Ikaapat| Kuwintas

418 13 0
                                    

“Sabagay, good things come to those who wait. But not everything is worth the wait,” konklusyon ni Delilah nang ikuwento ni Destiny habang nagme-merienda silang apat sa veranda. “Minsan talaga, you just have to let go and move on. Hindi mo makikita ang biyaya ng buhay kung panay ang hingi mo sa bagay na hindi mo naman makukuha.”

            “Pero alam mo,” sabi ni papa, “noon pa man, gusto ko na talaga si Kevin para sa ‘yo ‘nak e…”

Umiling si Destiny sa narinig. “Wala po tayong magagawa, hindi natuturuan ang puso. Pero alam mo, papa, masaya ako sa lahat ng nangyari. Nagkita kami ulit, naranasan kong mahawakan ang kamay niya, naramdaman ko kung gaano kasarap mabuhay kasama siya. Oo, nasaktan niya ‘ko—pero parang, buo pa rin ang puso ko. Hindi nasira ang pagkatao ko. Hindi ako nababoy. Handa pa rin akong magmahal. Tinuruan niya kong mahalin ang sarili ko. Kaninang pagising ko, na-realize ko na masaya pa rin ako dahil dumating siya uli sa buhay ko.”

Niyakap siya ni mama. “Nako, pag-ibig nga naman!”  May inabot ito sa kanyang palad—isang kuwintas. “Regalo ko sa ‘yo, ‘nak. Late ko nang naibigay Kasi naman, these past few days, abala ka sa iyong mala-teleseryeng buhay pag-ibig.”

Buong paghangang pinagmasdan ni Destiny ang gintong kuwintas na nakahimlay sa kanyang palad. “Ang ganda. Saan mo nabili ‘ma?”

            “Sa amiga ko, yung manghuhula,” tugon ni mama pag-upo nito. “Sabi niya, napulot niya sa coffee shop noon. E kailangan niya ng pera ngayon, binenta niya sa ‘kin. Pumunta kami sa pawnshop, ginto nga tlalaga. Nagandahan ako, binili ko.”

Binuksan ni Destiny ang locket pendant at tumambad sa kanya ang dalawang larawan—isang babaeng pamilyar sa kanya at ang lalaking kilalang-kilala niya—si Kevin.           

            “Ma, sa coffee shop niya daw ‘to nakita?”tanong ni Destiny, nakapako pa rin ang mata sa larawan ni Kevin.

            “Kuwento ni mare, natapakan niya ‘yan nang paalis na siya sa coffee shop. Alam mo naman yun, mahilig sa burloloy, ayun, binulsa agad. Tapos ginto pala, talagang tinago na niya. E kailangan daw niya ngayon ng pera, ewan kung para saan. Binenta sa ‘kin. Tunay ‘yan anak,” sabi ni mama. “Ewan ko kung ba’t di niya pa tinanggal ang pictures. Tanggalin mo na lang.”

            “Ma,kay Kevin ‘to,” sabi ni Destiny—ang tono nito’y parang nanghihikayat na ibalik ang kuwintas sa may-ari.

Hangga’t nasa kanya ang kuwintas ni Kevin, alam niyang hindi siya mapapanatag. Alam niyang hindi matutumbasan ng pera ang pagpapahalaga ni Kevin dito. Siguro nga, may dahilan kung bakit nawala ito. Siguro, ito rin ang dahilan kung bakit kailangan niyang puntahan si Kevin.

            “Babalik ka para isauli. Para magpasalamat at magpaalam. Para magaan ang loob mo pagbalik mo sa kinalulugaran mo. At wala kang ibang dadalhin pauwi kundi alaala,” bulong niya sa sarili.

Sabik na sinagot ni Kevin ang tawag ni Destiny, habang nasa parking area patungong coffee shop.  “Destiny…”

            “Kevin, nasa’n ka ngayon?” Na-miss niya ang boses nito.

            “Dito sa shop.”

            “Good. Papunta na ‘ko diyan. May isa-sauli lang ako.”

            “What is----“

Napailing siya nang tapusin agad ni Destiny ang tawag. Dala ang gamit, nagtungo siya sa shop at binati ng barista. “Sir, nandito po si Ma’am Tasha.” 

Agad inilibot ni Kevin ang tingin sa mga taong masayang kumakain. Nahanap naman niya ito kaagad—mag-isang nakaupo sa dulong mesa. Nakangiti ito; yung ngiting minahal niya nang una silang magkita.

Mabigat ang mga paa ni Kevin nang maglakad, ang mukha ay walang reaksyon ng pagkasabik, sorpresa o gulat. Hindi rin siya galit. Alam niyang naka-move on na siya. Pero sa sandaling ito, hindi niya alam ang dapat maramdaman, o kung papaano pakikisamahan.

Nanatili lang siyang nakatayo nang marating ang mesa ni Tasha. “Hi,” kaswal niyang sabi.

Tumayo si Tasha at niyakap siya—ramdam niyang masaya ito, sabik dahil nagkita sila ulit. Pero sa yakap na iyon, si Destiny ang gumuhit sa kanyang isipan—yung unang yakap nito sa kanya sa rooftop garden at nang magkita sila sa Class Reunion. Naalala niya ang gabing sinabi nitong ‘Mahal kita’. Sa yakap ni Tasha, naging malinaw sa kanya ang lahat. Sa yakap ni Tasha, nalaman niya ang sagot sa tanong ni Destiny.

            “I missed you,” sabi ni Tasha.

Hindi sumagot si Kevin. Kumalas sa yakap si Tasha at kinuha ang paper bag sa mesa. “Chocolates para sa ‘yo.”

Sabay silang umupo. “Alam ko masama ang loob mo nang umalis ako, hon. Kaya nagtiya-tiyaga pa rin akong i-chat ka kahit hindi mo ko sinasagot. Hanggang ngayon ba….”

            “No,” malamig niyang tugon. “Everything’s okay. I understand you now. Salamat sa chocolates. ”

            “Kamusta ka na?”  masaya nitong tanong. Lagi naman itong masaya.

            “I’m okay,” tugon niya. “Ikaw?”

            “Marami akong ikukwento,” masaya nitong sabi. “Sa’n ako magsisimula? Airport o Korea?”

Matamang tinignan si Tasha. Huminga ng malalim. “Tasha…Please? We both know, heaven knows we are not okay. Komportable ka ba talaga ngayon?”

             “Hindi na ba puwedeng maayos?” 

            “I’m sorry…,” sabi ni Kevin, iwas ang tingin sa mga mata ni Tasha na naghahanap ng paliwanag. Hindi niya alam kung saan magsisimula--sa ‘Thank you’ ba o ‘sorry’.

Iniisip niya kung anong hindi masyadong masakit pakinggan: Mahal kita pero mas mahal ko siya, o mas mahal ko siya pero minahal rin kita. 

Kung Magkikita Tayong MuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon