Ikalima| 11:11

342 10 0
                                    

             “Para saan? Salamat kasi iniwan kita sa panahong ako na lang ang kasama mo?”

            “Salamat. Kasi dumating ka sa buhay ko.”

--------------------

Katahimikan. Pinagmasdan niya si Jade; pilit binabasa ang isip nito. Pero ilang segundo lang ay iniwas ni Jade ang tingin, bumaling sa hawak na cellphone. “It’s already 11:11. Tulog na tayo.”

            “11:11 na? Make a wish!” sabi ni Dexter.

            “Naniniwala ka do’n?” natatawang sabi ni Jade, akmang tatayo. Hinawakan ni Dexter ang jacket nito, kaya napaupo ulit ito. Natigilan si Jade, tinitigan si Dexter.

            “W-what? Bakit ganiyan ka makatitig?” tanong ni Dexter. “May kulangot ba ko?”

            “Baliw. Nag-wish na ‘ko.,” sagot ni Jade.

            “Ano’ng wish mo?”

Umayos si Jade sa pagkakaupo. “Sana matanggap ko yung mga mangyayari sa buhay ko, lalo na yung mga bagay na hindi ko mababago,” seryosong sabi nito. “Ikaw, anong wish mo?”

            “Wala,” sagot niya. “11:02 na eh”

            “Puwede pa ‘yan, wala pang 5 minutes,” biro ni Jade. “Dali, wish!”

            “Alam na ni Lord yun.”

Sa mga sandaling iyon, napaisip si Dexter kung saan at paano nauso ang quote na “Friends can be lovers, but lovers cannot be friends”  Kung may mabuti bang maidudulot ang pagiging magkaibigan ulit ng mga dating nagkasakitan, tsaka na niya iisipin. Basta masaya siya sa kinauupuan niya ngayon—sa tabi ni Jade.

            “Ano na?” tanong ulit ni Jade.

Kanina, tungkol sa 11:11 ang usapan. Tapos napunta sa magiging itsura ng anak nina Jennifer at Marco. Tapos sa mungkahi ni Dexter na magsulat si Jade ng Sci-Fi na may halong lovestory. Tapos, kung totoo ba talaga ang mga alien. Kung kelan ba talaga ang end-of-the-world. Kung wala ba talagang kilay si Mona Lisa. Kung totoo bang galit si Maria Makiling sa mga lalaki. Kung bakit minsan nagkaka-Writer’s block si Jade. Kung bakit gwapong gwapo ang lahat kay Dexter. Kung bakit hanggang alas-dos  ng madaling araw, gising pa rin sila.

            “Kumanta ka na,” sabi ulit ni Jade, kasabay ng pagsandal niya sa tent. Yun pala, pinapakanta siya ni Jade. 

Minsan oo minsan hindi
Minsan tama minsan mali
Umaabante umaatras
Kilos mong namimintas

Kung tunay nga
Ang pag-ibig mo
Kaya mo bang isigaw
Iparating sa mundo

Tumingin sa'king mata
Magtapat ng nadarama
'Di gusto ika'y mawala
Dahil handa akong ibigin ka----

Paglingon ni Dexter, nakapikit na pala si Jade. “Tignan mo, tinulugan mo lang ako.”

            “Naririnig kita.”

            “Kung maging tayo, sa ‘yo lang ang puso ko.” 



Kung Magkikita Tayong MuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon