Ikalawa| Ang Kaibahan

483 18 2
                                    

May kumatok sa pinto ng kwarto—si Tita Jopay, dala-dala ang kanyang bag. Hindi na siya magtatanong kung bakit at kung saan ito pupunta. “Bati na kami ni Gido. Babalik na ‘ko sa bahay.” Déjà vu.

Napa-buntung-hininga si Jade. “Wala ka bang kadala-dala tita? Gano’n na lang yun kadali para sa ‘yo ang magpatawad? Tapos bubugbugin ka, tapos babalik ka ulit dito. Tas babalik uli sa kanya. Ano ba yan! Mag-isip ka naman.”

        “Mahal ko siya Jade. Wag niyo naman akong awayin.”

Umirap siya. “Yung mga taong nagmamalasakit sa yo, handa mong talikuran para sa tarantadong yan. Marami pang iba, Tita Jopay. Yung may disenteng trabaho. Yung malinis. Yung gwapo. Matino….”

            “Jade,” malambing na sabi ni Tita Jopay. Binitawan nito ang bag na dala para hawakan ang mga kamay ni Jade. “Marami pang iba diyan—maraming marami. Pero, hindi sila si ‘Gido’. Sabi nga, “love isn’t finding the perfect person. It’s loving the imperfect person you’ve found perfectly.”

            “Sure ka na ba sa pag-alis mo?”

            “Sure na sure, Jade. Game na game na ako. Mas instant pa sa instant noodles. Mas ready pa sa RTW at mas mabilis pa sa fastfood chain. Mahal ko kasi siya Jade, bakit ba hindi niyo ma-gets?”

Mula sa balkonahe ay pinagmasdan ni Jade si Tita Jopay habang isinasara ang gate ng bakuran. Tuluyan na itong sumama kay Gido. Rinig niya ang padabog na yabag ni mama sa sala, kasabay ng pagsigaw nito ng “Gaga! Hindi nag-iisip!” Umiling na lang siya. Naalala niya tuloy ang sinagot sa kanya ni Dexter noong nagpiknik sila sa parke.

            “Sa iyong pananaw, ano ang pinagkaiba ni Mr. Right at The One?” seryosong tanong ni Jade noon.

Agad itong tumawa sabay sagot ng “Yung The One, siya na talaga. Eh di “The Two” kung dalawa sila. Si Mr. Right naman, bayaan mo na yun. Panget kasi tagalog non: Mister Kanan.”

Napasuntok siya sa braso nito. “WHAT? Seryoso ‘ko.”  

Klinaro nito ang lalamunan, tapos tumingala sa ulap at nag-isip sa loob ng sampung segundo. “Seryoso na to. Si Mr. Right, minahal mo gamit ang isip. Si The One, minahal mo gamit ang puso. Kumbaga, si Mr. Right, siya yung sa tingin mong dapat mahalin. Si The One, parang ‘Mahal-Kita-Maging-Sino-Ka-Man. Sana tama ako.” 

------

CHICHAY: Hahaha. #53 sa ChickLit? Ano meron don? Papaano nangyayari yun? Sa mga silent readers at Wattpad-ers, salamat sa panahon at oras at pagtingin. Don't forget to vote, isang click lang naman 'yan. Plith? Salamuch. :) 

Kung Magkikita Tayong MuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon