Ikalawa| Forget and...Forget

537 15 0
                                    

Nagising si Jade sa patuloy na pag-vibrate ng cellphone sa kama. Tumatawag si Dexter, hindi niya sinagot. 10 missed calls. Sabog din ang inbox niya, puro galing kay Dexter ang mga mensahe.

            GDMRNING –7 am.

            Good morning! <3  –7:30 am.

            Good morniiiiiiiiinnnggg! JJ  –8:15 am.

            Gising ka na? –9:00

            Jade, galit ka ba?—10:02

            Magpapaliwanag ako. Wag ka nmng gnyan.—10:23

Tapos panay ang send ng love quotes at kapatawaran. Hanggang hapon tumawag, hindi niya sinasagot.

Sinaway niya ang kamay na tila gustong  hawakan ang cellphone.  Nababahala siya sa posibleng mangyari sa oras na sagutin niya iyon. Natatakot siyang baka hindi niya makontrol ang sarili at puso na lang ang manaig. 

“Divert your interest, Jade. Focus. Hindi ka puwedeng magmahal sa maling tao. Masasaktan ka lang.”

Kinagabihan ay may tumawag:  Starbooks Publishing. “Jade,” sabi ng publisher. “I’ve got good news for you.”

        Dec. 17—           Sinong Kasama Mo & Wag Mo Kong Iwan BookSigning

                                  SM Manila

        Dec. 18—           JadedPen: Talk with Jade Rizal

                                   De La Salle Dasma

        Dec. 19—   10 am Writers’ Den ; Presscon 

                           PUP Sta. Mesa

                           2  pm StarBook Publishing Book Signing Event, SM Megamall

      Dec. 22—          Meeting with Star Cinema  (Isasapelikula na ang Sinong Kasama Mo! Ohyes! J )

      Dec. 23—          BookSigning ,SM Dasmarinas

Nasakal ang ballpen sa sobrang higpit ng paghawak niya dito habang nagsusulat sa planner, sa sobrang kilig dahil unti-unting gumaganda ang kanyang career. Unti-unting lumilinaw ang larawan ng kanyang hinaharap. Mukhang tadhana na ang gumagawa ng paraan para makalimutan (at makaiwas) siya kay…


                “Ano po yung maipapayo niyo sa mga aspiring writers na katulad namin?”  tanong sa kanya ng isang estudyanteng dumalo sa huling booksigning event para sa pagtatapos ng taong 2007 na ginanap sa SM Dasmarinas.

            “Magandang tanong yan,” agad na tugon ni Jade. “First and foremost, dapat ay kung gaano mo kagustong maging writer ay ganoon mo rin kagustong magsulat.  Write a word until you make a sentence. Write a sentence until you make a paragraph. Write a paragraph until you make a chapter. Write a chapter until you finish the book. Ikalawa: tapusin ang iyong nasimulan. Ang problema sa ‘tin kung hindi writer’s block ay yung nag-uumapaw ang ideas. Minsan sa kalagitnaan ng pagsulat natin para sa isang libro, biglang may bagong kwento tayong maiisip. Sa una, sasabihin mong “Mas astig yun,” kaya iiwan mo ang ginagawa mo at magsisimula ng panibago. Hanggang sa mauubusan ka ng ideas, maiinip at may maisip ka na namang bagong storyline at wala ka ng matapos. Focus with what you are doing. Accomplish one dream at a time. Walang matinong publisher ang maglilimbag ng kwentong hindi tapos.  Pangatlo,  just write. Magsulat lang. Magsulat ka ng naayon sa kagustuhan mo, hindi sa magiging opinion ng iba. Papaano ka makaaasang mamahalin nila ang libro mo, kung ikaw mismo tinatamad na basahin ulit ang iyong sinulat? Magsulat ka ng may buong pagmamahal. Hayaan mo na ang iba—dahil kahit anong gawin mo, you can’t please everybody. So, why worry now? Just satisfy yourself.”

            “Salamat po. Last na po ito, Miss Jade. Totoo po bang masarap magmahal ang isang writer?” tanong nito.

        “Oo, masarap magmahal ang isang writer. Makikita ang puso ng isang manunulat sa librong sinulat nito. Ibinubuhos ng isang manunulat ang lahat ng kanyang makakaya para lang mapasaya ang mga mambabasang tumangkilik sa libro niya sa dinami-daming aklat sa istante. Tamang timplang salita, malikhaing imahinasyon—lahat iaalay niya. Tanggap niya ang pagkakaiba ng mga tao sa parehong paraang alam niyang ang personalidad ng mga tauhan ay iba-iba depende sa kanyang paghulma. Marunong siyang makinig—sumasang-ayon man o hindi, makikinig siya, sa parehong paraang siya ang gumagawa ng iba’t ibang pag-iisip ng mga karakter. Nakikita niya ang bawat anggulo ng pangyayari. Masarap magmahal ang isang manunulat. Dahil kapag sinabi niyang ‘Mahal kita’, totoo iyon.” 

Determinado niyang sinagot iyon—sa isip. Hindi niya kayang sabihin iyon sa harap ng mga taong naniniwala sa kanya. Isa siyang manunulat na hindi pa nagmamahal. At kung sakaling magmamahal na siya, iaalay niya iyon sa tamang tao, sa tamang pagkakataon. Dahil ang isang manunulat kapag nagmahal ay wala ng bawian.

            “Malalaman po natin sa pangatlo kong libro. Abangan niyo po ang una kong love story,” sagot niya.  Pagkatapos ng open forum ay pumila na ang kanyang mga mambabasa para papirmahan ang kanilang kopya. Para sa isang taga-tangkilik, mas tumataas ang kalidad at halaga ng libro kung pinirmahan ito (na may dedication note pa) ng mismong awtor. Nagpa-picture pa ang iba.

Abala man sa pagpirma, ramdam ni Jade na unti-unti na ring nag-aalisan ang mga tao sa event center; malamang ay iilan na lang rin ang nakapilang kopya na kailangang pirmahan.

            “Salamat po,” sabi ng mambabasa. Mula sa kanyang kinauupuan ay tumingala siya dito para ngumiti. Nang makaalis ito ay nasurpresa siya sa sunod na taong naka-pila. Si Dexter.

            “M-magpapautograph,” nauutal pa nitong sabi, sabay kamot sa ulo; bakas ang pagka-ilang.

Kung Magkikita Tayong MuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon