Ikalima| Team Building

367 10 0
                                    

“TOUCHDOWN, MT. MAKILING!” sigaw ni Lovelyn pagbaba ng bus. Nang makababa ang faculty ng Computer at Filipino department, agad niyang inilabas ang monopod.

            “Compress, guys,” utos ni Lovelyn.

            “Maka-guys naman ‘tong batang ‘to,” biro ni Prof. Montano.

            “Hehe. Sorry, sir. Dali na po, groufie tayo.” Nag-martsa ang lahat papunta sa picnic grove pagkatapos ng selfie rituals ni Lovelyn.

----------

            “At dahil magkasama ang Computer Department at ang kagawaran ng Filipino at Literatura sa iisang building, nararapat lang ding magkasama-sama tayo sa team building. The more, the merrier!” sabi ni Prof. Elaiza ng Computer Dept.

            “So now that we have Filipino and Computer dept, each team will be constituted by people coming from both departments,” sabi rin ng isa. “Last week, nagbunutan tayo, and it’s about time to know your respective teams. So here we go…Team Tamaraw: Prof. Montano. Lovelyn. Prof. Jade Estanislao. Prof. Angela Dantes. Prof. Rocky Mendez. Prof. Lydia Alajar. Prof. Dexter Palma. That’s it—7 members, 3 boys, 4 girls.”

Nagtagpu-tagpo sa isang sulok si Dexter, Jade at ang mga ka-team.

Nang mai-grupo na rin ang Team Butanding, Agila, Pilandok at Alamid, ay nagtungo na sila para magtayo ng tent.

            “Guys, malakas ang chance nating manalo,” nakangiting sabi ni Ma’am Lydia. “Scout ‘tong kasama natin o!” SI Dexter ang tinutukoy nito.

            “Manalo, matalo, cute pa rin kami!” sigaw ni Lovelyn habang abala sa tent. “Come on, manalo, matalo, cute pa rin kami!”

Iyon nga siguro ang purpose ng team building—to bring you closer.

Effective nga. Kasi kahit anong pilit na iwas ni Jade kay Dexter, pinaglalapit pa rin sila ng lubid sa Tug-of-War, Pass the Message (yung magbubulong yung team leader ng secret message kay Jade tapos ibubulong kay Dexter tapos ibubulong sa katabing member hanggang makaabot sa dulo) at iba pang activities. Bawal ang kiyeme-kiyeme dahil baka sisihin pa siya ng team pag natalo dahil sa pag-iinarte niya.

At habang kumakain sila ni Lovelyn, naisip niya—bakit nga ba niya dadramahan si Dexter? E naka-moved on na rin naman siya, tulad ng ex niya. Ang pathetic niya tignan kung may paiwas-iwas pa siyang nalalaman.

            “Keep it cool, Jade. Keep it cool,” bulong niya sa sarili.

            “Jade, are you okay?” tanong ni Dexter.

Kanina pa pala tumutulo yung ketchup sa kanin sa platong hawak niya. Kung anu-ano kasi iniisip.

            “KASALANAN MO ‘TO E,” sabi agad ni Jade. Natigilan sila pareho.

            “A-ako? B-bakit ako?” tanong ni Dexter.

            “Ah e…Kasi….” Bigla na lang ipinahid ni Jade ang daliri sa nasayang na ketchup, pinitik hanggang tumalsik ito kay Dexter. Kumuha rin si Dexter nang ketchup at ipinahid iyon sa mukha ni Jade.

            “Ma’am ser,” tawag ni Lovelyn. “Pag tayo nagka-ketchup shortage, dugo niyo po gagamitin namin. Sige kayo.”

---

Malamig ang gabing iyon sa Mt. Makiling.

Maliwanag ang kalangitan dahil sa mga bituin, ganoon din sa lupa dahil sa sinag ng bonfire. Nagtipon-tipon ang lahat ng teams; nagpasiklaban sa mga chants at payabangan sa kanilang mga teams. Tapos, kumanta ng masaya’t magiliw, kadalasang mga kantang kinakanta sa camping.

            “Ging gang gooly gooly gooly watcha ging gang goo. Ging gang goo…”

            “If we hold on together. I know our dreams will never dieeee~”

Pagkatapos ng kuwentuhan at tawanan, bumalik na rin ang lahat sa kani-kanilang kampo.

Kasama ni Jade sa tent si Lovelyn. Magkasama naman si Tatay Montano, Dexter at Sir Rocky; si Ma’am Lydia at Angela.

Noong gabing iyon, hindi makatulog si Jade dahil sa mga ritwales ni Lovelyn.

Una, mag-selfie kasama siya. Sunod, pagkatagal-tagal na “Goodnight be” sa kanyang beybeh. Tapos, ininterview pa siya nito kung ano kayang mga susunod na isusulat niyang kuwento. Sa huli, nakatulog si Lovelyn at siya, hindi pa.

Ganoon pala kasakit maiwan. 

Kung Magkikita Tayong MuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon