Ikalima| The Not-So-Surprising Surprise Marriage Proposal

326 12 0
                                    

        “Dito na lang po ako,” sabi ni Jade kay Ma’am Elaiza nang matanaw ang Suncrest Village.

            “Ihahatid ka na namin sa looban.”

            “Okay lang. Malapit na rin naman ang terminal ng tricycle. Sasakay na lang ako.”

            “Naku,” singit ni Lovelyn. “Hindi po yan sasakay. Tatanggalin niya heels niya sabay lakad ng nakayapak tsaka mage-emote hanggang makarating ng bahay. Parang sa teleserye.” Siniko naman ito ng katabi.

Kahit walang pinagkukwentuhan si Jade tungkol sa nangyayari sa kanyang buhay, alam niyang nakikiramdam ang mga tao sa paligid niya. Sa tindi ba naman ng radar ni Lovelyn pag dating sa issue at chismis, walang balitang di mabubunyag.

            “Jade,” sabi ni Ma’am Elaiza “Pag usapang puso, just call my name and I’ll be there.”

Pinilit ngumiti ni Jade, tapos bumaba ng kotse. Pag-alis ng mga kasamahan, hinubad niya ang heels, nilampasan ang terminal, ninamnam ang lamig ng hangin at pinakinggan ang katahimikan—tulad ng sinabi ni Lovelyn.

             

            “Walang saysay ang paghihintay at paghahanap sa kanya. Una, dahil mahaba ang buhay at may 1.7 bilyong lalaki sa mundo. Marami ka munang makikilala bago mo makita ang taong inilaan para sa yo. Kung kayo naman talaga, bakit mo siya hahanapin? Kusa siyang darating, sa hindi mo inaasahang pagkakataon, sa hindi mo inaasahang lugar. At pag nakita mo siya, lahat ng natutunan mo sa bigo mong pag-ibig noon, magagamit mo para maingatan ang hinaharap. Pangalawa, wala namang pinanganak na Mr. Right. Pero merong tao na gagawin ang lahat, maging karapat-dapat lang sa pagmamamahal mo. Tulad ko. Joke. ”

“Ayos na ‘ko sa patagong relasyon. Hindi mo ko maipagmalaki—tanggap ko ‘yon. Kahit gusto kong ipagsigawan sa buong mundo na girlfriend kita, ibinubulong ko na lang sa ‘yo, kasi ikaw lang naman ang mundo ko ‘di ba? Yun lang, sapat na.”

            “Jade, si Michelle—my girlfriend.”

            “Sinulat ko ‘yan nung araw na nag-break tayo… Gano’n talaga siguro pag wasak. Hinamon ko pa nga ang sarili ko eh. Sabi ko, dapat, mas maunang maghilom yung puso ko bago palitan ang bench na ‘to o bago mawala yung pangalan natin diyan.”

            “Jade, please. ‘Wag kang pumunta. ‘Wag.”

Akmang pipindutin ni Jade ang doorbell nang makarating sa gate, pero nakitang hindi naman ito naka-lock—at malamang hindi ilo-lock dahil may sorpresang magaganap at hinihintay siya ng lahat. 

Buntung-hininga, kailangan niyang ihanda ang sarili.

Dahan-dahan siyang pumasok, isinara ang gate. Binuksan ang pinto at bumungad ang makukulay na lobo na sa dami ay hindi na makita ang kisame. May mga naka-attach na litrato sa dulo ng tali ng bawat lobo. Puro memories, pinapaalala sa kanya kung paano sila nagsimula ni Max.

Sinundan niya ang direksyong tinuturo ng hagdan—paakyat. At nang makaakyat, isa na namang arrow.

Mabagal siyang naglakad. Sa bawat hakbang ay iniisip kung ang taong tinuturo ba ng mga arrows ay ang taong itinuturo din ng kanyang puso. 

Hindi pa man nakakatapos si Jade magdesisyon ay nadala na siya ng kanyang mga paa sa rooftop.

Maliwanag ang gabi dahil sa mga candle lights sa paligid. Romantic dahil sa mga rose petals. Sa gitna ng rooftop, may projector.

            “Jade, smile!”

            “Hay nako. Hindi nga ‘ko photogenic!”

            “Ay wait, video pala to. Hahaha!”

Naglakad siya palapit sa projector, habang pinapanood ang iba’t  ibang alaalang pinreserba ng camera—yung adventures sa Tagaytay, Baguio, Sagada, Ilocos, Bacolod, HongKong, Korea.

            “One of these days—malapit na rin naman—sa Paris tayo. Dun tayo magho-honeymoon.”

            “Ngek. Hindi ka pa nga nagpo-propose e.”

            “O ngayon na. Sige. Jade, will you marry me?”

Kuha iyon noong December 2013.

            “Ayoko. Walang singsing. Ba ‘yan babe? Hindi naman ako choosy. Kahit yung singsing lang na gawa sa santan o yung tigpi-piso sa chichirya okay na e.”

Kiniliti siya noon ni Max, at nakangiting pinagmamasdan ni Jade ang sarili sa video na tumatawa—yung panahong akala niya, the search is over. Yung panahong akala niya, si Max na ‘yon. Yung panahong akala niya, totoong masaya siya.

Kasabay ng slideshows ng mga pictures ay dinig ni Jadeang kantang “Ikaw lamang” ng Silent Sanctuary. Alam ni Max na iba ang dating ng Tagalog na love songs sa kanya—mas tagos sa puso.

Pero siguro, hindi alam ni Max na si Dexter ang dahilan kung bakit nagustuhan ni Jade ang mga ganoong klaseng kanta.

Nakatuon pa rin si Jade sa projector, lumapit si Max dito.

            “Once upon a time, I saw you in the office, in the publishing house, and I said to myself. I want to know you,” sabi ni Max nang makalapit. “So, I read all your novels. Pero nung nabasa ko yung unang love story mo, I knew I want to have you.” Hinaplos nito ang kanyang pisngi.  “And now that I have you, I want to marry you. I love you Jade. I always do.”

Nilabas niya ang pulang kahon. “Jade, will you…Will you marry me?”

Alam ni Jade na darating sa puntong iyon, na iyon ang itatanong ni Max. Pero pumunta pa rin siya dahil nagbabaka-sakaling kayanin niya. Na mag-iiba ang kanyang sagot pag nakaharap niya na ito o baka maramdaman niya rin ulit ang unang naramdaman niya nang maging “sila.”

Nanlambot si Jade, dahan dahang napaluhod, iwas rin ang tingin kay Max. 

Kung Magkikita Tayong MuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon