Ikalima| Wag-Iwasan-Just-Live-With-It

327 12 0
                                    

Ilang saglit pa’y may umupo sa kabilang dulo ng bench na kanyang kinauupuan—si Dexter.

            “Uupo na lang at aawit, maghihintay ng pagkakataon…” sabi ni Dexter, sumasabay sa lalaking nanghaharana. Pinagmasdan ni Jade si Dexter habang ito’y nakatuon at sumasabay sa saliw ng gitara. Kalmado lang ito. Masaya. Parang…naka-moved on na, kahit siya hindi pa.

Tinapos talaga ni Dexter ang kanta, sabay kindat sa kanya.

            “Anong ginagawa mo dito?”  malamig na tanong ni Jade, kasabay ng pag-iwas niya ng tingin dito.

            “Grabe ka naman. Ikaw ba tinanong ko nang pumasok ka sa CR namin?” biro ni Dexter.

Hindi siya tumawa.

            “Wala lang,” sabi ulit ni Dexter. “Nagpapalipas-oras lang. Ito talaga ang tambayan ko. Kumbaga, sanctuary—itong bench mismo. Ikaw, anong ginagawa mo dito?”

Hindi si Jade sumagot. May nakapa siya sa bench, tila mga titik na nakaukit.

            Dexter Jade  

Hindi maalis ni Jade ang tingin dito.

        “Ngayon mo lang nakita ‘yan?” tanong ni Dexter nang mapansing natigilan siya. “Sinulat ko ‘yan nung araw na nag-break tayo. Haha. Parang baliw lang ‘no? Gano’n talaga siguro pag wasak. Hinamon ko pa nga ang sarili ko eh. Sabi ko, dapat, mas maunang maghilom yung puso ko bago palitan ang bench na ‘to o bago mawala yung pangalan natin diyan.”

        “Nagtagumpay ka naman ba?” tanong niya, may halong pagsisisi kung bakit kumawala ang ganoong kataga sa bibig niyang pinaghirapan niyang itikom.

            “Of course. It’s been…6 years,” sagot ni Dexter. “Alam mo, tama nga si Kuya Marco e. Kung gusto mo raw maka-move on, huwag mong iwasan yung mga bagay na nagpapaalala sa ‘yo sa taong nang-iwan. Hayaan mo lang, masanay ka lang. Live with it. Kaya ayon, hangga’t kaya ko, bumabalik ako dito. Sa una, mahirap. Masakit. Nakakamiss. Yung tipong mapapa-iyak ka na lang kasi bumabalik yung memories, pero yung nang-iwan sa ‘yo, hindi pa. Yung tipong naiiisip ko kung nabasa mo ba ‘to, o sa mga oras ba na ‘yun, naiisip mo ‘ko. Yung tipong maaawa ka na lang kasi mas marupok pa yung puso ko sa punong ‘yun. Nakakatawa yung mga kadramahan ko noon…”

Mukhang naka-moved on na ang mokong na katabi niya, ang lakas ng loob magkuwento ng mga bagay na hindi naman niya tinatanong—may halo pang tawa.

            “Pero ayun,” sabi ulit ni Dexter, bahagyang sumeryoso ang mukha, “sa kakapa-balik-balik ko dito, natanggap ko na rin na hindi ka na talaga babalik.”

            “Bakit sinasabi mo sa ‘kin yan?”

            “Wala lang. Ayaw mo kasi magkuwento e,” kaswal na sagot nito. “Bakit ka ba nandito? Nagre-reminisce o may nami-miss?”

Umirap si Jade. “Perhaps, I just missed the old times. Pero I don’t miss you. Never.”

            “Ang hard mo naman. Alam mo, hindi ka pa rin talaga nagbabago. Masungit ka pa rin.”

            “Ikaw rin,” sagot niya. “Feeling close ka pa rin. Pa-cool. Mayabang. Makulit. Gwapong-gwapo ka pa rin sa sarili mo.”

            “Pero sa kayabangan, kakulitan at kakapalan ng mukhang ‘to, naging ‘tayo’.”

Salubong ang kilay, tumingin si Jade dito. “Watch. Your. Words.”

            “Jade, hanggang ngayon ba, galit ka pa rin sa ‘kin? Inayos ko kaya yung computer mo. Niyaya mo pa nga ko kanina mag-lunch eh.”

            “Hindi ako galit,” madiing sagot niya kasabay nang pagtayo. “Wala lang akong gana sa ‘yo.”

Tumayo si Dexter. “Let’s start over.” Inalok nito ang kamay. “Friends?”

Isang desisyon ang babago sa takbo ng buhay ni Jade. Kung tatanggapin niya ang kamay na iyon, magiging friends sila. Sa isip niya, siguro kaya hirap siyang mag-move on kasi iwas siya ng iwas. Siguro, gagana rin yung tip ni Dexter na “Wag-Iwasan-Just-Live-With-It” Siguro pag naging kaibigan niya ang dating ka-ibigan, masasanay rin siya.

Pero paano kung…Paano kung ma-inlove siya, umasa na sa bagong simula uusbong ulit ang pag-iibigang—HINDI. Hindi maaari.

 Tinalikuran ni Jade si Dexter at lumakad palayo. 

Kung Magkikita Tayong MuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon