Ikatlo| Tadhana ayon kay Top

551 15 1
                                    

        “Bye papa…” maluha-luhang sabi ni Tasha nang yakapin siya ni Papa. “Mami-miss po kita. Lagi naman kitang nami-miss.”

Masyado pang maaga para malungkot, pero wala silang magagawa. OFW  (Electrical Engineer sa barko) ang kanyang ama na kailangang iwan ang Pilipinas para bumalik sa trabaho. Malungkot ang magpaalam; pero wala nang mas lulungkot pa kay Tasha na hindi makakasama sa paghatid kay papa sa airport dahil unang linggo ng training bilang bagong guro sa Rainbow Minds. Alas siete nang makaalis sa bahay sina mama at papa at ang lima niyang kapatid. 

Sabik na siya sa unang araw ng training at pakiramdam niya’y mas maganda pa siya sa umaga dahil sa uma-‘aura’ siya sa suot niyang peach blouse, black pencil cut skirt, black wedges. Feel na feel niya rin ang pag-wave ng kanyang long, curly hair sa tuwing iihip ang hangin.

Mula sa gate ng BlueRidge ay sumakay siya ng jeep na nagdala sa kanya sa Salawag. Tapos ay sumakay ulit siya sa tricycle papuntang Salitran. Sa Salitran road ay nakipagsiksikan sa jeep papuntang Anabu Imus. Pagbaba ng Imus ay naglakad siya papuntang terminal ng tricycle, na siyang magdadala sa kanya sa Rainbow Minds.

Pero bago pa man siya makapunta sa tricycle ay gulo na ang buhok niya dahil sa blower effect ng hangin habang nasa jeep; burado na ang pulbo dahil sa usok at mukhang stressed na agad kahit hindi pa nag-uumpisa ang training. Doon lang niya napagtanto kung gaano kalayo ang bahay niya sa unang paaralang pinasukan niya. Bukod sa magastos nga talaga sa pamasahe pag nag-commute ay nakaka-haggard pa.

Pero ang pinaka-nakakaurat para sa kanya ay ang makita ni crush na nasa gano’ng itsura siya.

Sa peripheral vision niya ay bahagyang bumagal ang pagtakbo ng itim na sasakyan sa gilid ng kanyang nilalakaran.

            “Miss Natasha”, sabi ng driver. Napalingon siya para malamang si Sir Kevin pala ito. “Sabay na tayo.”

 

Totoo ba ito? Na ang poging poging si Sir Kevin ang kasabay ko pagpasok sa umaga? Tapos bukas makalawa sabay na kaming mag-lunch? Tapos ihahatid niya ko pauwi? Tapos…tapos..

          

          “Miss Natasha...” sabi ulit ni Sir Kevin, ang tono nito ay mas mataas, hudyat para bumalik na siya sa realidad at sumakay dito.

Tipid siyang ngumiti nang makasakay sa kotse. “Good morning, sir.”

            “Good morning”, nakangiting tugon ni Sir. Sa isang iglap, nagunita ni Tasha ang unang pagkakataong nakita niya ito sa bookstore. Pati ang boses nito sa tuwing babati sa mga customer sa restaurant. Na-miss niya ang sinseridad ng mga mata nito.

Napa-buntung hininga na lang siya nang maalala ang sinabi ni Top “Sabi ko sa ‘yo, lahat ng nangyayari itinadhana. Destiny.” 

Kapag nangyari na ang mga bagay na hindi mo pinag-isipan o kinontrol, malamang tadhana na nga ang kumilos para mangyari ang mga bagay na hindi mo inaasahan. 

---

CHICHAY: Team Kevin o Team Top? :) Abangan. 

Kung Magkikita Tayong MuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon