Una| Happy Birthday, Tasha!

1.2K 23 4
                                    

"Saan po?"

-|||-

Bumiyahe sila sa Naic Cavite. Hindi niya nabasa  yung pangalan ng subdivision sa gate, basta pagpasok puro damo na lang nakita niya. Puro lote, walang bahay. Huminto ang kotse at bumaba sila. Pinagmasdan ang paligid.

"Anong nakikita mo?" tanong ni papa. "..dito mismo sa kinatatayuan natin."

             Diretso ang tingin ni Tasha. "Nakikita ko po? Ang ganda ng ulap. Maaliwalas. Tahimik. Puro tinabas na damo, parang sementeryo."

 "Sira ka talaga te," sabi ni Nikko.

"Hoy, baka matutunan ni baby Nero yung salitang yan."

"Sigurado, paglaki ni baby Nero, yun din sasabihin niya sa 'yo."

"Anak," sabi ni mama. "Damhin mo ang paligid. Tumingin ka ng diretso."

Tumalima naman siya.

              "Balang araw, dito sa lupang kinatatayuan natin ngayon— magpapatayo ka ng school," sabi ni papa. "Tatlong unit 'to, okay na para sa preschool. Siguro, 15 years from now, kapag nakapag-Master's o kapag doktor ka na o kapag may pera ka na, hindi mo na po-problemahin ang lupa. Puwede ka nang magsimulang magpatayo ng school."

             Para bang may building mula sa langit na bumagsak sa kanilang harapan—sa tatlong unit na regalo sa kanya nina papa. Yung building na yun ang dream school niya, wala pa siyang maisip na pangalan pero naidrawing na niya iyon at naipaskil sa kwarto. 15 years from now, o kung mas maaga pa, magkakaroon siya ng sarili niyang paaralan.

            "Kaya kailangan mong mag-aral ng mabuti para ito'y iyong mapakinabangan," sabi ni papa.

"Pramis 'yan papa."

"Oh tara, kainan na!" sabi ni mama.

             Nilabas na ang sapin, basket ng prutas at mga handa at inilatag sa damuhan. Nagdala pa sina Nikko at Nixon ng saranggola, camera siyempre kay Nikki. Kumain sila, tapos nagkanya-kanya na. Naglaro na sina Nikko at Nixon, nag-soundtrip si Nikki. Nagkwentuhan sina mama at papa, karga si Nero.


Hinanap ni Tasha si Top; nakasandal lang pala ito sa van.

"Nandito ka lang pala," sabi niya.

"Happy Birthday," bati nito, sabay abot ng regalo. "Para sa 'yo."

Kinapa muna ni Tasha ang nakabalot na regalo, mahilig siyang manghula ng laman. Parihaba, patag. "Picture frame to 'no?"

Pinunit niya ang wrapper, hanggang sa makita niya ang sarili sa picture frame. Sa larawang iyon, kaharap niya ang chessboard. Patapos na ang laro, ramdam na niya ang panalo. Hawak niya ang piyesa at nakatuon siya sa piyesa ng katunggali. Determinado siyang maging kampeon, kailangan niyang maging kampeon dahil huling taon na niya ito sa hayskul. Sa apat na taon niyang sumasali sa chess competition, hindi rin niya maintindihan kung bakit wala siyang litrato ni isa. Wala tuloy remembrance.

            "2 years ago, dumayo yung school niyo sa school namin para sa isang malaking Sports event. Ako naman, pumunta sa room ng Chess para gumawa ng article; contributor ako sa school paper namin. Doon kita unang nakita," sabi ni Top, "Bumilib agad ako no'ng una kitang napanood maglaro..."

"1st runner up lang ako niyan. Natalo ako no'ng sunod na laban."

"At umiiyak ka no'n habang papuntang C.R."

Napatakip sa bibig si Tasha nang maalala yon. Nadismaya siya sa resulta, dire-diretso siyang lumabas ng room, may nasagi pa siyang estudyante habang naglalakad papuntang C.R. Humagulgol siya sa cubicle, binuhos ang sama ng loob. Paglabas niya, puro lalaki.

Takip-mata, tumakbo siya palabas. Hindi niya napansin ang door sign, at ang urinals dahil sa kae-emote.

Humagikgik si Top. "Tapos sa banyo ng lalaki ka pala pumunta."

"Sige, tawa pa," sarkastikong sabi niya.

             "Joke lang. Ang cute mo nga no'n e. Award-winning 'yang picture mo. Nanalo 'ko ng 5,000. Thank you," sabi nito. "At minsan, sa tuwing nakikita ko yan sa kwarto ko, sumasagi ka sa isip ko. Makita ko kaya ulit ang babaeng 'to? Ayun. Nakita kita sa LRT. Tapos naging kapitbahay pa kita. At sa La Salle ka rin pala nag-aaral. At pinakilala ka ni mama sa 'kin sa National Bookstore. Kilala ka niya, alam niyang gusto kita."

               Napahigpit ang hawak niya sa picture frame.

              "Ewan ko ba," sabi ni Top. "Ewan ko kung anong meron sa 'yo—basta gusto kitang makita palagi, lalo na yang ngiti mo. Gusto kitang  kasama. Gusto kita. At gusto kong malaman mo, na maganda ka. Magaling ka, at maabot mo lahat ng pangarap mo. Kayang kaya mo 'yan—ikaw pa."

Nilapag ni Tasha ang regalo sa ibabaw ng sasakyan.

"Bakit?" tanong ni Top. "Hindi mo ba nagustuhan ang—-"

             "Thank you, Top. Thank you," naluluhang sabi niya kasabay ng pagyakap dito. "Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon."

"P-puwede...puwede ba kitang maging...girlfriend?"

Kumalas siya sa yakap. "Girlfriend agad? Hindi mo ko liligawan?"

              "Yun! So, puwede ba kitang ligawan?"


             "HINDI." Kapwa sila nagulat sa malaking boses. Sabay silang lumingon at nakita si papa. Halos magdikit na ang makapal na kilay nito. "Mabuti pa, tulungan niyo kaming magligpit. Aalis na tayo." 

———

CHICHAY: Kadalasang 2 pages ang bawat chapter, so kung feeling mong putol o may kulang —pakirefresh! Gusto ko lang makatiyak na mababasa niyo lahat-lahat, buong buo. :) 

Kung Magkikita Tayong MuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon