Ikaapat| Magpakatotoo Ka Sister!

445 10 0
                                    

Kevin Barcelo:  SAME HERE. Same here.

            “Same here? Binasa ni Destiny ang huling reply ni Kevin. “Ibig sabihin miss niya rin ako? Hindi siguro. Baka sinakyan lang niya. Dapat kasi huminto na ko sa ‘Na-miss ko yun’. Ang tanga mo Destiny!” Tinampal niya ang bibig. “Bastos ang bibig kasi. Landi!”

Destiny A: K. Antok na ko. Gdnyt.

Kevin Barcelo: Wait. Can I have you number? Let’s catch up sometime.

Don't wanna break your heart

Wanna give your heart a break

I know you're scared it's wrong

Like you might make a mistake

There's just one life to live

And there's no time to wait, to waste

So let me give your heart a break, your heart a break

Walang araw na hindi kumakanta si Destiny—frustrated singer siya sa banyo, kusina, kwarto. Concert hall niya ang buong bahay at ‘fans’ niya ang mga tao dito.

                “Ang aga-aga ng mundo, hyper ang anak mo,” narinig niyang sabi ni papa kay mama.                 

                “Pagbigyan mo na. Kesa naman magmukmok, at least masaya siya.”            

Talagang masaya—ilang araw na silang magkausap sa cellphone, magka-chat. Lumapit siya sa dalawa. “Una na po ako. Ba-bye.” Pagsampa niya sa kotse ay tumunog ang cellphone.

Excited na sinagot iyon ni Destiny. “Hello Kevin? Napatawag ka?”

            “Good morning. Papasok ka na?”

            “Oo. Ikaw?”

            “On my way. Sige, ingat. Have a great day,” sabi nito. ‘By the way, mamayang 6 pm na ang reunion, sa school pa rin. Are you coming?”

            “Ewan ko. Hindi ko pa alam.”

            “I hope you’ll come.”

Pagkatapos ng trabaho, sa bahay na si Destiny nananghalian kasama si Pochi. Tapos ay dumiretso sa kanyang walk-in closet kung saan nakahilera ang mga damit na naghihintay na kanyang maisuot.

            “Ano bang susuotin ko?” tanong niya kay Pochi nang sumunod ito sa kanya.

Ano nga ba? Dress? Pastel o dark? Laced o chiffon? Floral o leopard print? Body-hugging o loose? What about peplum? Mullet? Pleated? Maghe-heels ba? Wedge? Stiletto? Peephole? Boots?!

             “Wala akong damit!,” padabog niyang sambit.

Kinaltukan siya ni Pochi. “Te, CEO ng isang fashion brand, walang damit? Libo ang damit sa walk-in closet, walang maisuot?” Kumuha ito ng isang damit. “Ganito, have a style in mind. Bakit hindi ka magpaka-seductive, yet classy? Mala- Marilyn Monroe.”

            “Hindi ganon ang tipo ni Kevin…”

            “Dep*ta ka!” bulalas ni Pochi. “Sabi na nga ba e! Reunion tapos si Kevin lang pala ang sadya mo. Sana niyaya mo na lang mag-date!”

Pinakita ni Destiny ang larawan ng isang babae sa cellphone niya. “Eto ang ex-girlfriend ni Kevin—si Natasha Roma.”

            “Saan mo nakuha ‘yan?”

            “Dinownload ko sa Facebook.”

            “Stalker ka,” sabi ni Pochi.

            “Whatever,” umirap siya. “O anong impression mo sa kanya?”

            “Maganda siya, in fairness. Pa-demure effect. Para siyang Little Miss Sunshine—tipong good vibes palagi, may liwanag ang buhay…”

            “Meralco?”

            “Gaga. Basta, parang sweet siya. May pagka-mahinhin, inosente…”

            “Teacher kasi siya Pochi. Parang caring, youthful, sweet and charming,” sabi ni Destiny. “O di ba? Ganyan ang tipo ni Kevin—hindi yung pa-sexy. Yung sweet and innocent ang peg.”

            “Sweet and innocent…Yung pa-virgin effect?”

Kinaltukan niya si Pochi. “Ano ba Pochi! Basta gusto ko ganon ako. Mala-Kim Chui ang pormahan. Tapos yung pustura parang si Dawn Zulueta.”

Namewang si Pochi. “Yung first boylet mo, sweet, caring—naumay ka. Yung pangalawa—bossy, authoritarian, serious type; iniwan mo kasi nasasakal ka. Yung pangatlo—tahimik pero napaka-talented; iniwan mo kasi walang sense of humor. Yung pang-apat naman—napaka-lively, friendly, outgoing; iniwan mo kasi flirt. Si Hugo naman---“

            “Ano ba kasing gusto mong sabihin?!?!”

            “It’s not about meeting your standard. It’s about winning your heart! It’s not about who got qualified—it’s about who made you fall in love! Iba si Natasha, iba ka,” sabi ni Pochi. “Wag kang manggaya. Be the real you.”

            “Eh, so ano ba ako? What’s the ‘real’ me?”

            “Ikaw? Ayun—gaga.” 

Kung Magkikita Tayong MuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon