Ikatlo| Hot Seat

497 12 2
                                    

DISYEMBRE, Sabado. Inimbita ni Natasha sa bahay ang mga co-teachers sa Preschool Department, pati na rin ang Supervisor na si Sir Kevin Barcelo. Pumunta rin ang best-of-friends niyang sina Ellen, Jackie at Jessa, pati ang ilang kamag-anak. Hindi dahil sa Christmas o New Year’s eve, masyado pang maaga para do’n.

           

         “Congratulations Teacher Natasha! Professional Teacher ka na!”, sabi ni Ellen,kasabay ng pagtaas ng baso, hudyat ng ‘Cheers!’. 

Nakahanap ng trabaho, tsek. Nakapasa siya sa LET; lisensiyadong guro na, tsek. Sa sunod na taon ay kukuha na siya ng Master’s. Unti-unting maabot lahat ng pangarap niya. Dapat lang na mag-Thanksgiving.

            “So Miss Natasha, kelan mo balak maikasal?”, pabirong tanong ng co-teacher.

Nasamid siya sa iced tea. “Wala pa nga pong boyfriend ma’am.”

            “O, e di mag-boyfriend ka na. Gusto mo ireto kita?”

Napatingin siya kay Sir Kevin, na mukhang abala sa pakikipag-usap sa ibang co-teachers. “Ikaw na lang po muna ma’am. 35 na kaya kayo, maghanap na, aba! Time is gold,” biro ni Tasha sa kausap.

Inakbayan siya ni Ellen. “Pero alam mo teacher may point ka. Kailangan ni Teacher Tasha ng inspirasyon. “

Sumingit si Jackie. “Wag mo sabihing, hindi ka pa naka-move on kay Top?”

Natigilan siya, kasabay noon ay natutok ang atensyon sa kanya ng mga taong kanina ay akala niya’y may kanya-kanyang usapan. Nakatingin si mama…at si Sir Kevin.

            “Oo nga. I forgot. Di ba ex-boyfriend mo si Top?”  tanong ng co-teacher na kanina ay inuusisa kung kelan niya balak magpapakasal. “Minsan kasi nag-appear ka sa isang showbiz magazine. Ang caption pa nga ‘Top’s rumored girlfriend.’ Pero matagal na yung balitang iyon, nung contestant pa lang siya sa Star Search. Hindi pa siya masiyadong sikat, so iilan lang ang may pakialam kung sinong non-showbiz girlfriend niya…”

            “Totoo? Naging boyfriend mo si Top?” tanong ng isa pang co-teacher.

Bago pa siya makasagot ay inunahan na siya ni Ellen. “Oo teacher. Boyfriend niya for almost two years yata. Tsaka, diyan siya nakatira—“ tinuro nito ang bahay sa tapat.

Biglang na-excite ang kausap na co-teacher. “Nandiyan pa kaya siya? Ano oras siya umuuwi?”

            “Lumipat na siya sa condo. Alam ko sa QC e,”  sagot ni Jackie.

Tumango ang co-teacher na mapang-intriga sa lovelife. “So, nakapag-move on ka na ba sa boyfriend mong sikat na sikat na singer at artista na ngayon? Na may sariling condo at ipinapatayo na ang dream house, may album at kinababaliwan ng lahat pati highschool students natin?”

Bumuntung-hininga siya. “Basta sigurado ako na masaya na po ako. Finished my thesis; I graduated. Got my first job, passed the LET—maraming dapat ipagpasalamat bago matapos ang taon. “

            “Pero hindi mo nasagot ang—“

            “Yes, teacher. Naka-move on na po ako”, pagdi-diin niya. Sigurado na siya, 100% 

Kung Magkikita Tayong MuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon