Ikalawa| Today Is Going To Be Super

847 14 1
                                    

Sabado—ang “bukas” na hinihintay niya.

Suot ni Jade ang pulang chiffon dress, para babaeng-babae ang dating. “According to studies, men like women in red.” Nag-lip gloss para kissable lips. Kinuha ang satchel at umalis.

 9: 00 am. Nakaupo si Dexter sa waiting shed ng Suncrest. Panay ang pag-ayos sa brush-up na hairstyle. Panay ang pag-unat ng polo-shirt. “Tama ba talagang blue ang sinuot ko?” naka-ilang tanong na niya sa sarili. Sabi kasi ni ate Diana, mainam daw isuot ang blue sa job interview. Magbibigay daw ito ng impression na mapagkakatiwalaan at loyal ka. Sabi rin ni Michelle, mas attractive daw ang lalaking nakasuot ng blue kasi parang pormal at pang-long term relationship. Eh anak ng tinapa, blue na nga ang polo shirt niya, blue na ang relo, blue ang panyo, blue rin ang pera sa wallet –hindi naman siya sinipot nito sa date.

Pero binigyan niya ng isa pang pagkakataon ang asul—para kay Jade.

                   “Hi Dexter,” malanding bati sa kanya ng babaeng sa palagay niya ay residente ng Suncrest. Ngumiti naman siya. Maya-maya’y dumaan sa shed ang baklang nakita niya sa bar no’ng nakaraang gabi. Bumati rin ito, nag-flying kiss pa. Natawa siya nang dumaan ulit ang bakla, kasama na ang mga kumare nito. May magkasintahang napadaan sa shed, napalingon sa kanya ang girlfriend.

            “Single nga ako, sa ‘kin naman nakatingin girlfriend mo. Pogi ko talaga,” biro niya sa sarili.

            “Pare,” bati ng ka-tropa niya. “Ang aga mong pumorma ah. Anong ginagawa mo dito?”

            “May hinihintay lang. “

            “Sino? Ay di bale na nga, inutusan akong mamalengke. Birthday ng erpat ko ngayon. Shot tayo ah.”

            “Sige sige,” sabi nito habang pahabol na tinapik ang balikat ng tropa.

 9:31 na.

        “Dexter,” tawag sa kanya ni Jade habang naglalakad sa bandang kanan. Parang diwata ito kung maglakad, parang hindi sumasayad ang paa sa lupa. May gano’n ba? Hindi sapat ang salitang ‘maganda’ para ilarawan ito. Nakangiti si Jade habang naglalakad palapit sa kanya; umihip ang hangin at nag-wave ang buhok nito. Kasabay noon ay huminto ang jeep na tumutugtog ng “Sa iyong ngiti ako’y nahuhumaling…At sa tuwing ikaw ay gagalaw ang mundo ko’y tumitigil para lang sa ‘yo…Ang awit ng aking puso, sana’y mapansin mo rin ang lihim kong pagtingiiiiiiiiin….”

            “H-hello…,”nauutal na bati ni Dexter.

            “Kanina ka pa ba naghihintay?” tanong ni Jade.

            “Sakto lang.”

            “SALAWAG! SALAWAG! Kasya pa lima,” biglang sigaw ng driver.

Agad na sumakay ang dalawa, nakakatakot kasi yung driver. Parang nananambang kapag di mo sinakyan.

            “Bayad po,” sabi ni Dexter. “Dalawang Salawag—isang gwapo, isang maganda.”

------

Muling nasilayan ni Jade ang monumento ni St. John Baptist de La Salle  sa Rotonda. Mahigit isang taon na silang di nagkikita.

            “May tanong ako,” ani Dexter habang naglalakad sila at si Jade naman ay nakatingala pa rin kay St. La Salle “Ano bang kaibahan ng Lasalyano sa Lasalista? Parehas lang naman di ba?”

            “Parehas lang naman silang nag-aaral sa La Salle,” tugon niya. “Kaya lang, ang Lasalista daw, puro porma. Yun bang pumapasok ka lang para makipag-sosyalan. Pero kapag Lasalyano ka, ibig sabihin, isinapuso, isinaisip at isinagawa mo ang lahat ng natutunan mo sa unibersidad.”

Kung Magkikita Tayong MuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon