Ikalima| Decisions and Regrets

427 12 0
                                    

            “Gunbae!”

            “Cheers!”

Handa na ang pa-jeon, bulgogi at wine sa mesa.

Handa na rin si Ellen at ang tatlong Korean housemates para sa mahaba-habang kwentuhan hanggang matapos ang gabi. Pero tahimik lang si Tasha sa isang sulok ng rooftop. 

            “Masaya na ‘ko ngayon Top. Sana ikaw rin. ‘Wag mo nang isipin yung wala o kulang sa ‘yo. Mahalin mo na lang ang bagay na meron ka ngayon at kung sinong nagmamahal sa ‘yo.”

Iyon ang huling payo ni Tasha kay Top. Pero mahirap pala i-apply sa tunay na buhay. Mahirap pag ikaw na mismo ang nasa sitwasyon.

            “Hindi ko masisisi si sir Kevin kung masaktan siya sa sagot mong Pakakasalan-kita- pero-hindi-ngayon.Hindi rin kita masisisi kung pipiliin mo ang Korea. Ang tanong: Sa araw na umuwi ka, kaya mo bang makitang meron na siyang iba?

            “Hanggang kailan kita hihintayin? Hanggang kailan kita iintindihin, Tasha?”

Samu’t saring alaala—mga linyang nanggaling sa kakilala, mga desisyong hindi niya lubos maisip kung paano niya naisip. Mga desisyong natatakot siyang pagsisihan.

Natigilan si Tasha nang akbayan siya ni Ellen. “Pag-ibig na naman?”sabi nito. “Ikain mo na lang ‘yan.”

Nagtungo sila sa mesa, umupo si Tasha sa tabi ni Ellen, kaharap ng tatlong Korean housemates.

            “Unni (ate),” sabi ng koreana. “Ellen said you saw your ex proposing in the Romance bridge…”

Tumango si Tasha.

            “Do you regret saying ‘no’ to him?” tanong ng pangalawa.

            “I’m happy of what I’ve become,” tugon ni Tasha. “But when I saw him—them—I realized I’m still incomplete. Now I’m beginning to regret.”

            “Unni, that’s life. You’ll get stuck in a dilemma, and you have to choose that thing that means the most to you. You have to choose what to keep and what to let go.”

            “I left him to follow my dreams. Is it worth it?”  tanong nito.

Kibit-balikat lang ang tatlong singkit. “But he didn’t wait for you. Do you think he’s worth it? And can you really forget your dreams just for him?”

Umiling si Tasha. Bumaling ang tatlo sa pagkain.

            “Wag mo nang dibdibin yung nakita mo kanina,” wika ni Ellen.

            “Masaya ako para sa kanila,” tugon niya.

            “Talaga?”

Bumuntung-hininga siya. Umiling-iling, bakas ang pagkahinayang. “Masaya ako para sa kanila. Ang hirap palang sabihin ‘no? Masakit pala talaga…na makita ang mahal ko na may kasamang iba. Habang ako, naiwang mag-isa. Wala na ‘kong choice kundi maging masaya.”

 -----------

Nagtungo na si Tasha sa kwarto, wala siyang ganang kumain. Humilata siya. Nakita niya ang nakabukas na laptop. Pinaandar niya iyon at bumungad ang huling larawan nila ni Kevin, nang dalhin siya nito sa lake kung saan ito magpo-propose. Yun ang ginawa niyang wallpaper.

            Kevin Barcelo is engaged with Destiny Bagong-gahasa.

Iyon agad ang bumungad sa kanyang Newsfeed. Ilang saglit pa’y nag-chat si Kevin.

            “Hi. Can we talk?”

-------------

Nanginginig ang mga kamay niyang nag-log-out. Isinara ni Tasha ang laptop. Umiyak ng umiyak hanggang sa makatulog. 

---

Kinabukasan, walang klase pero nagreport ang mga guro sa school. Katatapos lang ni Tasha mag-encode ng grades nang madaanan niya si Ellen sa desk nito. “Hindi ka pa ba uuwi?” tanong niya dito.

            “Tapos ka na? Sige, sabay na tayo.”

Magkasabay silang naglakad palabas ng paaralan, abala si Ellen sa kaka-text. “Sino bang ka-text mo? Mukhang urgent ha.”

Itinago agad nito ang cellphone sa bag. “Tara na nga.”

            “Tasha.”

Paglabas na paglabas ng gate ay may tumawag kay Tasha, banda sa waiting shed. Si Kevin.

Salubong ang kilay na tumingin siya kay Ellen—alam na niya kung sinong may pakana. Hinatak ni Tasha ang kaibigan, dire-diretsong naglakad papunta sa bus stop.

            “Tasha, I’ve waited for you. Puwede bang kausapin mo naman ako.”

Nagbibingi-bingihan, lakad-takbo si Tasha habang hila si Ellen.

            “Tasha, makinig ka naman!” nagsusumamong sabi ni Kevin habang hinahabol siya. “Gusto ko lang naman ayusin ‘to.”

Padabog niyang binitiwan si Ellen kasabay nang pagbuntung-hininga.  “Mag-usap na kasi kayo,” sabi ni Ellen, sabay alis.

Hinarap niya si Kevin. “Ako pa ba ang hindi marunong makinig, Kevin?” Humakbang siya palapit “Nagpakita ka para tapusin ang isang bagay na matagal mo nang tinapos?”

            “Tasha, gusto ko lang ayusin—“

          “May maiaayos pa ba ‘to Kevin?" singhal ni Tasha. "No’ng araw na nagpropose ka, pinakinggan mo ba ang paliwanag ko? Nang pumunta ako sa coffee shop para kausapin ka ng matino, nakinig ka ba? Ako lang ang nakinig, Kevin. Ako lang ang naghintay, ang umasa. Ako lang ang nagmahal.”

            “Tasha, I understand you now,” sabi ni Kevin. “Meron kang pangarap, meron kang gustong gawin sa buhay. Kaya hinayaan kita…”

            “Kaya hinayaan mo ko at naghanap ng iba?”

            “Hindi ko siya hinanap para lang palitan ka.”

            “Pero bakit mo siya pakakasalan?”

            “Because I love her.”

Dismayado, umiling siya.

        “Bakit hindi ako, Kevin? Marriage is forever—bakit ka ba nagmamadali? Sinabi ko namang babalik ako. Kahit malayo ka, lagi kitang naiisip. Umaasa ako na maaintindihan mo rin ako. Umaasa ako na pagbalik ko, tayo pa rin. Hindi ako sumuko, naniwala akong tayo pa rin sa huli. Hindi ako nang-iwan, Kev. Ikaw. Ang daya mo. Ang daya-daya mo.”

Akmang lalapit si Kevin pero umatras si Tasha. Agad niyang pinunasan ang luha, klinaro ang lalamunan—kailangan niyang masabi lahat sa huling pagkakataon.

            “Mahal kita,Kevin—hanggang ngayon naman e. Ikaw ang gusto kong makasama sa pagtanda. Di ba mag-aanak pa tayo ng doctor, engineer at teacher? Lilibutin natin ang buong mundo. Di ba sabi mo mahal mo rin ako? Anong nangyari?”

Niyakap siya ni Kevin.

        “Sorry. Napatunayan ko lang na hindi ako ang para sa ‘yo. Hindi ka mahirap mahalin, Tasha. At alam kong may darating na taong mas mamahalin ka ng higit pa sa nagawa ko sa ‘yo. Yung taong ipapaintindi sa ‘yo ang punto niya bago ka hayaang gawin ang gusto mo. Yung makikinig sa ‘yo. Yung hindi ka iiwan. Yung hihintayin ka. Yung taong makakapag-kumbinsi sa ‘yong hindi mo siya dapat pakawalan. I want you to be happy, and I know someday, you will.” 

Kung Magkikita Tayong MuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon