Hugot 104

266 4 0
                                    

“Mas mahirap maabot ang pagmamahal kesa pangarap. Ang pangarap, naaabot ‘yun sa masusing pagpa-plano at career pathing. Ang love, hindi keri ng sipag at tiyaga. Hinihintay ‘to. At minsan, sa sa sobrang tagal dumating, ikaw na mismo ang maghahanap.” --Pauline

-----------

Parang mas posible pang maabot ang dream job kaysa ang dream man.

Basta sigurado kang may experience sa trabaho o maganda ang educational attainment o with good communication skills at kahit paano ay may  pleasing personality, 90% ang chance na papasa ka. E sa taong gusto mo, kahit kamukha mo pa si Anne Curtis, sing-talino ni Miriam Defensor- Santiago, singgaling kumanta ni Juris o Sarah Geronimo, talentado tulad ni Toni Gonzaga at masarap magluto tulad ni Chef Logro, kung wala namang spark—nganga. Walang siyensiya ang makakapagpaliwanag kung paano mapapaibig ang tao, lalo na ang kung paano ka mahalin ng pang-habambuhay. Totoo nga talaga ang sabi ni David Pomeranz, “It’s magic when two people fall in love.” 

--------------

"...kahit beauty queen nakakatanggap din ng panlalait. Hindi ka pangit, walang pangit. Mapanglait lang talaga sila. Kapag mataba ka, sasabihing ‘baboy’. Kapag payat, ‘kalansay’. Kapag sexy, ‘hipon’. Kapag maliit, ‘duwende.’ Kapag matangkad, ‘kabayo.’ Kaya bakit mo pipilitin ang sarili mong magustuhan ng iba? Hayaan mo sila. Di naman kayo close.” --KEVIN to Destiny

--------------

        “Hala, friend! Baka in love ka na,” sabi ng binabaeng bestfriend niyang si Pochi.

            “Infatuated lang siguro si Bagong-gahasa,” sabi naman ni Bea.

            “OA niyo naman. Crush lang.”

            “Crush pa ba yun Inday? Lagi-lagi mo kaming kinukuwentuhan ng tungkol sa kanya. Kahit tungkol sa aso ang pinag-uusapan natin, isisingit mo yung aso niya. Tungkol sa assignment, kuwento mo yung binigyan ka niya ng Stabilo. Nagiging puso ang mata mo pag nandiyan siya. Panay ka Kevin-Kevin-Kevin! Kulang na lang magpatayo ka ng monumento ni Barcelo sa bahay niyo. Crush pa ba yan?” taas-kilay na pang-ookray ni Pochi.

            “E ano bang kaibahan ng crush sa infatuation sa love?”

            “Inday,” sabi ni Bea, “Ang crush, simpleng paghanga lang. Pag nakita mo siya kinikilig ka. Pero pag lampas niya, hindi mo na siya iniisip buong araw. Kapag may kasama siyang iba, nadi-dismaya ka, pero hindi ka masasaktan. At lalong hindi mo siya iiyakan.”

            “Ang infatuation naman, stage 2 na.  Sa umaga’t sa gabi sa bawat minutong lumilipas, hinahanap-hanap mo siya. Minsan nga feeling mo malapit mo na siyang maging boyfriend—kahit ikaw lang naman ang nakakaalam ng love story niyo. Hindi ka makatulog sa gabi sa kakaisip. Di ka makakain, at tinutubuan ka na ng tigyawat. At pag nakita mo siyang may kasamang iba, nasasaktan ka, pero kagat lang ng langgam,” hayag ni Pochi. “Mahuli mo lang siyang mangulangot, ayaw mo na.”

            “At ang love naman?,” tanong ni Destiny.

            “Ang love—pag-ibig! Kahit mangulangot pa siya, hindi nagbabago ang malalim mong pagtingin. Kahit feeling mo hindi siya interesadong maging girlfriend ka, gusto mo pa rin siyang maging boyfriend. Nagkadapuang palad lang kayo nang kinuha mo yung pamasahe niya sa jeep, feeling mo achievement na yun. Pinakamataas na level na ‘to sa tingin ko. Parang nasa langit ang feeling—pero pag hindi ka niya mahal—lagot ka. Malalim ang kababagsakan mo, masakit na masakit. Sobra. Kahit hindi kayo, kailangan mong mag-move on.” 

 --------------------

"Everyone can be famous today. All you need is 5,000 friends.”  --Kevin to Des

-------------------

Isipin mo na lang ang panahong hirap kang mag-move on sa taong crush mo noong highschool di ba? Yung panahong akala mo puwede kang mamatay sa sobrang heartache at heartbreak. Yung panahong dinaig mo pa si Sharon Cuneta sa pagdrama at ilang gabing sumumpa ng "Bukas luluhod ang mga tala." Balikan mo yung araw na tumingin ka sa pinaka-iniingat-ingatan mong picture niya, sabay sabing "Babangon ako't dudurugin kita." Tapos nilamukos mo yung picture at sinunog. 

Tapos eto, pagkalipas ng 15 years, nagkita kayo at parehas kayong sawi sa pagibig? Tapos ano, hawak kamay kayo sa Tagaytay para takasan ang realidad, takasan ang mga taong nauna namang mang-iwan? Define kawawa. 

--------------------

"Gusto kitang balatan ng buhay. Pag-uwi ko, ipagsisindi kita ng kandila. Tandaan mo yan." --Destiny to Hugo

--------------------

“Sa lahat ng kasinungalingang ginawa ko, etong nararamdaman ko sa ‘yo, totoo. Mahal kita—kagaya ng lagi kong sinasabi sa ‘yo. Pero kailangan ako ng anak ko. Kailangan kong gawin ang tama. Kailangan mo ring maging malaya.” --Hugo

----------------

            “Gago. Anong alam mo sa pagmamahal? Kung meron mang nagmahal sa ‘ting dalawa, ako yun, Hugo. Ako lang. Hindi ko pinakinggan ang pamilya ko. Hindi ko pinansin ang mga kaibigan ko sa mga sinasabi nila laban sa ‘yo. Sinunod ko lang ang puso ko. Binigay ko lahat, Hugo—lahat, kahit anong hilingin mo. Oo, paulit-ulit mong sinasabing mahal mo ko, pero totoo ba ‘yun? Sana sinabi mo na lang ang totoo. Masakit pero totoo.”   --DESTINY 

-----------------

“Ano bang susuotin ko?” tanong niya kay Pochi nang sumunod ito sa kanya. Ano nga ba? Dress? Pastel o dark? Laced o chiffon? Floral o leopard print? Body-hugging o loose? What about peplum? Mullet? Pleated? Maghe-heels ba? Wedge? Stiletto? Peephole? Boots?! “Wala akong damit!,” padabog niyang sambit.

Kinaltukan siya ni Pochi. “Te, CEO ng isang fashion brand, walang damit? Libo ang damit sa walk-in closet, walang maisuot?” Kumuha ito ng isang damit. “Ganito, have a style in mind. Bakit hindi ka magpaka-seductive, yet classy? Mala- Marilyn Monroe.”

            “Hindi ganon ang tipo ni Kevin…”

            “Dep*ta ka!” bulalas ni Pochi. “Sabi na nga ba e! Reunion tapos si Kevin lang pala ang sadya mo. Sana niyaya mo na lang mag-date!”

Pinakita ni Destiny ang larawan ng isang babae sa cellphone niya. “Eto ang ex-girlfriend ni Kevin—si Natasha Roma.”

            “Saan mo nakuha ‘yan?”

            “Dinownload ko sa Facebook.”

            “Stalker ka,” sabi ni Pochi.

            “Whatever,” umirap siya. “O anong impression mo sa kanya?”

            “Maganda siya, in fairness. Pa-demure effect. Para siyang Little Miss Sunshine—tipong good vibes palagi, may liwanag ang buhay…”

            “Meralco?”

            “Gaga. Basta, parang sweet siya. May pagka-mahinhin, inosente…”

            “Teacher kasi siya Pochi. Parang caring, youthful, sweet and charming,” sabi ni Destiny. “O di ba? Ganyan ang tipo ni Kevin—hindi yung pa-sexy. Yung sweet and innocent ang peg.”

            “Sweet and innocent…Yung pa-virgin effect?”

Kinaltukan niya si Pochi. “Ano ba Pochi! Basta gusto ko ganon ako. Mala-Kim Chui ang pormahan. Tapos yung pustura parang si Dawn Zulueta.” 

Kung Magkikita Tayong MuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon