Ikalima| Kanlungan

382 11 1
                                    

CHICHAY: Hello Philippines, hello world. :) Alam kong matagal na panahon bago ako nakapag-update ulit. Iyon ay dahil sa pagpanaw ng aking lola--na aking pinakamamahal, kaya hindi ako makapag-concentrate sa lahat ng gawain. Pero kasabay ng pagmo-move on ko sa kanyang paglisan ay ang pag-usad din ng aking kuwento. Baka nalimot mo na ang nakaraan, tara't magbalik-tanaw. 

Inayos ni Dexter ang desktop ni Jade. Biglang ganti, bumili si Jade ng pagkain at yayayain sana si Dexter na mag-lunch. Dumating si Michelle. 

Naglaho ang ngiti ni Jade, kasabay rin ang paglaho ng ngiti ni Dexter. Pero hindi rin nasiyahan si Michelle—nawala rin ang ngiti nito at ang excitement na imbitahin si Dexter na kumain sa labas. 

Nanatili pa rin si Michelle sa kanyang kinatatayuan—banda sa front desk. Nakatingin si Michelle sa kanilang dalawa. Habang palipat-lipat naman ng tingin si Dexter sa babaeng hawak siya, at sa babaeng hawak ang puso niya.

            “Kain tayo,” pilit ang ngiting sabi niya habang palapit kay Michelle. “Tayong. Tatlo. Kain.”

            “Tayong tatlo?” taas-kilay na tanong ni Michelle kay Dexter.

 

            “Hindi na,” pilit din ang ngiti ni Jade. “Sabay kasi kami ni Lovelyn kakain. Well, enjoy. Pakabusog.” 

        -------------------------------------

                Darating din sa akin muling magiging akin ka,
                subukan mang pilitin huwag ka munang mawala.
                Nanlalamig na damdamin, dito'y walang napapala
                Sa araw na umuwi na, meron ka na bang iba?

Nawalan na ng ganang kumain si Jade noong araw na iyon. Wala na ring ganang magtrabaho. Walang ganang makipag-usap, kahit si Lovelyn o Tatay Montano pa yan. 

            See you later  ;)  --From: Aking Mahal

Muli niyang nilapag ang cellphone sa mesa nang mabasa ang text ni Max. Hindi niya malaman kung wala rin ba siyang gana kay Max o tinatamad lang siyang makipagkita.

Pumatak ang alas-tres, tapos na ang working hours. Uwing-uwi na si Jade, pero hindi niya alam kung saan pupunta. Nagtungo siya sa restroom ng building. Naghilamos. Humarap ulit sa salamain at nakipagtitigan sa sariling repleksyon—umaasang mababasa niya ang kanyang mga mata. Pero tulad niya, naghahanap rin ang mga ito ng mga kasagutan sa mga katanungang nahihiya siyang itanong sa sarili.

Pumikit si Jade at nagbilang sa harap ng salamin, umaasang pagdilat ay alam na niya ang gustong gawin sa araw na iyon, sa buhay niya.

Isa. Dalawa. Tatlo….dilat.

            “Jade?”

Nanlaki ang mga mata ni Jade nang makita si Dexter sa salamin. “Ayos ka lang?” tanong nito. Humarap si Jade.

            “Ikaw, ayos ka lang? Nasa girl’s roo---“ Natigilan siya nang pumasok rin si Tatay Montano. Tsaka niya nakita ang door sign. Lalaki.

Dali-daling isinukbit ni Jade ang bag at lumabas sa restroom.

Sht. Si Dexter ang unang nakita niya pagdilat ng mga mata. Si Dexter ang dahilan. Si Dexter ang problema. Si Dexter ang solusyon. Si Dexter lahat.

            “Kahit saang sulok nakikita kita,” bulong ni Jade sa sarili, habang papunta sa kanyang kotse. “Kahit sa gitara ng estudyanteng iyon, naaalala kita. Sa kwek-kwek. Sa mga batang labas-masok sa computer shop. Sa SM Palapala. Sa popcorn. Sa mineral water na pinaghahatian natin. Sa mga tala. Kahit ayoko, pumapasok ka sa isip ko. Bumabalik ka sa panaginip. Binubulong ka ng hangin. Hinihila ako ng nakaraan, ng mga alaala mo. Kelan mo ba ko tatantanan?!”

Paikot-ikot lang ang sasakyan sa kalsada. Kung saan saan lumiliko. Sa sobrang sikip ng dibdib at gulo ng isip, inihinto ni Jade ang kotse kung saanman at ibinaon ang mukha sa manibela. Ang bigat ng mata, gustuhin man niyang umiyak, wala namang malabas na luha. Parang internal bleeding lang. Sa labas okay, sa loob—nagdurugo na yung utak sa kaiisip sa taong hindi maalis-alis, umiiyak na ang puso pero hindi man lang mailabas sa mga mata.

Tinanaw niya kung saan siya huminto—sa Heavenward pala, kung saan humahalik ang bughaw na ulap sa luntiang damuhan.

Pagpasok niya sa parke, it felt like coming home.

Makukulay na lobo. Magigiliw na tawanan. Kwek-kwek. Gitara’t harana. Holding hands na pa-sway sway pa. Ganoong senaryo pa rin ang naabutan niya. Para bang handa na ang lahat sa kanyang homecoming. Isa na lang ang kulang—si Dexter.

Dumiretso si Jade sa kanyang favorite spot—yung may karatulang This-Way-To-Heaven.  Umupo siya sa bench at doon tinanaw ang malawak na espasyo kung saan maraming lovers.

              Bakit pa kailangang magbihis
            Sayang din naman ang porma
            Lagi lang namang may sisingit
            Sa tuwing tayo'y magkasama

Mula sa bench na kanyang kinauupuan, natanaw niya ang lalaking nanghaharana sa kasama nitong babae—malamang girlfriend. Magaling, magaling, sa isip ni Jade. Inaasar talaga siya ni Bathala.

Ilang saglit pa’y may umupo sa kabilang dulo ng bench na kanyang kinauupuan—si Dexter. 

Kung Magkikita Tayong MuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon