Ikaapat| Cold Night

472 13 0
                                    

Napalunok na lang si Destiny sa 1-week stay. Mapapakanta na lang siya ng "We found love in a hopeless place." 

            “3,000 pesos,” sabi ni Kevin habang inaabot ang pera sa kanya. “Hihintayin kita ng tatlong oras sa bookstore. You have to be here @5 pm.”

            “Tatlong oras? Matagal akong mag-shopping.”

            “E di bilisan mo kung ayaw mong maiwan.”

            “Three hours ka sa bookstore? Okay ka lang?”

            Tumango ito. “There’s nowhere else to go.”  

Nagmadali siyang bumili ng damit—dress na tig-250 pesos para mas matipid. Isang pantalon, Buy1-take1 na shorts, underwear, toothbrush at toothpaste, battery ng hearing aid kung ano pang makita na kailangan niya. Hinabol niya ang make up, basic lang—pulbo, eyebrow pencil, lipstick at cologne. Di bale nang sawi ang puso, wag lang mahalata sa mukha.

            "MAHAL KO SI HUGO, mama" sabi ni Destiny sa ina nito, katabi ni papa at ng kanyang kapatid. “Bakit ba hindi niyo siya magustuhan?”

            “Anak, kumalma ka,” sabi ni papa. “Parang may mali—“

            “Ano na naman papa!” padabog niyang sabi. “Sina Potchi at Bea, hindi suportado ang lovelife ko. Pati ba naman kayo? Lasenggo si Hugo, walang direksyon ang buhay, palamunin, umaasa lang sa mana sa hacienda, oportunista, babaero, misteryoso—puro yan na lang narinig ko sa tuwing binibida si Hugo. ‘Pa naman, hindi gago si Hugo, okay?”

            “Ate,” sabi ng kapatid niyang si Delilah, “sa tanda mong ‘yan, hindi ka pa marunong mag-tantiya ng tao? We can’t please everybody. Pero pag halos lahat ng tao nagkakasundo na punyeta ang ugali mo, malamang punyeta ka talaga. Walang usok kung walang apoy.”

Binatukan ito ni mama. “Maka-punyeta ka naman.” 

Napapikit si Destiny nang maalala ang eksenang iyon sa buhay niya. Inuntog niya ang ulo sa unan na iniiyakan. Pinagpapalo ang kama sa sobrang inis dahil hindi niya pinakinggan ang mga iyon. Wala siyang nakita kundi si Hugo. Wala siyang narinig kundi ang walang kamatayang ‘Mahal kita’ ni Hugo. Kaya sa araw ng kasal, nganga.

Alas-onse na sabi ng wall-clock, pero hindi siya tinatablan ng antok sa kalaliman ng gabi. Nagtungo siya sa rooftop garden.

Mas nakakabighani pala ito kapag gabi—malamig, hindi gaanong makita ang makukulay na bulaklak pero nagniningning ang paligid dahil sa fairy lights. Hindi makita ang Taal ngunit nariyan naman ang mga tala.

            “Destiny,” tawag ni Kevin nang makalapit ito sa kanya.

            “Ikaw pala.”      

            “Kanina pa kita tinatawag.”

            “Ano?”

            “Sabi ko kanina pa kita tinatawag. Di mo narinig?”

            “Hindi ko suot ang hearing aid. At hindi ko mabasa ang labi mo, kaya ayun,” sabi niya.

Tumango-tango si Kevin na parang may naalala. “Oo nga pala. Naalala ko yung nanghiram ako ng ballpen, tapos sabi mo wala, bawal pa kong mag-boyfriend.”

Sabay silang humagikgik.

            “At oo nga pala, attentive listener ka no’ng highschool,” dagdag ni Kevin. “Tipong kahit sinong kausap mo, tititigan mo talaga. Titignan mo yung labi at kahit walang boses, alam mo ang sinasabi nila.”

            “Pag di ko naintindihan, tatango na lang ako.”

            “Eager-beaver.”

Nanatili silang nakatayo habang nakatingin sa malayo. “Ang ganda talaga dito sa rooftop ng mama mo. Nasaan na pala si Tita?”

            “Didn’t you know? ”

Umiling siya. Wala na siyang narinig mula kay Kevin mula nang tumakbo siya palayo dito noong clearance day. Nakaraang taon ay sinearch niya ito sa Facebook, pero wala naman siyang nakitang impormasyon dahil naka-private ang profile nito. Hindi niya kayang i-click ang “Add as Friend” dahil sa pride.

            “Wala na si mama. She died because of cancer,” sabi ni Kevin.

            “Kelan pa?”

            “Eight years ago, when I was 23.”

            “Sorry…”

            “Never mind.”

Bumuntung-hininga siya. “Pero, ang ganda talaga dito. Naalala ko tuloy yung gumawa tayo ng school project dito. Ang saya nating apat, kasama si Pochi at Bea.”

            “Kamusta na pala sila?”

            “Si Pochi, siya yung may-ari ng Happy Feet, tapos kasosyo ko rin sa negosyo, tulad ni Bea. Sila yung dalawang humahabol sa ‘kin kanina. “

Tumango si Kevin. “At ikaw?”

Tumingin siya dito. “Anong ako?”

            “Kamusta ka na?”

Pagkatapos ng highschool, kamusta na ba siya? Nag-Business Ad. Pinasok ang fashion industry. Nagka-lovelife, not just once, not just twice, not just thrice—but as many as she can (parang Eat-All-You Can lang) Minahal si Hugo. Sa araw ng kasal, iniwan sa altar.

            “Eto, sawi pa rin,” sagot niya. “Nakakatawa no? Nung huli tayong magkita, umiiyak ako. After 15 years, nagkita tayo, umiiyak pa rin ako. Walang nagbago.” Pinilit niyang tumawa, pero naunang tumulo ang luha kesa sa ngiti.

Inakbayan siya ni Kevin, habang ang isang kamay nito ay ginulo ang buhok niya—gaya ng dati nitong ginagawa kapag nalulungkot o nadi-dismaya siya. Parang hindi naiilang si Kevin sa kanya—parang ito pa rin ang kaibigan niyang si “Kevin Barcelo”, 15 years ago.

“Bakit may epekto pa rin sa kin ang pag-akbay niya? Parang kinikilig na nakukuryente? Hindi kaya—after 15 years, hindi pa rin ako naka-moved on? OA ko naman. Hindi kaya bumabalik ang dating nararamdaman?”

         “Wala ka ng oras para umiyak bukas. Birthday ni Karla, we’ll celebrate at Skyranch. Sama ka?”

--

CHICHAY: Tandaan. kadalasang two pages po ang chapter ko. Paki-refresh kung feeling mo'y putol ang chapter. :)  

Kung Magkikita Tayong MuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon