Ikalima| Hello, stranger

355 9 0
                                    

[NAKARAAN, dahil ang tagal kong di nag-update]

Handang-handa na si Jade sa kasal—ready na ang bob-cut niyang buhok at puting lace dress. Handa na siyang makita ang pinsang si Jennifer na ‘magpasakal’ , este magpakasal, kay Marco. Handa na rin niyang makita ang pinsan ni Marco—si Dexter, pagkalipas ng anim na taon.

Speaking of Dexter, kamusta na kaya siya?

Kwento ni Jennifer, ilang linggong hindi naligo si Dexter nang maghiwalay sila. Hindi makakain ng maayos. Naglalasing. “T*ngina boy, ang sakit,” ‘yan ang palagi daw nitong sinasabi tuwing magkukwento kay Marco. Paglipas ng ilang buwan, nakitira daw ito sa Manila, sa tita niya. Doon siya nag-aral ng Engineering. Ewan ni Jade kung civil o mechanical o electrical; kung anong school o kung nakatapos ba. Iyon na ang huling balita bago niya sabihan si Jennifer na wag ng magkuwento tungkol kay Dexter.

Pero year 2014 na—anim na taon nang nakalipas mula ng maghiwalay sila ng landas. Marami ng nagbago sa kanyang buhay—nag-Master’s siya at nagtuturo na sa kolehiyo, natamo ang tagumpay sa larangan ng literatura. At higit sa lahat, natagpuan si Mr. Right sa katauhan ni Max Caprio, anak ng kanyang publisher.

Naka-moved on na siya. Siguradong si Dexter din. Sana. Siguro…Ewan.

10:25 AM, sabi ng kanyang relo. Nagmamadaling bumaba si Jade sa kotse nang makarating sa simbahan, bahala na si kuya Jun magparada nito.

Sarado na ang pinto. Dinig na niya si Father. Sinubukan niyang buksan ang pinto—sarado na talaga. Mukhang sinara talaga para siguradong walang kabet na makatutol sa kasal. Napaismid siya.

'           “Jade?”

Natigilan siya sa boses. Hindi pamilyar ang tinig, pero may pakiramdam si Jade na ‘siya’ iyon. Lumingon siya at humanga sa lalaking iyon—sa suot nitong shades, blue tuxedo at brush-up hairstyle. Kung siya ay 28 anyos na ngayon, 24 na si Dexter—25 na sa June 16. Nag-mature na ito at mukha na ring propesyonal.

            “It’s me—Dexter,” sabi nito. Wow, nag-E-English na ang mokong.

Medyo nangatog ang kanyang tuhod habang tumatagal ang pagkatitig nito. Parang may kuryenteng dumaloy sa kanyang kalamnan, sinisikmurahan siya. Inhale, exhale. Pinilit kumalma ni Jade. “O-of course…I remember you.”

            “Late na tayo,” wika nito. “Galing pa kasi ako sa meeting. Ikaw, kamusta na?”

Nangamusta ang ex, naka-moved on na nga. “Ako? Unfortunately, late rin. Galing pa kasi akong Singapore. O pa’no, diretso na lang ako sa reception. See you later.” Dali-dali niyang hinanap ang nakaparadang kotse. Bumuntung-hininga siya nang makasakay.

                                                -------

Sa Secret Garden restaurant kung saan gaganapin ang reception siya dumiretso.

Sinamantala ni Jade ang katahimikan ng paligid dahil mamaya’y darating na ang mga bisitang nakasaksi sa “forever” nina Marco at Jennifer.

Mamaya, ang tahimik na lugar ay sisidlan ng kagalakan para sa bagong kasal, palakpakan mula sa mga taong panay ang “Akalain mo nga naman, “kayo” pala talaga?!” Mamaya. Mamaya—magkikita sila ni Dexter.

            “Gustong-gusto kita. Gustong gustong gustong gustong gusto kita. Alam kong nako-kornihan ka pero sana paniwalaan mo. Gago ‘ko, alam ko, alam mo at alam ng buong mundo. Pero tngina, gusto kita Jade. Habang hindi pa dumarating yang hinihintay mo, pagbigyan mo muna ‘ko. Hayaan mong mahalin kita. Nakakagago yung pakiramdam na ganito pero seryoso ko sa mga sinabi ko. Pramis..”  Napangiti siya sa alaalang iyon—yung espesyal na araw kung saan magkasama sila sa paraiso kung saan matatanaw ang paghalik ng bughaw na ulap sa damuhan.

Iyon ang panahong natagpuan niya sa isang di inaasahang tao ang bagay na hindi niya maaming matagal na niyang hinahanap. Yung araw na napagtanto niyang pangdalawahan talaga ang pag-ibig.

        “Bakit kailangan mo pang magsinungaling?” tanong ni Dexter noon. “Nagpapakatotoo ako, Jade. Di bale ng gago, basta walang tinatago. Mahirap magpanggap. Graduating sa Adamson? Psychology ang course? Working student? Bente anyos? Hindi si Dexter iyon. Hindi ako yun, Jade….”

        “Ginawa ko yun kasi gusto kong matanggap ka nila!”

        “At bakit naman?”

        “Gusto kong matanggap ka nila, kagaya ng pagtanggap ko sa yo. Bakit ba hindi mo ko maintindihan?! Hindi sila matapobre o kung ano mang iniisip mo. Pero alam kong gusto nila ang tamang tao para sa ‘kin. Balang araw, kapag naging magulang ka, iyon din ang gugustuhin mo para sa anak mo. Ngayon, ngayong bata ka pa…ngayong disi-otso ka pa lang, naitanong mo na ba sa sarili mo kung ginagawa mo ang tama? Now tell me, do you have a life, Dexter? Alam mo ba ang ginagawa mo? Are you on the right track? Grow up Dexter! Don’t be immature.”

            “Yun na nga ba ang sinasabi ko e. Bakit pa kasi ako nahulog sa yo, na sa simula pa lang hindi naman babagay sa ‘kin.”

            “Pero kahit gano’n, Dexter, mahal kita. Kahit magkasalungat tayo sa maraming bagay, natutunan kitang mahalin…”

Kasabay ng pag-ihip ng hangin ay siyang paglipad ng mga alaalang walang kakupas-kupas at umalingawngaw ang masayang tawanan nila ni Dexter.

Mabuti pa ang mesa, may upuan. Ang baso, may plato. Ang kutsara, may tinidor. Ang kanin, may ulam. Ang dalawang lovebirds na natatanaw niya ay forever na sa hawla, paghiwalayin man at paliparin ng iba, babalik pa rin sa isa't- isa.

Ipinilig niya ang kanyang ulo at kasabay noon ay siyang pagdating ng iilang bisita. Kasama si Dexter, kahawak ang kamay ng iba.

Parang binigwasan ng hawla ang puso ni Jade. Hindi rin siya gutom at lalong hindi sya patay-gutom para maunang pumunta sa reception, pero gusto niyang kumain ng marami sa sobrang panlalambot. Bakit pa ba siya magugulat? It’s been 6 years. Meron na siyang Max Caprio, at malamang meron na ring The One si Dexter. 

Kung Magkikita Tayong MuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon