Ikalawa| Gitara

522 13 3
                                    

Tinatawagan niya si Dexter nang makarating sa Heavenward Park, pero nagri-ring lang ang cellphone nito. Nagtungo na siya sa playground,wala ito. Sinuyod na niya ang bazaar, wala pa rin. Wala ni anino o gahibla ng buhok nito sa mga cottage ng Picnic Grove. Sa kakalakad ay nakita niya ang karatula na may nakaukit na THIS WAY TO HEAVEN. “Ba’t di ko nga naisip na meron nito?”

Tinunton niya ang direksyong tinuturo ng karatula. At ang THIS-WAY-TO-HEAVEN na nga ang pinakamagandang lugar sa parkeng ito. Dito ay kaysarap humiga sa green,green,grass at tila abot mo ang bughaw na ulap. Nakakabighaning makita ang paghalik ng langit sa lupa. May iilang puno, bangko, mga batang naghahabulan, nagpapalipad ng saranggola at nanghuhuli ng tutubi. Sa paraisong iyon, naghihintay si Dexter.

Abala ito sa pag-aayos ng red-and-white checkered mat na nakalatag sa damuhan. Sa tabi nito ay may gitarang naghihintay na tugtugin at  basket na naglalaman ng kung anong masarap na merienda.

            “Dexter...” Sinambit niya ang pangalan nito—nang may buong pasasalamat. Hindi sapat ang salitang “’masaya’ para tukuyin ang nararamdaman niya ngayon.

Lumingon ito, ngumiti. “Nandiyan ka na pala.” Sa mata ni Jade, iba ang aura ni Dexter ngayong araw. “Naging gwapo ka ba lalo, o lumalim lang talaga ang pagtingin ko sa yo?” tanong ni Jade sa sarili.  “It’s already 6:28. Sorry sa paghihintay.”

“Okay lang,” sabi nito habang palapit sa kanya. “Ang mahalaga pumunta ka.”

            “Dexter, anong meron? Bakit may ganitong kaganapan?”

            “HAPPY BIRTHDAY,” nakangiting sabi nito. May kung anong hinugot si Dexter sa suot nitong vest. “Flowers for you,” sabi niya nang iabot ang pulang rosas.

            “Flower lang, walang –s,” natatawang tugon ni Jade. “Isa lang to eh. Well, thank you.”

            “Tara, upo tayo.”

Nang maka-upo ay kinuha ni Dexter ang gitara. “Dexter, pa’no mo pala nalaman na birthday ko?”

            “Sinabi sa ‘kin ni Ate Jen, nung isang linggo pa,” sagot nito. “Napaisip ako kung anong magandang ibigay sa ‘yo. Materyal na bagay? Nasa iyo na lahat. Maraming bagay na meron ka na wala ako—at kung wala ka naman no’n, e di matik ng wala ako nun, at hindi ko kayang bilhin ‘yon para sa yo. Tapos napanaginipan ko ‘to—tayong dalawa, magkasama. Tayong dalawa, nakaupo sa damuhan, ninanamnam ang sariwang hangin, pinakikinggan ang katahimikan, nakatingala sa ulap at minamasdan ng mga bituin. At paggising ko, sabi ko ‘Sayang, sana totoo na lang.’ Pero tama nga talaga si kuya Marco. Hindi lahat ng pangarap, mahirap abutin. Hindi lahat ng panaginip, imposible—kasi ngayon, kasama kita.”

            Ngumiti si Jade. “Naninibago ko sa ‘yo ngayon. Parang naging banal ka eh.”

Natawa ito. “Ako rin eh. Ewan, pero pag kasama kita nagiging ganito ako. Wirdo. Basta.” Tsaka niya naalala ang gitara.

            “Jade, you will be especial to me,” sinserong sabi ni Dexter.

            “SPECIAL,” pagwawasto ni Jade. “Ulitin mo.”

            “Basta may –cial. Ganun pa rin ‘yun,” palusot nito. Nagtawanan sila pareho.

Bakit pa kailangang magbihis
Sayang din naman ang porma
Lagi lang namang may sisingit
Sa tuwing tayo'y magkasama

Bakit pa kailangan ng rosas
Kung marami namang nag-aalay sayo
Uupo na lang at aawit
Maghihintay ng pagkakataon
Hahayaan na lang silang
Magkandarapa na manligaw sa'yo
Idadaan na lang kita sa awitin kong ito
Sabay ang tugtog ng gitara
Idadaan na lang sa gitara.

Sa huling pagpilantik ng daliri nito sa gitara, ngumiti si Dexter kay Jade. Nangungusap naman ang mga mata ni Jade na tumingin sa kanya, naghahanap ng kasagutan—kung ano ba talaga ang gusto niya, o kung nahanap niya  na ito.  

Kung Magkikita Tayong MuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon