HUGOT 106

300 4 0
                                    

[Hello readers! Bakasyon na. Ang iba sa inyo ay magbabakasyon--tutuklas ng bagong lugar, makakatagpo ng bagong kakilala. Ang iba'y magbabalik sa probinsya at sa dating tagpuan ng maraming alaala. Kasabay ng iyong pagbabalik, ating balikan ang mga #Hugotlines na minsang nagpakilig, nagpaiyak, nagpakirot at nagpa-buntunghininga sa atin.


Kung di ka magbabakasyon at #staycation ang peg mo tulad ko, mas okay. Happy readiiiing!

-------------------

"Nung binasa ko yung nobela mo, naramdaman ko yung presensiya mo. Parang naging Bible ko siya, wag kang tatawa. Naramdaman kong, kahit papaano, naniniwala kang kaya ko. Na kaya kong tularan si Rex. Na kaya kong mahalin yung sarili ko, kahit sumuko ka na. Na kaya kong ayusin yung sarili ko, kahit wala ka na. Kasi sa totoo lang, wala naman tayong karamay kundi sarili natin di ba? Kahit anino iiwan ka..."   --DEXTER

-------

Jade: Galit ka ba sa 'kin?

Dex: Hindi.

 Jade: Galit ka, alam ko. I understand...Sa sobrang galit mo, nasasabi mo sa 'kin yan ngayon.

Dex: No no no. Kasalanan ko naman eh. At tsaka, sa lahat ng magagandang nangyari sa buhay ko, wala na kong hinihiling kundi makita ka para magpasalamat. Salamat ha. Salamat talaga."

Jade: (naluha) Salamat? Para saan? Salamat kasi iniwan kita sa panahong ako na lang ang kasama mo?

Dex: Salamat. Kasi dumating ka sa buhay ko.

------------

Sa mga sandaling iyon, napaisip si Dexter kung saan at paano nauso ang quote na "Friends can be lovers, but lovers cannot be friends"  Kung may mabuti bang maidudulot ang pagiging magkaibigan ulit ng mga dating nagkasakitan, tsaka na niya iisipin. Basta masaya siya sa kinauupuan niya ngayon-sa tabi ni Jade. 

-------------

Pinasan ni Dexter si Jade.

Jade: Akala ko hindi mo na ko mabubuhat e.

Dexter: Si Scout Dexter, hindi ka kayang buhatin. Si Sir Dexter, gagawin lahat mabuhat ka lang.

-------------

Hinabol niya si Jade na paupo sa kalapit na bench. "Hindi. Sasamahan kita, hanggang sa dumating siya."

            "Darating 'yun," sagot nito, iwas pa rin ang tingin sa kanya. Minsan titingin ito sa paa, o tatanawin ang mga estudyanteng naglalakad sa malayo, titingala sa kawalan. Kahit saan, wag lang sa kanyang mga mata.

            "Paano kung hindi?"

            "Nangako siyang susunduin ako," madiing sagot ni Jade. Lumingon ito sa kanya. Sa wakas, tumingin rin siya. "Yung taong iyon, tumutupad sa pangako."

Sa mga mata ni Jade, naramdaman ni Dexter ang pagkabigo. Ang pagkadismaya sa mga pangakong napako. Sa mga katagang iyon ni Jade, naalala ni Dexter ang pangako niya: Hindi man ako pinanganak na Mr. Right, pero papatunayan ko sa 'yo na bagay pa rin tayo. Tinupad naman ni Dexter, pero huli na-dahil kumilos lang siya kung kailan pa sumuko na ang unang taong naniwala at umasa sa kanya. 

----------

"My love for Jade is greater than my fear of losing her. I trust her, Michelle. Know what? Pag mahal ka ng tao, hindi magpapaagaw yun. Bakit ka mag-aalala? Masyado kang stressed."  ----MAX

---------

"If a man loves you, nothing and no one can take him away. If not, nothing can make him stay."  --MAX

---------

"Alam mo, may mga lugar talaga sa mundo na hindi mo puwede puntahan mag-isa. Tulad ng sinehan, Star City, Enchanted Kingdom. Luneta park. Manila Zoo. Sinong kasama mong tumili? Kanino mo sasabihing 'Grabe, nahihilo na ko.' 'Grabe, ang saya'? Tendency non, kakausapin mo lang sarili mo." --JADE

---------

Tila huminto ang pag-inog ng mundo. Ang pag-ikot ng orasan. Ang paggalaw ng ferris wheel. Ang pagkislap ng mga tala. Ang isip niya-blanko. Hindi niya ininda ang pagpatak ng luha, hindi niya ikinubli ang nararamdaman kay Michelle. Pagkalipas nang maraming taon, may epekto pa rin si Jade sa kanya at ang mga nangyayari sa buhay nito. Nasasaktan siya. Pagkatapos ng lahat, napagtanto niyang nagmamahal pa rin siya sa taong matagal na siyang iniwan. 

--------

Sa sobrang pagdaramdam kay Jade, hindi niya maramdaman si Michelle. Panay ang pagtingin sa paroroonan ni Jade, hindi niya masulyapan si Michelle. Patuloy siyang kumakapit sa pangako at pangarap na matagal nang binitawan ni Jade; kung bumitaw siya'y sasaluhin naman siya ni Michelle. Pero gano'n siguro talaga pag tanga sa pag-ibig-nagiging masokista. Akala mo'y may mapapala. 

--------

"Sabi nga, 'falling in love happens by chance. Staying in love is a choice.' So I think, if you want this thing called forever, you have to decide and work for it." --JADE

---------

DEX: Gusto ko, kung pakakasalan mo siya, yun ay dahil mahal mo siya. Dahil masaya ka sa kanya. Hindi dahil napipilitan ka."

JADE: Napipilitan? Ikaw, ano'ng gusto mong gawin ko? Gusto...gusto mo bang pakasalan ko siya?Sumagot ka.

DEX: Gusto kong maging masaya ka

JADE: So, sa tingin mo...sa kanya ako sasaya?

DEX: Ang alam ko, mahal mo siya.

JADE: Pero hindi mo tinanong kung mahal pa ba kita.

------

          "Akala mo ba ikaw lang ang nahihirapan? Hindi lang ikaw ang nasasaktan Dexter.  Kasi magmula nang magkita ulit tayo after 6 years, minumulto ako ng alaala mo. Araw-araw akong kinokonsensiya kung bakit hindi kita inintindi, kung ba't kita iniwan. Pero di ba, hindi lang naman ako ang may kasalanan? Ikaw. Ikaw ang unang nang-iwan. Ikaw ang bumitaw sa mga pangako mo na pinanghahawakan ko. Ikaw ang unang nakalimot habang umaasa ako sa wala. Nakakapagod kang mahalin, alam mo ba 'yon? Tapos eto, bumalik ka na naman. Tapos eto 'ko, naaapektuhan pa rin. Kasi siguro, kahit konti, mahal pa rin kita. Parang tanga lang 'no? Kahit nakita ko na yung pinaniniwalaan kong Mr. Right, kahit nakita mo na yung babaeng iintindi sa yo, ikaw pa rin eh. Ikaw pa rin, Dexter."

---------

"Once upon a time, I saw you in the office, in the publishing house, and I said to myself. I want to know you. So, I read all your novels. Pero nung nabasa ko yung unang love story mo, I knew I want to have you.And now that I have you, I want to marry you. I love you Jade. I always do." --Max

Kung Magkikita Tayong MuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon