Una| Mahal kita pero...

917 20 3
                                    

                                          

            “Miss Natasha, I’m so disappointed to see na nagpost ka ng reminders sa notebook ng kaklase ng anak ko, pero hindi ka nagdikit sa anak ko. That’s so unfair.”

            “Ate Tasha, hindi in-approve ni Ma’am yung schedule ng Educator’s Week na gaganapin bukas. Dapat daw kasi ipinasa mo yung waiver kahapon o mas maaga para napa-pirma na kay Dean at naibigay na sa mga estudyante. Halata niyang hindi tayo prepared. Meeting daw tayo mamayang 5 pm.”

            “Hello? Tasha, si Jackie ‘to. Sabi mo ngayon mo ibibigay yung Request form na ibibigay natin sa school na i-interviewhin? Kelan mo ba talaga balak simulan ‘tong project natin? Ang hirap mong hagilapin. Alam kong busy ka, pero sana pinasa mo na lang sa ‘kin yung gawain, hindi yung pinaghintay mo pa ‘ko sa wala. Nakakainis naman ‘to.”

Kahit labag sa kalooban ni Tasha, paulit-ulit siyang nag-sorry. Ang dami niyang gawain, hindi natatapos sa takdang panahon. Ang daming responsibilidad, hindi lahat nagagampanan. Pinilit niyang intindihin ang sarili—tao lang siyang nagkakamali. Ngayon lang nangyari sa kaniya iyon—yung makatanggap ng reklamo, sunod-sunod na araw. Minsan nga hiniling na lang niyang maging kabute. Nakakapanliit din ang mga pagkakamali.

            “Tonight marks the beginning of Educator’s Week,” sabi ni Tasha bilang simula ng kanyang speech. September 15, naisakatuparin rin ang isa sa kanyang proyekto. Isang linggo ito ng 1) seminar, talks 2) contest: Storytelling, Teaching demo, Professional Education Quiz Bee at marami pang iba. Ngayon nakatayo siya sa harap nila—sa tingin niya’y nabawi na niya ang magandang reputasyon bilang isang lider. Okay na sila ng Dean at mga nakatataas sa kanya, okay na siya sa mga minsang nagtiwala.

Nag-simula na ang event. Habang nakikinig siya sa resource speaker ay nag-vibrate ang cellphone. Nagtungo siya sa isang sulok at sinagot iyon.

            “Hello, Top?”

            “Tasha,” sabi nito. “Nasaan ka?”

            “Nandito sa ULS, may event kami e,” tugon niya. “Happy Birthday pala ha. Sana nag-eenjoy ka ngayon.”

            “Papunta na ‘ko diyan.”

            “Ha? Wag na. Hindi kita mae-entertain, busy ako sa event na ‘to. Kinakabahan nga ako, sana walang maging problema.”

            “Anong oras yan matatapos?”

            “Alas tres kami nag-umpisa, mga alas-siete matatapos siguro.”

            “Sige, hintayin kita ng 7:30,” sabi nito.

            “Wag na---“ Hindi niya natapos ang sasabihin, wala na si Top sa kabilang linya.

Naging abala siya sa event—paikot-ikot, sinisiguradong okay ang lahat, nakikipag-usap sa mga bisitang galing sa ibang schools at iba pa.

            “Top, napatawag ka?” tanong niya dito, 6:45 na sa relo.

            “Nandito ‘ko sa pavillion, sa may Integrated Farm, malapit sa ULS.”

            “Ano?” napahalukipkip siya. “Top, busy ako, hindi ko mapapangakong 7:30 matatapos ‘to. Mabuti pa, umuwi ka na at magpahinga.” Bago niya pa marinig ang sasabihin ni Top ay kinalabit siya ng Secretary niya, tinatawag na daw siya sa stage.

Kung Magkikita Tayong MuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon