Ikalima| Meron Ng Iba

383 9 0
                                    

Pagkatapos ng klase ay dumiretso si Jade sa bagong bukas na bookstore na pag-aari ni Max sa Robinson’s. Automatic na hinalikan siya nito sa noo nang magkita sila. Magkasabay pa silang nagsabi ng “how’s your day?” Naupo sila sa lounge area sa gitna ng cozy na bookstore.

Iniabot ni Jade ang dalawang milkshake na binili niya sa Happy Beans, na bagong branch rin ni Sir Kevin Barcelo sa Robinson’s. “So, how’s your day?” tanong ni Max pagka-inom sa milkshake.

            “Sakto lang. I mean, nothing’s worth sharing,” matamlay na sagot ni Jade.

            “There is. I’ll listen. For you, I’ll listen,” sabi nito

            “Nakakapagod.”

Tumango naman si Max, ang mga mata’y nagsasabi ng “Oh, I see.” Tahimik lang si Jade. “So, kumusta naman ang paglilipat niyo? I mean, kumusta ang…”

            “Ah yes. Doon nga kami sa building ng Computer Studies. And of all rooms—“ napabuga si Jade bago sabihing “—doon nga kami sa Computer Technology department nilagay.”

            “Don’t tell me, nandoon si…”

            “Unfortunately, nandoon siya. Don’t worry, pansamantala lang iyon,” saad ni Jade.

            “Pansamantagalan.” Iiling-iling si Max.

            “I don’t know. I don’t care. Wala namang dapat problemahin di ba?”

            “Wala nga…Pero, hindi mo nga ba talaga pinoproblema?” malambing na tanong ni Max.

            “Excuse me,” sabi ni Jade kasabay ng pag-irap. “Ang pogi kaya ng boyfriend ko! Ano ka ba, mahal kita.” 

Saglit silang nagtawanan, tapos tahimik na uminom ng milkshake. “So, when will be your Team Building? July 5 na ba talaga?” tanong ni Max.

            “Oo. Sa Mt. Makiling.”

            “So that means, you won’t make it in my birthday?”

            “Unfortunately.”

            “That’s okay. We can have a special celebration of it naman. Yung tayo lang. Speaking of Mt. Makiling, hindi ka na nga ba talaga takot? Baka mamaya ma-engkanto ka na naman,” pang-aasar ni Max.

            Kinurot niya ito sa braso. “Grabe ka. Year 2004 pa yon! It’s been 10 years. Hindi na ko takot ‘no. At  kung takot man, sabi nga face your fears.”

            “Sige, i-push mo.”

            “Wow ha. At kelan ka pa natutong mag-push push na yan?” nakapamewang niyang tanong.

            “Blame Michelle. Nahahawa ako sa mga salita niya,” natatawang sagot nito, pero natigilan si Jade. “I kind of miss that girl. Ang tagal na naming di nagkuwentuhan, I don’t know why and how it happened—siguro we’ve been just really busy with our lives. Well, look at her now. Pero what’s surprsing is—she’s still the Michelle I knew. Pareho nga kayo e. Yung tipong, you know she likes you when she smiled at you. Pag napatawa mo yung babaeng iyon, close na kayo.”

Kaya siguro minahal ni Dexter si Michelle. Kasi nga parehas sila. Parehas ring nang-iwan, pero si Michelle ang bumalik. Bigla na namang sumikip ang utak niya sa nagrarambulang mga bagay na lahat naman ay patungkol kay Dexter.

            “Hi, kuya Max,” bati ni Michelle habang palapit sa kinauupuan nila. Nagbeso ito sa pinsan nang magharap sila. Nagkamayan naman si Max at Dexter.

            “O, welcome back,” sabi ni Max.

            “Well, sabi ko naman babalik ako. Nagtingin-tingin lang ako ng novels at bumili na rin ng isa—you  know, just to squeeze my creative juices.”

Ang mag-pinsan, nakalimutan yatang mag-ex ang dalawa. Nagkangitian lang si Dexter at Jade. Hindi naman alam ng huli ang gagawin. Makikitawa rin ba o uupo o aalis. Mabuti na lang nag-vibrate ang cellphone niya’t tumawag si Jennifer. “Daan ka naman sa bahay. Miss na kita e,” sabi nito. 

Kaya’t nagpaalam si Jade kay Max at nagmadaling lumakad palayo sa tatlo. Napabuntung-hininga siya nang makasakay ng kotse. 

Kung Magkikita Tayong MuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon