Ikalima| Si Max at Michelle

341 11 0
                                    

Pinagmamasdan lang ni Michelle ang dalawa sa rooftop.

Hindi niya masabi kung iyon na ang pinakamasaya o pinakamalungkot o pinaka-nakakadismayang event na in-organize niya. Pero kung sa bagay, tao pa rin ang nagdadala ng mga nangyayari sa paligid niya.

Alam niyang ginawa niya lahat para mangyari ang proposal. Pero wala siyang magagawa kung iyon ang desisyon ni Max. Hindi niya kasalanan kung bakit tanga ang pinsan niya.

Dismayado sa desisyon ni Max, bumaba si Michelle sa rooftop at umalis ng bahay. Pagbukas niya nang pinto, natanaw niya si Dexter.  Dahan-dahang lumabas si Michelle, nagkukubli sa dilim, tahimik na pinagmamasdan si Dexter na nakatayo sa tabi ng kotse nito at nakatingala sa rooftop.

            “Jade, please. ‘Wag kang pumunta. ‘Wag.”

Narinig lahat iyon ni Michelle—ang rebelasyon ni Jade, pati ang “Mahal kita mula noon hanggang ngayon” ni Dexter. Nang dahil sa pocket dial o sa katangahan ni Dexter, narinig niya lahat.

Pero sa isip ni Michelle, siguro siya ang totoong tanga. Siya ang mahina. At sa mga ginagawa niya, pinipigilan niya rin ang sariling sumaya.

 ----

“Meron po ba kayong bagong novel ni Jade Rizal?” narinig ni Max na tanong ng isang kolehiyala sa staff ng kanyang bookstore.

            “Yung Pagdating ng Second Chance?”

            “Opo.”

            “Wala ma’am eh—“

            “Pero di ba yung mga libro dito published by StarBooks? Kumpleto naman po kayo kaya lang, hindi ko talaga makita yung bagong libro ni Jade.”

            “Yung novel kasi hindi na published by StarBooks, sa iba na. So…..yun.”

            “Ah kaya pala. So that means, hindi ko na rin makikitang nakatambay dito si Jade? Fan kasi ako niya, kuya. Sorry naman. Alam mo na, papa-picture sana ko. Available naman siguro sa ibang bookstores no?”

Kung alam lang nang taong iyon na break na ang idol niya at ang may ari ng bookstore, kaya malamang hindi na rin tatambay ang idol niya don.

Tumayo si Max, lumabas ng kanyang bookstore, bitbit ang bagong nobela ni Jade na binili niya sa ibang bookstore.

 ------------------------

            “Thank you for trusting Euphoria Events. I’m so excited to materialize all these ideas,” masayang sabi ni Michelle sa mag-asawang kliyenteng nagsadya sa office. “Sisiguraduhin kong magiging masaya at makulay.”

            “Alam naman namin ‘yon Michelle. Mula nang kinasal kami, ikaw na ang event planner namin. Ngayon, first birthday bash ng aming first baby. Hanggang maikasal siguro yung bunso ikaw pa rin. O sige, paano, una na kami.”

Tumayo si Michelle at inihatid ang dalawa sa pinto. Pagbukas ng pinto’y bumungad si Max; tumabi muna dahil may dadaan. Nang makaalis ang mag-asawa’y agad pinagsarhan ni Michelle ang pinsan.

            “What can I do for you, sir?” nakapamewang na tanong ni Michelle kay Max pag pasok nito. “Don’t tell me magpo-propose ka for the second time around, after Jade rejected you and your proposal last month.”

Dire-diretsong umupo si Max sa halip na sumagot. Umirap si Michelle. Bumalik siya sa mesa niya’t pormal na umupo. “Ikaw, umamin ka nga sa kin. Ginawa mo ba talaga yon para alukin siya ng kasal o para gawin yong dahilan para magbreak kasi…Kasi siguro, in the first place, alam mong tatanggihan ka niya.”

            “It was real when I said I want to marry her. If she said yes, then I’ll definitely marry her. But she said no—which is an eye opener for us. It’s not going anywhere, Michelle. Mahal ko siya, pero mahal ko rin ang sarili ko. We both deserved to find love, and be loved back by someone we really love,” pahayag ni Max. “SIguro nga hindi mo ko maiintindihan. Depende na lang talaga siguro sa pagtanggap at sa gusto mong mangyari.”

Ngumisi lang si Michelle at umiling-iling, pinagmumukhang isang malaking tanga ang pinsan niya.

            “Ikaw,” sabi ni Max, “bakit ba mas affected ka pa kaysa sa kin? Nalulungkot ka ba para sa kin, o nagagalit ka dahil pinalaya ko si Jade na puwedeng maging dahila na---“

            “—na baka iwan ako ni Dexter dahil malaya na si Jade. O, e alam mo naman pala.”

            “Pero yun din naman dati ang ginawa mo kay Dexter nung malaya na yung ex mo di ba?”

            “Oh my. Kuya Max, ang tagal na noon. Bata pa kami no’n at napagdusahan ko na ‘yun. Paulit-ulit ko namang sinasabi, mahal ko siya. People change, feelings change. And now, I know he’s all I want.”

            “And by the time you realized all these things, nagbago na rin yung taong sinaktan mo.”

            “But he said he loves me.”

            “But do you feel it?”

Ibinaon ni Michelle ang mukha sa palad.

            “If keeping him by your side is more painful than losing him, then it’s time for you to let go and move on,”  sabi ni Dexter.  “Here.”

Tinignan ni Michelle ang bagay na naramdaman niyang inilapag nito sa mesa.

                                 Pagdating ng Second Chance

                                             --Jade Rizal--

     “Ano to?” sarkastikong tanong niya. Pero inabot niya ang libro at binuksan. May nakaipit, parang bookmark. 

                      -------Paper Hearts Book Party-------

                                Book signing| Book launching

                         *Enjoy freebies  and win exciting prizes

                         *Get a  chance to date your favorite Paper Hearts author

                         *Meet the new author on the block—Jade Rizal

                                     SAVE THE DATES:

                                October 4, 2014- SM Dasmarinas

                                October 5, 2014—The District Imus...

                ………..

Hindi na tinapos ni Michelle, agad isinara ang libro. “No, thanks. I’m not her fan anymore.”

            “Take it. Kung ayaw mo, ibigay mo sa taong siguradong magugustuhan ‘yan.”      

            “So you want me to give this to Dexter?”

            “I want you to be happy. Really happy. That’s all.” 

Kung Magkikita Tayong MuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon