Ikaapat| Huling Talata

381 12 0
                                    

March 24.

Pinakamamahal kong talaarawan,

                Huling entry ko na ito. Salamat dahil lagi kang nandiyan para sa mga kaartehan at kadramahan ko sa buhay. Kahit papaano, nabawasan ang hinanakit ko sa mundong ito. Binasa ko ulit ito bago ipasa kay Ma’am. Sana ibalik ka niya sa ‘kin. Sana wag ka niyang ipa-kilo sa junk shop. Sana akin ka pa rin. Sana mataas ang grade ko sa talaarawan na ‘to. Isinapuso ko talaga ang pagsulat ko dito. Mahal kita, kagaya ng pagmamahal ko kay Kevin. Ang kaibahan lang, lagi kang nandiyan para sa ‘kin. E siya? Ewan ko. Mabait naman siya sa ‘kin, sweet din. Pero siguro kaya ako nadidismaya at nalulungkot ay dahil masyado ‘kong umasa. Inasahan ko na matutumbasan niya ang nararamdaman ko sa kanya. Ang pangit ko na, ang landi ko pa. Ano ba yan! Di bale, darating ang araw na gaganda ako. Gaganda ang itsura ko at ang buhay ko. Lilingon sila sa kin at mai-inggit. Yayaman ako at sisikat! Luluhod ang mga tala. At balang araw, magkikita kami ni Kevin somewhere down the road. At magsisisi siya dahil binalewala niya ‘ko. Magsisisi siya dahil nasa kanya na nga ako, pinakawalan niya pa! At magsusumamo siyang mahalin ko siya ulit, pero na-manhid na ang puso ko sa kanya. Sa araw na magkita kami, meron na akong iba—yung taong mahal ako ng higit pa sa pagmamahal ko sa kanya. Tama ako di ba? Sana tama ako. Pero sana si Kevin ang ‘destiny’ ni Destiny. Kahit hindi ngayon. Kahit balang araw pa.HIhintayin ko yung padala ni Lord. Hihintayin ko si Kevin, basta ba siguradong siya talaga yung para sa ‘kin. 

Sige na. Paalam.

Nagmamahal,

Destiny  

Akmang isasara ni Kevin ang diary nang makita niya ang dilaw na papel na lalong niluma ng panahon.

 Basahin mo ‘to. Kung gusto mo ‘ko (kahit kaunti lang) isoli mo ‘to sa unang araw ng clearance day. Kung hindi, sunugin mo na lang, at wag nang magpapakita sa ‘kin. Kahit kelan. –Des 

 ---------------

6: 35 pm, nagtungo si Kevin sa opisina ni Destiny, dala ang bouquet ng pula at puting rosas.

Nakasalubong niya ito palabas, papuntang parking area. Tinignan lang siya nito at dire-diretsong nagtungo sa kotse, hinabol niya naman.

            “Des.”

            “Busy ako Mr. Barcelo,” sabi nito na sinundan ng padabog na pagsarado ng kotse.

Kinabukasan, pagkatapos ng trabaho sa school ay dumiretso si Kevin sa coffee shop. Naabutan niyang nagtatawanan sina Pochi, Bea at Destiny—na may kasamang iba.

Kilala niya ang bagong lalaking ito—si Janus, yung “supot” nilang kaklase no’ng highschool. Sa dinami-dami ng kapehan sa Alabang at sa paligid ng kompanya ni Destiny, talagang dumayo pa silang apat sa Dasma Cavite—at sa coffee shop niya pa talaga? Nananadya ba si Destiny? Agad na umalis si Kevin bago pa nito makita, hindi niya alam kung paano eeksena sa gano’ng senaryo.

Kinagabihan, binisita niya si Destiny sa bahay, pero sabi ni Tita Luz nasa trabaho pa daw ito.

Habang naghihintay, kinausap niya ang mga magulang nito—kaswal lang. Sa kalagitnaan ng tawanan ay dumating sa sala si Destiny, kasama si Janus.

            “Ma, pa, si Janus—highschool friend ko,” pagpapakilala ni Destiny sa magulang nito. Nagkatinginan sila, pero agad naman itong umiwas. “Jan, thank you ha. Sige, una na ko. Napagod na ko e. Salamat ulit, see you tomorrow.”

 15 years ago, etong mokong na to ang nambu-bully kay Destiny, tapos ngayon “highschool friend”?

Binati nito si Kevin at nagpaalam na rin si Kevin para umalis. 

Kung Magkikita Tayong MuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon