HUGOT 105

293 7 1
                                    

"It’s not about meeting your standard. It’s about winning your heart! It’s not about who got qualified—it’s about who made you fall in love!" ---Pochi to Destiny 

----------------

“I never stopped loving you Kevin. I just grew tired of proving it. At hindi mo ba ramdam yun? Nakakapagod maghintay sa taong hindi siguradong darating.”  --DESTINY TO KEVIN

-----------------

“May magbabago ba sa buhay mo kapag nawala ako? Kung wala, wala ring magbabago kung nandiyan ako sa tabi mo.  Mahal kita, sabi ko. At hindi ka sumagot. Sa katahimikang iyon, alam kong hindi mo ‘ko mahal. Mahal mo ang presensiya ko, pero hindi mo ko minahal.” --DESTINY

------------------

KEVIN: Kailangan ko pa ba talagang sabihing mahal kita?

DESTINY: Kailangan ba talagang maging ganito ka-komplikado? Mahirap ba talagang sabihin ‘yon? Mahirap ba ‘kong mahalin?

------------------

KEVIN: Destiny, you  came in my life unexpectedly. You came in a perfect time, just when I needed you. Turns out—you also needed me. Parehas tayong iniwan, and there—we found comfort in each other’s arms. Kung bakit masaya ako ngayon, it’s all because of you.

DES: “E yun naman pala. Eh bakit---“

KEVIN: But are you sure this is not a rebound relationship? Pag binalikan ka ni Hugo o ng kung sinumang lalaki sa buhay mo, sigurado ka bang ako pa rin? Hindi kaya bored lang tayo o desperado kaya akala natin pag-ibig to? Do you think this is love, Destiny?

DESTINY: Sa tinagal-tagal ng panahon, Kevin…Sa dinami-rami ng taong nakilala ko, heto pa rin ako—bumabalik sa ‘yo. Hindi nga siguro pag-ibig’ to. Baka kabaliwan.  Ang tagal kong hinintay 'to, Kevin. Ang tagal kong hinintay na maging ganito tayo. Papaanong hindi ako aasa? 10 years from now, 20 years from now, hanggang abutan na tayo ng nobenta—mahal pa rin kita. Nakakainis dahil pagkatapos ng lahat, mahal pa rin kita.

KEVIN: Do we really need answers,explanation? Can’t we stay like this? I mean, this—walang label. Walang commitment. We need time to figure things out, to know if we’re really in love or we just need a companion. I don’t know. I’m sorry. I just want you by my side Destiny. This time, you’re all I want. Don’t give up on me, Destiny. Please.” 

 ----------------------------

Iniisip niya kung anong hindi masyadong masakit pakinggan: Mahal kita pero mas mahal ko siya, o mas mahal ko siya pero minahal rin kita.

-----------------

“Siguro nga, hindi parehas ang nararamdaman natin nang binigay mo ‘to sa kin. Pero matatanggap mo ba kung sasabihin kong ngayon—pagkalipas ng labinlimang taon—natutunan rin kitang mahalin?” --KEVIN

------------------

KEVIN: You are my serendipity. I was looking for love but I found you. I was waiting for someone else, but I found myself running to you. I’d like to believe we are destined, and that everything that has happened is meant to be. Destiny, natakot lang ako. Paano kung masaktan kita? Kung magsawa ka? Kung hindi natin masolusyonan ang problema? Kung malaman natin na hindi talaga natin mahal ang isa’t isa? Kung bumalik tayo sa simula—na hindi na tayo magkakilala? Pero mas nakakatakot pala ang mawala ka. And now I’m willing to take the risks, just to keep you by my side. I love you.

-----------------

“Ang pag-ibig na bumalik ay pag-ibig na kailanma’y hindi umalis.”

-----------------

Mabuti pa ang mesa, may upuan. Ang baso, may plato. Ang kutsara, may tinidor. Ang kanin, may ulam. Ang dalawang lovebirds na natatanaw niya ay forever na sa hawla, paghiwalayin man at paliparin ng iba, babalik pa rin sa isa't- isa.

-----------------

Sht. Si Dexter ang unang nakita niya pagdilat ng mga mata. Si Dexter ang dahilan. Si Dexter ang problema. Si Dexter ang solusyon. Si Dexter lahat.

            “Kahit saang sulok nakikita kita,” bulong ni Jade sa sarili, habang papunta sa kanyang kotse. “Kahit sa gitara ng estudyanteng iyon, naaalala kita. Sa kwek-kwek. Sa mga batang labas-masok sa computer shop. Sa SM Palapala. Sa popcorn. Sa mineral water na pinaghahatian natin. Sa mga tala. Kahit ayoko, pumapasok ka sa isip ko. Bumabalik ka sa panaginip. Binubulong ka ng hangin. Hinihila ako ng nakaraan, ng mga alaala mo. Kelan mo ba ko tatantanan?!"

Paikot-ikot lang ang sasakyan sa kalsada. Kung saan saan lumiliko. Sa sobrang sikip ng dibdib at gulo ng isip, inihinto ni Jade ang kotse kung saanman at ibinaon ang mukha sa manibela. Ang bigat ng mata, gustuhin man niyang umiyak, wala namang malabas na luha. Parang internal bleeding lang. Sa labas okay, sa loob—nagdurugo na yung utak sa kaiisip sa taong hindi maalis-alis, umiiyak na ang puso pero hindi man lang mailabas sa mga mata.

Tinanaw niya kung saan siya huminto—sa Heavenward pala, kung saan humahalik ang bughaw na ulap sa luntiang damuhan.

Pagpasok niya sa parke, it felt like coming home. Makukulay na lobo. Magigiliw na tawanan. Kwek-kwek. Gitara’t harana. Holding hands na pa-sway sway pa. Ganoong senaryo pa rin ang naabutan niya. Para bang handa na ang lahat sa kanyang homecoming. Isa na lang ang kulang—si Dexter. 

---------------

            Dexter ♥ Jade  

Hindi maalis ni Jade ang tingin dito. “Ngayon mo lang nakita ‘yan?” tanong ni Dexter nang mapansing natigilan siya. “Sinulat ko ‘yan nung araw na nag-break tayo. Haha. Parang baliw lang ‘no? Gano’n talaga siguro pag wasak. Hinamon ko pa nga ang sarili ko eh. Sabi ko, dapat, mas maunang maghilom yung puso ko bago palitan ang bench na ‘to o bago mawala yung pangalan natin diyan.”

            “Nagtagumpay ka naman ba?” tanong niya, may halong pagsisisi kung bakit kumawala ang ganoong kataga sa bibig niyang pinaghirapan niyang itikom.

            “Of course. It’s been…6 years,” sagot ni Dexter. “Alam mo, tama nga si Kuya Marco e. Kung gusto mo raw maka-move on, huwag mong iwasan yung mga bagay na nagpapaalala sa ‘yo sa taong nang-iwan. Hayaan mo lang, masanay ka lang. Live with it. Kaya ayon, hangga’t kaya ko, bumabalik ako dito. Sa una, mahirap. Masakit. Nakakamiss. Yung tipong mapapa-iyak ka na lang kasi bumabalik yung memories, pero yung nang-iwan sa ‘yo, hindi pa. Yung tipong naiiisip ko kung nabasa mo ba ‘to, o sa mga oras ba na ‘yun, naiisip mo ‘ko. Yung tipong maaawa ka na lang kasi mas marupok pa yung puso ko sa punong ‘yun. Nakakatawa yung mga kadramahan ko noon…”

Mukhang naka-moved on na ang mokong na katabi niya, ang lakas ng loob magkuwento ng mga bagay na hindi naman niya tinatanong—may halo pang tawa.

            “Pero ayun,” sabi ulit ni Dexter, bahagyang sumeryoso ang mukha, “sa kakapa-balik-balik ko dito, natanggap ko na rin na hindi ka na talaga babalik.” 

---------------

Kung Magkikita Tayong MuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon