Ikaapat| Minatamis na Paalam

467 17 5
                                    

            “Of all places, dito pa tayo nagkita.” Binasag ni Hugo ang katahimikan.

Tahimik lang si Destiny, nag-iipon ng lakas ng loob. Ayaw niyang umiyak sa harap nito habang nagsasalita. Ayaw niyang magmukhang mahina. Kaya huminga siya ng malalim para bumwelo. Marami siyang gustong malaman, tanungin, sabihin. Ano ang uunahin?

Ngumisi muna si Destiny. “Oo nga e. Of all faces in this majestic place, ikaw pa talaga ang nakita ko no? Nakikita mo ba yung bulkang iyon? Ang sarap mong ihagis don.” Hindi naman sumagot si Hugo. “Anak mo ba ang batang yon?” tanong ni Destiny.

Tumango ito, iwas ang tingin sa kanya.

            “Paano nangyari?”

Tumingin ito sa kanya. “Destiny, two years ago, nang nagkakalabuan tayo, nagkita kami ng ex ko…”

            “Ex mo yung babae kanina?”

       “O-oo. Si Minda. Nagkita kami, ilang beses kaming nagkita. Pero wala kaming relasyon…”

            “So malandi ka lang talaga?”

            “Hindi ko sinasadyang….”

            “Alin ang hindi mo sinasadya?”, tanong niya. Tinaas niya ang boses, tumingin ng salubong ang kilay. “Hindi mo sinasadyang sikretong makipagkita sa kanya? Hindi mo sinasadyang makipagtalik at mabuntis siya? Hindi mo sinasadyang alukin ako ng kasal at iwan sa simbahan? Hindi mo sinasadyang lokohin ako sa umpisa pa lang? P*TANGIN*MO.”

            “Mahal kita Destiny, alam mo ‘yun,” sabi ni Hugo. “Isang linggo bago ang kasal natin, sinabi niyang anak ko ‘yun…”

            “Oo, kamukhang kamukha mo e.”

            “Ayokong masaktan ka kaya hindi ko kaagad sinabi na—“

            “Kaya pinaabot mo pa sa araw ng kasal? Kaya hinintay mo pa talagang makarating ako sa altar, at nang tinanong ka ng pari, pinaasa mo kaming lahat sa “I do” mo? Tapos tsaka ka bumulong ng sorry at tumakbo? Sa tingin mo…hindi ako nasasaktan ngayon?

Akmang aabutin ni Hugo ang kamay niya pero agad na itinaas ito ni Destiny para isampal sa kanya. Sinampal ng malutong, kasinglakas ng hagulgol niya nang tumakbo ito palabas ng simbahan. “Kulang pa yan Hugo. Gusto kitang balatan ng buhay. Pag-uwi ko, ipagsisindi kita ng kandila. Tandaan mo yan.”

            “Sa lahat ng kasinungalingang ginawa ko, etong nararamdaman ko sa ‘yo, totoo. Mahal kita—kagaya ng lagi kong sinasabi sa ‘yo. Pero kailangan ako ng anak ko. Kailangan kong gawin ang tama. Kailangan mo ring maging malaya.”

            “Gago. Anong alam mo sa pagmamahal?” singhal ni Destiny. “Kung meron mang nagmahal sa ‘ting dalawa, ako yun, Hugo. Ako lang. Hindi ko pinakinggan ang pamilya ko. Hindi ko pinansin ang mga kaibigan ko sa mga sinasabi nila laban sa ‘yo. Sinunod ko lang ang puso ko. Binigay ko lahat, Hugo—lahat, kahit anong hilingin mo. Oo, paulit-ulit mong sinasabing mahal mo ko, pero totoo ba ‘yun? Sana sinabi mo na lang ang totoo. Masakit pero totoo.”  Nangilid ang mga luha, pero agad niyang pinunasan. Lumapit si Hugo para yakapin siya pero agad niyang tinulak ito.  Humakbang si Destiny palayo, sabay talikod. Sa pagkakataong yon, huminga siya ng malalim, umasang sa oras na lumakad siya palayo hanggang sa hindi na siya matanaw ni Hugo ay tuluyan nang hindi magkrus ang landas nila. Dahil kung sakaling hindi siya makaka-move on ay uutusan niya si Kevin na ipako sa krus ang lalaking iyon.  

            “Destiny!”

Natigilan siya.

           

         “Destiny, hindi ko na aasahang mapatawad mo ko. Pero sana…sana mula sa araw na ‘to, maging masaya ka,” sabi ni Hugo. “Kung minahal kita, siguradong may darating uli na magmamahal sa ‘yo.”

 ---

chichay: Hello! Nakakakilig lang dahil kaka-upload ko lang ay may reads na siya. Kung sino ka mang nagbabasa agad-agad ng mga updates ko, salamat. Puwede kang mag-comment sa baba o magsabi man lang ng "Hi!" para lang malaman ko kung sino ka talaga. Oo, ikaw-- na nagbabasa nito. 

Kung Magkikita Tayong MuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon