Una| Christopher Avelino

1.6K 30 1
                                    

 "Christopher Avelino," sabi kanina ng prof  nang isa-isa nitong tinawag ang mga pangalan ng estudyante sa listahan.

Itinaas niya ang kamay nang matawag siya.

            Siya si Christopher Avelino, 18 years old, tubong Laguna. Ngayong nasa La Salle Dasma siya, pakiramdam niya'y malaya na siya.


Noon kasi, simula elementary hanggang college—kilalang-kilala siya dahil sa kanyang kuya. Binansagang 'Math Wizard' ang kuya Carlo niya. Elementary at highschool, lagi itong pambato sa competition at naging Valedictorian. Samantalang siya, proud na siya sa "Most Punctual" nung elementary at "Player of The Year" tuwing Intrams nung Highschool.

Tuwing pasukan, ganito lagi ang senaryo:

            Teacher: Christopher Avelino? Wait—Avelino? Are you related to Carlo Avelino?

            Christopher: Yes ma'am.

            Teacher: Wow! Class, ang kuya niya ay ang "Math Wizard" ng school na ito. Sumikat tayo mula nang manalo siya sa mga competition. Pambato si Carlo Avelino, simula Elementary to highschool. Cum Laude rin sa UP. At ngayon, balita ko pinagpapatuloy ni Carlo ang pagdu-duktor. He brought pride and fame to this school.....


At sa araw na iyon, kailangan na naman niyang patunayan ang sarili—na magaling din siya tulad ni kuya Carlo. Magaling din siya tulad ng inaasahan ng mga taong nasa paligid niya. Pero sa huli, pakiramdam niya'y kulang iyon.

Kahit ang daddy niya ay tila hindi napapansin ang kanyang pagsusumikap.

            "Lumaki ka kasi sa pag-aartista. Wala ka ng inatupag kundi magpa-pogi, audition, commercial. Kaya tinatamad ka ng mag-aral. Tignan mo yung kuya mo..."

Noong bata siya, kinagigiliwan si Christopher ng lahat dahil bibo at gwapo. At ewan sa nanay niya, bigla na lang siyang binitbit sa audition. Sunod noon ay napapanood na niya ang sarili sa tv—sa commercial ng juice, ice cream, restaurant at toothpaste, food supplement. Noong highschool ay dumalang na siya sa paglabas dahil sa madalas na pagtatalo ng mommy at daddy niya. Gusto ni mommy na pag-artistahin siya dahil sayang daw ang talent at itsura; gusto naman ni daddy na maging propesyonal siya.

            "Di ba ikaw yung nasa commercial?" tanong sa kanya ng kaklase. At sa paglipas ng mga buwan ay maririnig niyang "...di naman pala magaling si Top.Magaling lang umarte, pero di magaling sa klase." Sarap pektusan.

            "Bakit ba pinagkukumpara kami ni kuya Carlo, mommy?" minsang tanong ni Top. "Una, hindi naman kami kambal.. at kahit kambal may pagkakaiba rin. At mas pogi ako kay kuya Carlo!"

            "Hayaan mo na, Top. At least, maganda ang impression sa 'yo."

            "E ang hirap na nga pong mag-aral, ang taas pa ng expectation sa 'kin ng tao. Nakakasawa nang patunayan ang sarili ko."


Hanggang sa isang araw, nagulantang ang lahat nang masawi si kuya Carlo sa bus accident. At siguro, sa palagay niya—sa kanya ibinuhos ni papa ang mga gumuhong pangarap nito para sa panganay na anak. Nagtapos si kuya Carlo sa kursong BS Bio, at noong panahong iyon ay pinagpapatuloy nito ang pagdo-doktor.

            "Wala nang pero-pero. Mag-BS Bio ka, Applied Physics, o kahit anong pre-med courses. Kakayanin mo," sabi ni daddy.

At nang mag-kolehiyo ay sumang-ayon siya, pero wala sa kursong iyon ang puso niya. "Ma, gusto kong kumanta, sumayaw, umarte at ngumiti sa kamera. Hindi ko trip mag-doktor. Araw-araw dumudugo yung ulo ko kakaisip. Gusto ko ng mag-shift."

At nagising siya isang umaga, naalala ang sinabi ni kuya Carlo: Kung kaya mong gawin ngayon, gawin mo na—kasi baka wala ng oras para gawin mo yun bukas. At masaklap, baka wala ng 'bukas'.

Kaya kahit labag sa kalooban ng ama, lumipat si Top sa La Salle Dasma—gusto niyang mahiwalay muna sa bahay; kursong MassCom. Kasama niya sa inuupahang bahay si Ate Carmina, na nagtuturo sa Alabang.

            "O sige, una na kami, Natasha," sabi ni mommy.

Natasha pala ang pangalan.

            "Nak," sabi ulit ni mommy nang makalayo sila. "Di ba siya yung crush mo no'ng highschool?"

            "Hindi naman, mommy!" natatawang sagot niya. "Ikaw talaga, ang hilig gumawa ng loveteam."

Ang totoo niyan, hindi ito ang unang beses na nakita niya si Natasha. Noong highschool, nakita niya ito sa chess competition. Contributor sa Sports section sa schoolpaper at photojournalist si Top, at chess player naman si Natasha. Natatandaan niyang ipinokus niya ang lente ng camera sa babaeng naglalaro ng chess, hawak nito ang reyna—ang pinakamalakas nitong piyesa. Ang mga mata nito ay determinado—handang manalo laban sa katunggali at limitadong oras.

Nanalo siya ng medalya at limang libo sa photo contest dahil sa larawang iyon.


At ngayon—magkapitbahay sila. Ilang araw pa ang lumipas, madalas ay nakikita niya si Natasha na abala. Alas unang madaling araw ay bukas pa rin ang ilaw nito. Tuwing weekend naman, nagjo-jogging ito kasama ang apat na kapatid. Minsan ay nahuli siya nitong nakatingin, pero umiiwas naman. Minsan rin ay natatanaw niya si Natasha na nagninilay-nilay sa rooftop, sumasagap ng malamig at sariwang hangin. Gusto niyang kumaway, makipag-kaibigan...pero di bale na lang. 

Kung Magkikita Tayong MuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon