Una| LQ

859 16 2
                                    

        “Ano ba talagang ikinakatampo mo kay Top? Yung wala siyang oras, yung fans, o dahil kay Misty? O baka may professional jealousy na issue pa?” nakapamewang na tanong sa kaniya ni Jackie. Sabado, pagkatapos ng klase ay dumiretso sila sa SM Dasma para mag-unwind. Binuhos niya ang saloobin kina Ellen at Jackie.

            “Alam mo, Tash, ‘change is inevitable’, kaya dapat tanggapin mo ‘yun,” payo ni Ellen habang pababa sila sa escalator. “May mga bagay na magbabago na hindi mo mako-kontrol—tulad ng buhay ni Top. Di ba gusto mo rin siyang maging masaya? Bukod sa pogi na, sikat pa. Maraming humahanga sa kanya. Hindi ka ba proud?”

Bago pa si Tasha makasagot ay naunang magtilian ang mga tao sa Ground floor. At natuon siya sa pinagkakaguluhan ng mga ito—si Top.

            “Album signing pala ni Top ngayon…” pahayag ni Ellen.

Hinila siya ni Jackie.“Puntahan natin.”

Umiling siya. “Wag na. Nagugutom ako e.”

Nagtungo sila sa Home-Sweet-Home. Umorder lang sila ng carbonara at iced tea. Nagku-kwento si Tasha, pero parang busy sa kakatext si Ellen at lumilipad ang isip ni Jackie. Nanahimik na lang siya sa pagkain. Sa paglilibot ng kanyang paningin sa resto ay nakita niya ang estrangherong ‘espesyal’ sa kanya—si ‘kras’.

Kaya pala sa tuwing bumibili siya sa National bookstore ay hindi na niya ito nakikita. Kung noon ay nag-aayos ito ng libro, ngayon ay nagliligpit na ng pinagkainan ng mga customers. Saglit niyang nakalimutan ang stress sa lovelife habang pinagmamasdan si kras.

            “Tasha.” Napahigpit ang hawak ni Tasha sa tinidor nang marinig ang boses na iyon mula sa kanyang likuran. Pinandilatan niya si Ellen na nakaupo sa harap niya.

            “Tinext ko siya na nandito tayo,” kaswal na sinabi ni Ellen. “Una na kami ni Jackie. Ba-bye!”

Agad tumayo si Jackie. “Top, ikaw na bahala ah.”

Nang mawala sa paningin niya ang dalawa ay agad niyang binitbit ang bag. Tumayo siya, akmang aalis, pero hinawakan ni Top ang kanyang k amay. “Tasha naman. Usap tayo, please?”

            “Dun ka na sa kanila,” nakasimangot niyang tugon.  

            “Kanino?” tanong ni Top. “Usap nga muna tayo.” Pinaupo siya ni Top, umupo rin ito sa harap niya. “Ang hirap kayang pumunta dito—nag Ninja moves pa ko para lang walang makakita sa ‘kin. Buti nga wala masyadong tao sa resto na to…”

            “Sinabi ko bang pumunta ka? Kasalanan ko pa?”

            “Hindi naman. Pero nagpumilit akong makapunta dito, para makasama ka,” malambing na sabi ni Top. “Na-miss kita.”

Pinigilan ni Tasha ngumiti. Pinagkrus ang braso sabay irap. “Hay nako Christopher, akala mo madadaan mo ko sa ganyan. Doon ka na sa mga babae mo. Magsama kayo ni Misty.”

Ginagap ni Top ang kamay niya. “Tasha, hindi porket sinabing ‘Share your blessings’, ipamimigay mo na rin ako. Pag sinabi kong iyo lang ako, iyo lang ako. Ayaw kong may kaagaw ka at ayokong pinagtutulakan mo ‘ko sa iba. Alam mo namang mas mahal kita di ba?”

Bumuntung-hininga siya. “Papaano namang hindi ako maapektuhan? Nabasa ko sa diyaryo, magkakasama daw kayo ni Misty sa isang teleserye. Nabasa ko sa magazine, ‘childhood sweethearts’ kayo. Napanood ko sa tv, may fan na biglang umakyat ng stage habang kumakanta ka at hinalikan ka sa lips!”

            “Gusto mo i-kiss kita ngayon? Pikit ka dali.”

            “Hindi ako nakikipagbiruan. Hindi pa tayo bati ‘no.”

            “Hindi rin ako nakikipagbiruan. Hahalikan talaga kita.”

            “Ewan ko sa yo,” galit na sabi niya.

            “Sorry na. Sorry kung hindi ako nakapunta sa inyo nung birthday mo. Sorry kung nakaka-sampung missed call ka. Pag tumatawag naman ako, busy ka rin. Sorry na,” nagsusumamong sabi nito. “Tsaka, gusto kong malaman mo na kahit hindi tayo magkasama o magkausap, ikaw pa rin ang nasa isip ko bago ‘ko matulog. Para akong yoyo—kahit itapon mo, babalik at babalik pa rin sa ‘yo. Sorry na kasi.”

Sa halip na sumagot ay inirolyo niya ang tinidor sa carbonara at itinapat iyon sa bibig nito.

            “Ano?” tanong ni Top.

            “Sinusubuan kita. Kain.”

Tumalima naman si Top. “So, bati na tayo?” 

Kung Magkikita Tayong MuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon