Ikalawa| Mr. Right

1.5K 17 2
  • Dedicated kay Elaiza Faye Santos
                                    

2

Mr. Right

“Si Mr. Right, minahal mo gamit ang isip.

Si The One, minahal mo gamit ang puso.”

----

Si Jade, abala sa pagtingin-tingin ng mga libro sa National bookstore; umaasang mabibigyan siya nito ng ideyang magandang isulat.

Si Dexter, mag-isang nanonood ng One More Chance; umaasang darating ang ka-date niya. “Mahal na mahal kita, at ang sakit-sakit na,”  sabi ni Popoy, at sobra siyang nakakarelate. Tila naglasang ampalaya ang cheesy popcorn na kinakain niya. Paubos na ang popcorn, pero mukhang hindi na siya sisiputin ng ka-date kaya’t busangot siyang lumabas sa sinehan.

        

        “Bakit ba gusto mo yung mga libro ni Jade Rizal? Mapa-horror, thriller o suspense man yan, mas maganda pa ring panoorin kesa basahin ang mga ganyang klase ng kwento,”sabi ng lalaki sa kanyang girlfriend habang hinahanap nito ang libro. Nang maulinigan iyon ay nag-aalburutong lumabas si Jade sa bookstore.

Hindi na alam ni Dexter kung ano pang dapat gawin sa SM kung hindi ka sinipot sa date. Sa paglalakad ay nakita niya ang ka-date, may kasamang iba; nawasak ang puso niya. Nilingon niya pa at sinundan ng tingin ang dalawa na mukhang hindi naman siya napansin.

Patungo naman si Jade sa Home-Sweet-Home, ngunit bago pa siya makapasok ay natanaw niya mula sa transparent na dingding ng restaurant ang magkasintahang masayang nag-uusap. Maya-maya’y nagtama ang paningin nila ng lalaki; nakilala niya itong si Top dahil sa kakapanood niya ng Star Search. Nagsalita ito at maya-maya’y tumingin ang kasama nitong babae sa kanya.

Bumagal ang kanyang paglalakad nang makita ang dalawa; bago pa siya bumalik sa katinuan at tumingin sa nilalakaran ay nasubsob siya sa matipunong dibdib ng isang lalaki na marahil ay naglalakad din nang wala sa sarili. Sa biglang pagbanggaan ng dalawang tanga ay nabitawan ni Jade ang kanyang Motorola  Razr. Matunog na lumagapak ang de-tupi niyang cellphone sa tiles at nakalas ang baterya nito; nagka-mini heart attack ang mga saksi, dali-daling pinulot at binuo ito ni Jade.

        “Ano ba?! Bulag ka ba?” galit niyang sabi sa lalaking ‘matipuno’ na naka-shades na mukhang kalmado lang siyang pinapanood. Tumayo si Jade nang gumana ang cellphone. “Kung umilag ka sana e di---,” bago niya pa matapos ay “JADE?!” ang bulalas ng lalaki.

        “Excuse me,” sabi ni Jade kasabay ng pagtaas ng kilay at pag-ekis ng mga braso niya “Magkakilala ba tayo?!”.

Sa halip na kasagutan ang marinig ni Jade ay nagkaraoke ang salesgirl sa AstroPlus.

            Maybe it’s you/ Maybe it’s you/ I’ve been waiting for all of my life.

            “Sabi ko sa ‘yo, lahat ng nangyayari itinadhana,” sabi ni Top kay Tasha habang pinapanood ang dalawang “estrangherong” nag-uusap matapos magbanggaan. “Destiny”.

Marahil, tama si Top.

Siguro kung lumabas si Dexter sa sinehan ng maaga ng sampung segundo, hindi niya makakasalubong ang ka-date niyang may kasamang iba, wala siyang lilingunin, tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad at kahit maglakad ng nakapikit at nangangapa si Jade ay hindi sila magkakaharap; lalo na ang magbungguan. At hindi makakalas ang cellphone nito.

Pero ito ang nangyari, dahil ito ang nakatakdang mangyari.

           

        “Okay ka lang?” tanong ng kaibigan niyang kanina pa siya hinihintay sa Home-Sweet-Home. “Okay pa ba ang cellphone mo? Baka naman nag-crack pa ang tiles”.

Kung Magkikita Tayong MuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon