Ikaapat| Diary ng Medyo Panget

381 13 0
                                    

Nakasandal si Kevin sa headboard, inaalala pa rin ang nangyari kanina.

Hindi niya nasagot ang tanong ni Destiny. Hanggang sa makauwi ito ay hindi na sila nagkibuan. Hindi na rin ito sumagot sa text at tawag niya.

Natuon siya sa laptop sa kama. Kanina niya pa inaabangang mag-online si Destiny. May nag-chat—si Tasha lang pala.

            Tasha: Hi Kevz! Uuwi ako sa December for Christmas vacation. =)

Bigla niyang naalala no’ng araw na sinagot siya nito. Yung tinabunan ang kotse niya ng daan-daang rason kung bakit siya mahal nito. Yung araw na nakita niya ang manghuhula, at ang araw na nawala ang locket na ibinilin ng kanyang ina na ibigay sa taong pakakasalan niya.

Huli niyang nakita iyon noong birthday niya tatlong taon na ang nakaraan. Nasa coffee shop siya no’n, pinagmamasdan ang locket habang iniisip kung bakit parang binabalewala siya ni Tasha. Tapos ay may lumapit na manghuhula at inilatag ang baraha at sinabing hindi si Tasha ang para sa kanya. Sa araw na ‘yon, nawala ang kuwintas. Hinanap na niya sa buong shop—sa sahig, sa banyo at sa apat na sulok, hindi niya nakita kahit pendant.

Isinara niya ang laptop. Natuon siya sa diary na nakalapag sa side table.

July 1.

Mahal kong Talaarawan,

                Saya ko ngayon kasi meron na kong kausap! At ikaw yon. =)

                Yung mga bagay na hindi ko masabi kay Kevin at sa lahat ng tao ay ibubuhos ko na lang sa ‘yo…

Napangiti si Kevin nang mabasa ulit ang unang diary entry ni Destiny na binigay nito noong highschool sila. Nabasa na niya ito ng ilang beses, masarap lang talagang balik-balikan.

July 5.    

                May buwisit na naman na nanglait sa ‘kin. Lord, kuhanin mo na po sila dahil wala naman silang kabutihang naidudulot sa mundo. Pero masaya kanina dahil sabay kami kumain ni Kevin. Hindi ko agad inubos yung pulburon na binigay niya…

           

July 24.

                Inimbita kami ni Kevin sa kanilang tahanan dahil ika-16 na kaarawan niya. Ang ganda ng bahay nila, lalo na ang rooftop garden. Ang ganda ng tanawin…

August 19.

                Sabi ni Pochi, kapag daw napapatawa mo ang isang tao, mas napapamahal ka sa kanya? E napapansin ko laging tumatawa sa ‘kin si Kevin. Bakit kaya? Dahil ba sa mukha ko o sa sense of humor ko?

September 2.

                Iniiwasan ko pa rin hanggang ngayon si Kevin. Tanong niya sa kin, “Bakit, anong problema?” Bakit nga ba?

a.)      Dahil mas pinili niyang kasama sa recess yung mga magaganda kong kaklase.

b.)     Hindi niya ko pinakopya sa seatwork sa Math.

c.)      Hindi niya ko pinili na partner sa English.

d.)     Crush niya daw si Rica. (maputi lang yun, di naman maganda!)

e.)     Nagseselos ako.

f.)       ALL OF THE ABOVE.

Bakit parang F ang sagot?

September 5.

Nagkomprontahan kami kanina ni Kevin. Tanong niya, “ano bang problema mo?” Sabi ko wala. Alam mo sabi niya? “Kilala kita Destiny, alam kong meron.” E kung kilala niya ‘ko, bakit hindi niya alam na gusto ko siya! Manhid ba siya o tanga? O walang pakialam?

September 8. Nag-aral ako ngayon dahil may mahabang pagsusulit sa Araling Panlipunan at Physics. Kailangan kong mag-aral dahil baka mangopya sa kin si Kevin. Baka itanong niya ang capital ng Kazakhstan. Pag pinansin niya ko, sige, bati na kami. Pero sa isang kondisyon—dapat pakopyahin niya ko sa Physics. Pero kelangan ko pa rin mag-aral sa Physics, baka kasi di niya ko pansinin. E di kawawa naman pag itlog ang score ko!

September 9.Kaninang nagco-compute ako ng GDP sa Ekonomiks (Araling Panlipunan), siniko niya ko. Bulong niya, “Des, ano ba si Karl Marx? Komunista o Kapitalista?” Sagot ko bigla ‘kilig’. Sabi niya “Ano? Walang ‘Kilig’ sa choices.” Matapos ang pagsusulit sa Ekonomiks ay bati na kami. Kaya may kakopyahan ako sa Physics. Ayos!

December 10. Sabi kanina ni Ma’am Falafox sa English, “If you only know what you want in life, life will give it to you. And if you’ll just confess to God what you want, He will give it to you.” Eh mula June ko pa pinagdasal na ligawan ako ni Kevin, wala pa ring nangyayari. Siguro kasi, hindi talaga kinaya ng powers ni Lord si Kevin. Hindi talaga para sa ‘kin. Ang sakit. Sana matapos na ang klase.

December 14. Kaarawan ko. Inimbita ko siya sa bahay, kasama sina Pochi at Bea. Nagregalo siya ng cake. Kiss lang okay na e. Pakiramdam ko, lalo akong lumalandi kapag lalo ‘kong nai-inlove sa kanya. Lintik na pag-ibig!

February 14. Sana talaga Linggo na lang pumatak ang Valentine’s, para walang pasok at puwede akong magkulong sa bahay. Para hindi ako mainggit sa mga kaklase kong hindi magkandaugaga sa bitbit na malaking teddy bear, rosas, pulang lobo at chocolates. Kawawa naman yung parents ng lalaki, ginastos lang sa babaeng hindi naman nila kaano-ano. E sigurado, bago mag-graduation, break na ‘yan! Good luck kung maka-graduate sila. Bwahahahaha!

February 15. Akala ko masaya ang araw ko kanina. Binati ako ni Kevs my labs ng “Good morning.May good news ako sa ‘yo.” Kala ko napagtanto niyang ako talaga ang karapat-dapat sa kanya. Yun pala, “Destiny, kami na. Sinagot niya ‘ko kahapon.” Ang sakit. Napaka-sakit. Ang sarap tusukin ng mata niya. Ang sarap punitin ng diary na ‘to! Wala na ‘tong saysay. Puro siya lang naman ang bukambibig at bukam-papel ko e. Tapos siya, may ibang gusto. Unfair! =(

March 3. Narinig ko kanina sa kaklase kong nagbibigay ng advice sa isa kong kaklaseng malandi na wala ng pinroblema buong school year kundi lovelife, “Kung gusto mong malaman kung saan o sino ang may hawak ng puso mo, tignan mo kung kanino lumilipad ang isip mo.” Buong taon, si Kevin na lang ang iniisip ko. Alam kong siya naman talaga e. Pero aalis na rin siya, maghihiwalay na kami ng landas sa college. Pa’no na ang puso ko?

Kung Magkikita Tayong MuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon