Ikatlo| Happy Birthday, Sir Kevin!

466 13 0
                                    

            “Happy Birthday, Happy Birthday, Happy Birthday to you!” sabay-sabay na kinanta ng faculty ng preschool department sa Rainbow Minds.

July 24, Biyernes—mahalagang araw para sa kaniya.

“Happy 28th birthday Sir Kevin!” Hinipan niya ang dalawang kandilang numerong 2 at 8. “Happy birthday, anak," sabi ni Dr. Leticia. Binati na siya ng lahat, matatapos na lang ang kainan sa school pero ni isang text mula sa taong inaasahan niyang unang babati ay hindi pa dumarating. Maski “HBD Kev” wala siyang natanggap mula kay Tasha.

            “Kev, overtime ako ngayon,”  sabi nito nang tumawag siya kaninang alas kwatro. “Happy Birthday. Enjoy.”

Tuloy ay dumiretso na lang siya sa coffee shop. Sanay na rin naman siyang mag-celebrate mag-isa mula nang mamatay ang ina. Bakit ba nadisappoint pa siya nang ‘balewalain’ ni Tasha ang araw na ‘to?

Madaming tanong ang tumatakbo sa kanyang isip habang hawak ang locket. Pinaaalala kasi ng kuwintas si Tasha. Inilapag niya iyon sa mesa at ibinalik ang tingin sa laptop, sa ginagawa niyang powerpoint presentation. Napatingin siya sa babaeng umupo sa kabilang mesa sa harap niya. Sa tantiya niya ay ka-edad lang ito ng mommy niya, kasing-ganda ng ngiti nito ang ngiti ng mommy niya. Sa suot nitong turban sa ulo, mahabang damit, bangles,mahabang hikaw, mahabang violet na kuko at malaking bag na malamang ay may bolang kristal sa loob—mukha itong manghuhula.

Balik ang tingin sa laptop.

             “Gusto mo, hulaan kita?” Nagulat siya nang lumapit ang babae sa kanya. Umupo ito sa harap. Naglabas ng bahara.

Manghuhula nga.

            “Nandito na tayo,” sabi ni Tasha.

Pinuwesto ni Top ang kanyang kotse sa labas ng Happy Beans coffee shop. Hindi siya makapaniwala sa ginagawa niya ngayon—tinutulungan ang ex-girlfriend sa birthday surprise para sa ‘special someone’ nito.

        “Guys, alam niyo na ang gagawin”, sabi ni Tasha.

Nagtungo sa loob ng shop sina Ate Carms at Teacher Nice. Kakausapin yata nila si Kevin, habang abala si Tasha sa surprise.

            “Top.” Nakangiti si Tasha nang bumaling siya dito. “Salamat.”

Nagtungo si Tasha sa kotse na malamang ay kay Kevin. Nagsimula itong magtapal ng post-it note na ang tema ay “MAHAL KITA KASI…”

            “Tulungan na kita,”sabi niya kay Tasha.

            “Okay lang, kaya ko na ‘to.”

            “Aabutan ka ng gabi niyan bago mo pa matapalan ang buong kotse.”

 Inabot ni Tasha ang makapal na sticky note, kalahati ng hawak nito. “Salamat talaga Top,ha. “

            #3 Kasi ang ganda ng smile mo.

Yun ang unang nabasa ni Top. “Mahal niya si Kevin dahil sa smile? Eh mas pogi pa ko diyan e.”

            #4 kasi sweet ka.

            #7 kasi tall-dark-and-handsome

            #10 kasi matured ka. Ang dami kong natutunan sa ‘yo.

            #14 Para kang tatay ko kung makapangaral.

            #15 Para kang kapatid kung makapagbiro.

            #19 Para kang bestfriend na hindi mang-iiwan.

            #20 You’re the best!

            #89 Kasi 28 ka, ako 21 (gift ko sa birthday ko ah!) 

            #21 Pag kasama kita, I couldn’t ask for more.

            #27 achievement kapag napapangiti ko ang seryosong taong tulad mo.

            #45 Sa kin ka lang nagiging childish at corny.

            Bumuntung-hininga si Top. Sinasaktan niya lang ang sarili kung babasahin pa lahat; minadali na lang niya ang pagtapal ng sticky notes sa kotse. 

Kung Magkikita Tayong MuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon