Ikalima| Wakas at Bagong Simula

366 11 0
                                    

         Hindi na tinapos ni Michelle, agad isinara ang libro. “No, thanks. I’m not her fan anymore.”

            “Take it. Kung ayaw mo, ibigay mo sa taong siguradong magugustuhan ‘yan.”      

            “So you want me to give this to Dexter?”

            “I want you to be happy. Really happy. That’s all.”  

                                                   -------------

            “Love is everywhere, everything,” sabi ng host sa mga kasama nitong writers sa stage. “ Parang yoyo, bumabalik-balik pa rin kahit itapon. Parang sibuyas, nakakaiyak. Parang sinturon—pag masikip, nakakasakal. Pag maluwag, hindi ka na kakapit. Parang taxi, agawan. Parang joke, hindi nakakatawa pag pilit. Kayo writers, kamusta lovelife niyo? Share niyo naman sa mga readers natin ngayon. Let’s start with Juanita, author nang librong “Sayang Lang Ang BB Cream Ko Sa Yo”

            “Parang tinapakang ipis. Akala mo patay, yun pala buhay,” natatawang sagot ng writer. Dahil nakakahawa ang tawa kaysa sa linya niya, natawa na rin ang mga tao.

            “Parang sipon. Bakit ba ayaw mong isinga kung mas giginhawa ka pag wala siya?” sagot ng isa.

            “Ang bibitter naman ng mga to!” sabi ng host. “O sige, si Miss Jade, parang ano sa yo ang pag-ibig?”

Katahimikan.

            “Ang pag-ibig parang libro sa bookstore. Yung nag-iisang kopya ng nobela sa istante,” seryoso niyang sagot, dahan-dahang nagsalita, tila naniniguradong naririnig ang kanyang sinasabi. “Napukaw niya ang atensyon mo, binasa mo ang pabalat. Pero hindi mo binili. Kasi siguro, noong panahong iyon—iba ang hanap mo. Siguro gusto mong adventure, o kaya suspense, thriller, religious. Baka gusto mo ng malalim, o nang happy lang. Baka mahal, o feeling mo, may mahahanap ka pang mas maganda. Binitiwan mo siya;t iniwan sa tabi. Pero all of a sudden, na-realize mong siya na talaga ang gusto mo. Gusto mong balikan, bilhin para mapasaiyo. Pero sa oras na bumalik ka para kuhanin siya, napasakamay na siya ng iba. Ang masaklap, out-of-stock na.”  

---

Kanina pa hawak ni Dexter ang libro, pero  hindi pa siya pumapasok sa event center ng SM Dasmarinas.

Naroon lang siya sa entrance, sa likod ng mga taong nakatayo, nagmamasid. Kanina niya pa pinagmamasdan si Jade na abala sa mga dumalo sa Book Party .

            “Pero, madalas, may second chance,” kumento ng host. “Hindi mo man siya mabili sa araw na yon, may iba pang pagkakataon. Puwedeng hintayin mong mag-restock. Puwedeng humanap ka sa ibang book store. Ang mahalaga, sa panahong makikita mo ulit siya sa istante, buo na ang isip at puso mo na siya talaga ang gusto mong makuha. Di ba Jade?”

            “Oo. Oo naman. Second chance,” nauutal na sagot ni Jade, tapos itinaas ang librong Pagdating ng Second Chance para makita ng lahat. “Second chance.”

            “Kayo readers? Parang ano ang pag-ibig? Itaas ang kamay at manalo ng tumbler at 2015 planner!” Agad namang nagtaasan ng kamay ang mga nanonood pagtayo ng host sa kinauupuan nito.

Naging alerto at hyper ang lahat. Nagsitayuan ang mga writers, nag-ingay ang mga readers na pinaingay pa ng masayang tugtugin.  

            “Second chance… Second chance…” Tulala, bumaba si Jade sa stage—walang naririnig na ingay, walang tinitignan. Walang pakialam sa nangyayari sa paligid.

            “Jade.” Natigilan si Jade sa boses. Doon lang niya napansing nakalabas na pala siya sa event center. Lumingon siya’t nakita ang kumpulan ng mga tao.

At si Dexter Palma. At umalingawngaw ang salitang “second chance.”

            “Jade,” sabi ni Dexter palapit dito. “Magpapa…Magpapa-autograph.”

Déjà vu.  Natuon si Jade sa librong inaalok ni Dexter. Tinanggap niya iyon para pirmahan. Pagbukas niya ng libro, nakita niya ang sticky note sa unang pahina.

-----

            DEX,

            Thanks for everything. Hindi pa kita kayang kausapin ng personal. Pero pag nagkita tayo ulit, naka-moved on na ko.  Balang araw, hindi na kita mahal.

            As soon as you received this book, consider yourself forgiven. I want to be happy, alam kong ikaw rin. Chase your happiness. Don’t let it die.  

            All the best,

            Michelle

-----

Hindi masabi ni Jade kung humina ba ang tugtog o bakit bahagyang natahimik ang madla o kung natapos na ang event. Basta malakas ang kabog ng dibdib niya’t wala nang iba pang mas mahalaga sa buhay niya kundi ang sandaling ito.

            “Ang pag-ibig parang laro,” sabi ni Dexter, tinatanaw ang comshop na di-kalayuan. “Sa bawat game over, may start over. Retry. Play again.”

Katahimikan.

            “Alam mo ba kung anong hiniling ko nung 11:11 sa Makiling?” tanong sa kanya ni Dexter.

            “A-ano?”

            “Sana, dumating yung second chance sa ‘tin.”

Ngumiti si Jade. Ngumiti rin si Dexter. Sa puntong iyon, alam na.

            “Let’s start over,” sabi ni Jade. Siya naman ang nag-alok ng kamay. “Friends?”

Ginagap iyon ni Dexter kasabay ng pagyakap sa bagong simula, bagong kabanata. Bagong pagkakataon para ang lahat ay maitama. “Friends.”

            “Dating gawi?” sabi ni Jade kasabay nang pagkalas niya sa kamay nito.

Tumango si Dexter. 

Nilisan nila ang lugar na kinatatayuan para bumisita sa dating tagpuan—sa paraiso kung saan magkasama nilang tinatanaw ang paghalik ng bughaw na ulap sa luntiang damuhan.

CHICHAY: Read next >> Kumo-Koreanovela

Kung Magkikita Tayong MuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon