Ikatlo| Destiny

596 12 0
  • Dedicated kay Czarinna Adarna
                                    

3

Destiny

If it’s bound to happen, it will happen.

-----------------------------

April 2008

            “Siguro wala lang tayong pinagkaka-abalahan kaya may panahon pa tayong malungkot.”

Nagpakawala ng buntung-hininga si Tasha. Humilata sa kama at tumitig sa kisame.

Nagunita niya ang gabing naghiwalay sila ni Top; yung huling gabing nagkausap sila, sa ilalim ng mga tala.

            “Pagod na ‘ko Top, suko na ‘ko. Sana lang maisip mo na hindi kita binabalewala—may mga bagay lang talaga akong mas pinahahalagahan kesa sa iyo. Nakakapagod maging estudyante, presidente ng college, practice teacher, anak. Idagdag ko pa yung obligasyon bilang girlfriend sa ‘yo. Ikaw, hindi ka ba napapagod? Hindi na tayo masaya. Itong pagkikita natin, yung relasyong iniingatan natin, obligasyon na lang. Pero hindi na talaga tayo masaya.”

Kinabukasan noon, tuloy pa rin ang buhay—maghahanap ng related topics para sa thesis; magme-meeting kasama ang ibang officers ng College Student Council; kasabay na ulit kumain ang mga kaibigan tuwing lunch dahil pare-parehas na silang walang lovelife; at magpa-panggap na masaya dahil wala namang ibang choice kundi maging masaya.

Limang araw na ang nakalipas mula ng suotin niya ang itim na toga at magmartsa. Limang araw na ang nakalipas mula nang lisanin niya ang unibersidad. Umuwi si papa, kumpleto silang pamilya. Masaya. Ngunit sa tuwing papasok siya sa kwarto ay matatanaw niya ang bintana ni Top—babalik ang sakit, lungkot, pangungulila. “Miss na miss na kita.”

Nami-miss niya yung pag-gising sa umaga at makikitang naghihintay sa gate si Top. Yung sabay silang papasok, sabay umuwi. Yung titingala lang sila sa alapaap kapag naubos na ang kuwento. Yung “good morning” na text na magpapasigla ng kanyang umaga at yung “good night” na magpapahimbig sa kanyang gabi. Hindi niya makakalimutan ang mga mata nitong nangungusap; yung bibig na nagsasabi kung gaano siya nito kamahal; yung kamay na nangakong hindi siya bibitiwan. Nami-miss niya si Christopher at ang mga nakasanayan nilang gawin, pero wala ng natira sa kanya kundi alaala ng kahapon.

Tunay na mahirap kalimutan ang taong hindi mo man kasama, pero araw-araw mong naikita. Pitong buwan na mula nang umalis si Top sa BlueRidge at lumipat sa binili nitong condo, pero napapanood niya ito sa telebisyon; naririnig sa radio; nababasa sa diyaryo. Naglipana ito sa lata ng evaporada, catalogue ng damit, tarpaulin sa kalye, kahon ng microphone, sa sanglaan…kahit saan.

Para bang rocketship sa bilis ang pagsikat nito. Hindi man naging champion ng Star Search si Top, pinagpala naman ito ng nag-uumapaw na oportunidad.

            “Ako kaya, kailan bibigyan ng break?”, tanong niya sa sarili.

Ano nga ba ang gagawin kapag tapos na ang graduation?  “Magtrabaho. Tama! Magtrabaho.”

Inayos niya muna ang kanyang kwarto—iniba ang puwesto ng kama, cabinet, figurines at iba pa. Itinapon niya ang mga bagay na may bakas ni Top, lalo na ang mga larawan—maliban sa regalo nito noong birthday niya at sa teddy bear. Pati yung CD na padala nito no’n Valentine’s tinapon din. Nagpalit ng kurtina—yung solid ang kulay na matatakpan ang tanawin, sapat na para hindi makadungaw sa bintana ni Top. Gumawa siya ng time- table at ipinaskil iyon sa corkboard.

Taon-                         Edad                        Plano

2008                            21                -First job; pass the Licensure Exam for Teachers

2009                            22                -Get Master's degree

2010                            

2011

2012                            25                -Graduate| Mag-abroad: SG or Korea

2017                            30                -Build my dream school

                                                        -Get a doctorate degree, kasal

Pagkatapos ay gumawa siya ng cover letter at resume para sa tatlong napipisil niyang eskwelahan:

            1) Rainbow Minds School –Imus, Cavite

            2) Sir Arthur Abraham International School –Dasma, Cavite

            3) Children’s Garden Academy—Bacoor, Cavite

Para sa kanya ay yan ang Top Performing Schools sa Cavite. Marami nang eskwelahang nagsulputan, pero itong mga pangalan pa rin ang nangingibabaw pagdating sa performance (sa Quiz bee at iba pang contest) pasahod sa mga teachers, facilities at sa career growth.

Nakatulong ng malaki ang Technical Writing nila kung saan dito talaga siya natutong gumawa ng cover letter. Iwinasto na rin ito ng kanilang propesor, konting edit na lang (kagaya ng address, pangalan ng Principal o Admin) ay puwede nang maging daan para sa first job interview. Tumatakbo na sa kanyang isipan kung paano kumilos sa harap ng interviewer, na natutunan niya rin sa isang Mock Interview sa unibersidad. Siyempre bago sila pakawalan ng La Salle ay kailangan nilang matutunan ang mga bagay na kailangan para makapasok sa inaasam-asam na trabaho—at ang lahat ay magsisimula sa paggawa ng cover letter at interview.

            “Anak..”tawag sa kanya ni mama sa pinto. Binuksan niya ito.

            “Bakit po?”

         “Pupunta ako sa sa salon, yung bagong bukas sa tapat ng Heavenward. Magpapa-straight ako. Gusto mong sumama?”

            “Gusto kong magpa-kulot,"  nakangiting sabi niya. “For a change.”

Hindi na talaga na-kuntento ang tao. Si Mama, nagpa-straight; siya naman, nagpa-perm. Si Mama, nagpapapayat; siya, lamon ng lamon para tumaba ng kaunti.

Kasi nga, tao lang sila.

Kung Magkikita Tayong MuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon