Ikatlo| Expiration Date

509 14 0
                                    

Nagsimula sa ulan. Payong. Baon na may sticky note na ‘Thank You’. Sabay na tanghalian.  Walang katapusang usapan.  Na mukhang mauuwi sa wagas na pag-iibigan. “Tigil Tasha!” saway ni Tasha sa sarili.

Simula nang mag-apply siya, napapadalas na ang pananaginip niya ng gising.  

Sa huling pagkakataon ay inilibot ni Tasha ang tingin sa kanyang kauna-unahang classroom.

Kahit saang sulok may alaala siyang nagugunita—sulok kung saan pinalilibutan siya ng mga bata tuwing magkukwento; sulok kung saan nagsuka ang bundat na estudyante o nadulas ang nagtatakbuhang magkaklase; dingding na nagpapakita ng development at accomplishment ng bawat isa.

Tapos na ang klase, tapos na ang kontrata.

Oo, mami-miss niya ang mga mag-aaral at co-teachers niya sa Rainbow Minds, pero parte ng buhay ang magpaalam para makaranas ng bago.

Bitbit niya ang kahon na naglalaman ng pantatak, gunting, special paper, reward stickers, puppet, charts, visual aids at kung ano pang maari niyang magamit sa bagong paaralan. Naka-schedule na siyang ma-interview sa susunod na linggo sa Blue Eagle School sa Alabang.

Naabutan niya rin si Sir Kevin na palabas sa office nito. “Are you ready to go?” naninigurado nitong tanong sa kanya. Tumango lang siya.

Kinuha ni Sir Kevin ang kahong bitbit niya at nagtungo sila sa parking. Tahimik lang ito hanggang sa biyahe.

Malapit na sila sa gate ng BlueRidge subdivision ni Tasha, hindi pa rin ito kumikibo. Kanina pa nagtatanong sa sarili si Tasha kung bakit parang malalim ang iniisip ni Sir Kevin.

“Malungkot din ba siya, kagaya ng nararamdaman ko ngayong hindi na ko magtuturo sa school niya?”  Kahit excited na siya sa interview sa Alabang, hindi maitatanggi ni Tasha na nalulungkot rin siya sa paghihiwalay nila ng landas. Tapos na ang kontrata, tapos na rin ang samahan. Alaala na lang ang kanilang napag-usapan, alaala na lang ang tanghalian. Alaala na lang ang naiwan dahil imposible namang dumayo pa ito sa kung saanman para lang magkita sila. After all, magkaibigan pa rin naman sila. Malungkot, kasi alam niyang mami-miss niya lahat. “Baka naman nainis siya dahil hindi na ko nag-renew? Baka nahirapan silang maghanap  ng bagong teacher.” 

            “Sir Kevin? Salamat…," pambabasag ni Tasha sa katahimikan.

            “Para saan?”, seryosong tanong nito. Kanina pa napapansin ni Tasha na iniiwas nito ang tingin sa kanya, nakatuon lang ito sa daang tinatahak nila.

            “…sa lahat. Sa minsang paghatid sa ‘kin, sa kwentuhan. Salamat sa pagkakaibigan. Salamat sa memories.”

            “Sigurado ka na ba talaga? Wala ka ng balak magturo sa ‘min?”

            “Sabi mo nga ‘You only live once.’ Gusto ko lang sumubok ng bago. Magturo sa ibang lugar, makakilala ng bagong tao. Bagong experience, bagong memories.” Tumingin siya kay Sir Kevin. “Sir, may problema ba? G-galit ka ba?”

Bumuntung-hininga lang si Sir Kevin sa halip na sumagot. Lumiko ito nang marating nila ang BlueRidge, nagtaka si Tasha.

            “Teka. Bakit ka lumiko? Saan tayo pupunta Sir?”

            “Let’s go somewhere." 

Kung Magkikita Tayong MuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon