naman ang lawang ito sa halaman.

Sa ilalim ng langit na malapit nang magdilim, sa ibabaw ng lawa ng koi at water lilies, sa pulang tulay na kinatatayuan niya, ninanamnam niya ang kagandahan ng buhay. Ang ‘somewhere’ na tinutukoy ni Sir Kevin ay ang “Mama’s Garden Restaurant” sa Tagaytay. Mukhang pasyalan na ito ni Sir Kevin, dahil matagal nang magkakilala ito at ang may-ari.

            “Dito kami madalas mamasyal ni mommy noon. Ngayon lang ulit ako nakabalik,” sabi ni Sir Kevin. Sa wakas, nagsalita rin ito. “At dito rin unang nakita ni dad si Tita Leticia.”

            “Ang ganda dito. Sobra,” buong paghangang puna ni Tasha, nakatingala sa ulap. Nang bumaling siya kay Sir Kevin ay kanina pa pala ito nakatingin sa kanya.

            “B-bakit?”

    “Nagtataka lang ako,”  sagot nito. “Bakit sa dinami-daming estrangherong nakakasalubong ko araw-araw, ikaw ang tumatak sa isip ko. Ikaw lang. Sa dinami-dami ng customer na natatanaw ko sa malayo, ikaw lang…Nakita na kitang ngumiti, narinig na kitang tumawa, alam ko ang hilig mong basahin at kainin—pero hindi kita kilala. At ngayong alam ko na ang pangalan mo at kasama kita, hindi ko pa rin alam kung bakit ikaw ang estrangherong hindi ko nakalimutan.”

Katahimikan.

Sinikap ni Tasha na pigilan ang ngiti, ibinalik niya ang tingin sa water lilies. “Hindi ko rin alam. Basta alam ko noon bumibili ako sa National para makita ka. Sayang lang dahil hindi ka libro, hindi kita puwedeng bilhin.”

Tumawa si Sir Kevin. “Totoo?”

            “Pinapatawa lang kita.”

Humakbang si Sir Kevin palapit sa kanya, pinihit siya paharap; ang mga kamay nito ay nasa kanyang balikat. “Wala ng bawian,”  nangingiting sabi nito. “You always make my day worthwhile, Natasha. Kahit minsan nagsasawa na ko sa paulit-ulit na trabaho, kahit inaantok na ko sa desk ko, gusto ko pa rin pumasok, kasi gustong gusto kitang makita. Nabubuhayan ako sa tuwing nakikita kitang dumadaan, lalo na kapag nakangiti. Lalong-lalo na kung para sa kin ang ngiting yon. Lalo na kung ako yung rason kung bakit ka masaya. I’m always looking forward to our lunch—and I’m thinking what will be our topic for today. I love making plans with you. Ayokong matapos ang nasimulan natin. Gusto kong sunduin ka pagkatapos ng klase mo,o sa La Salle kapag nag-Master’s ka na. Gusto kong yayain ka para magkape sa coffee shop ko…” Napahalukipkip ito. “Hindi ko akalaing ang estrangherong tulad mo ay magiging ganito kahalaga sa buhay ko.” 

Hindi sinabi ni Kevin na “Mahal kita, Natasha,” pero ito pa rin ang bagay na gustong marinig ni Tasha sa panahon ngayon. Matagal na rin bago niya ulit naramdaman ang kakaibang saya. Hindi nito sinabing “Mahal kita,” pero sapat na iyon para magkaliwanagan.

 Nakilala na ng pamilya ni Tasha si Kevin, at naimbitahan na rin ni Kevin si Tasha sa dinner kasama ang bago nitong pamilya. Pero hindi sila—‘exclusively dating’ pa lang. May gano’ng drama.

------

CHICHAY: Si Kevin na nga kaya? Pero wait. May magbabalik. Abangan. :> 

Kung Magkikita Tayong MuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon