Ikalima| Lovers in Mt. Makiling

412 10 0
                                    

Naalimpungatan si Jade sa ingay ng bulungan ng mga taong animo’y nakapaligid sa kaniya.

            “Bagay din sila no? HAHAHAHA”  

            “Gisingin niyo na ang dalawang iyan.”

            “Picture-an mo muna."

Pagdilat ng kanyang mga mata, mga mukhang nakangiti ang bumulaga sa kanya. Sa kanyang tabi, himbing na himbing pa rin sa pagtulog si Dexter. Siniko niya nang malakas sabay “Dexter, gising!”

            “So, how does it feel to sleep together, under the star-studded sky?” pang-aasar ni Lovelyn.

Magmula nang araw na ‘yon, tinutukso sila ni Lovelyn ng “Lovers in Mt. Makiling.”

Mula nung umagang naghahanap sila ng pang-gatong, hanggang sa manmade obstacles, hanggang sa pag-akyat nila ng bundok. Tinatawanan lang ito ni Dexter—mukhang di apektado. Kaya sinakyan na lang din ni Jade.

Katatapos lang mamangha ni Jade sa view sa tuktok ng bundok.

Pababa na sila para umuwi nang magbiro si Lovelyn. “Kaya pala nung una, parang familiar po kayo,” sabi nito. Natigilan si Jade, habang sige lang sa paglakad ang iba, kasama si Dexter. “Nakita ko na pala kayo dati.”

            “Book signing, perhaps?”

            “Hindi. Sa planner ni Sir Dexter. Last year, basta nakita kong nakaipit yung picture mo sa planner niya,” kuwento ni Lovelyn. “Pero that time, iba po ang girlfriend niya. Kaya, ayun, medyo nalilito ako. Pero gets ko na.”

            “Gets mo na ano?”

            “Na-ex mo si Sir Dexter,” tugon ni Lovelyn, sabay lakad ulit hanggang malampasan ni Jade sa kinatatayuan nito. “In fairness, may spark pa rin.”

Hinabol niya si Lovelyn. “I don’t want to hear you making fun of us ha. No more jokes about this.”

            “Okay po.”

Katahimikan, pero tuloy pa rin sila sa paglakad.

Kapit sa mga puno, tapak sa bato. Kailangang alerto dahil baka madulas at dumausdos pababa sa maling hakbang.

        “Ma’am Jade. Kapag naging magkaibigan ang mag-ex, dalawang bagay lang ‘yan. Puwedeng naka-moved on na sila’t tanggap na hanggang doon lang, o di kaya’y may isa o parehas silang nagmamahal at umaasang babalik sila sa dating samahan…Ikaw, saan ka doon?”

Natigilan si Jade. Sa kaiisip sa tanong ni Lovelyn ay hindi na niya napansin ang tinutuntungan.

            “Ma’am Jade!”

 ------------

Otomatikong napatingin si Dexter sa pagsigaw ni Lovelyn.

At naroon si Jade—nakasalampak sa malaking bato. Buti hindi tumama ang ulo, pero natapilok at hindi halos makalakad.

            “Sir Dexter, buhatin mo,” utos sa kanya ni Sir Montano.

Kahit naman hindi sabihin, gagawin rin ni Dexter.

        “Bakit naman kasi natapilok, Jade? Mabuti’t palabas na tayo ng grotto at natatanaw ko na ang highway. Dahil kung hindi, mahihirapan si Sir Dexter na buhatin ka palabas dito.”

Pinasan niya si Jade, tahimik lang ang huli.

Napapaisip tuloy siya kung ano na namang pinagi-iisip ni Jade at kung bakit minsan, parang close sila. Minsan hindi ito mamamansin.

            “Okay ka lang?” tanong ni Dexter, habang si Jade ay tahimik na nakayakap sa kanyang likuran. Natatanaw niya ang mga kasamahan niyang nagtatawanan sa kanilang paglalakad sa kahabaan ng highway. Samantalang sila, magkadikit—hindi nagkikibuan.

            “Ikaw, okay ka lang?” tanong ni Jade.

            “Oo naman,” nakangiti niyang sagot. “Okay na okay.”

            “Akala ko hindi mo ‘ko mabubuhat eh.”

            “Si Scout Dexter, hindi ka kayang buhatin. Si Sir Dexter, gagawin lahat mabuhat ka lang,” natatawa niyang sagot; hindi na naman kumibo si Jade. 

Alas onse nang umaga ng araw ding iyon, bumalik sila sa Avelino University.

Ibinaba sila ng bus sa parking area.

            “Ihahatid na kita sa inyo,” alok ni Dexter habang inaalalayan si Jade sa pagbaba ng bus.

Kinuha ni Jade ang maleta sa pagkakahawak ni Dexter. “I’m alright, Dexter. Thanks for everything,” sabi nito habang iika-iikang lumakad palayo sa kanya, ni hindi man lang siya magawang tignan.

Hinabol niya si Jade na paupo sa kalapit na bench. “Hindi. Sasamahan kita, hanggang sa dumating siya.”

            “Darating ‘yun,” sagot nito, iwas pa rin ang tingin sa kanya. Minsan titingin ito sa paa, o tatanawin ang mga estudyanteng naglalakad sa malayo, titingala sa kawalan. Kahit saan, wag lang sa kanyang mga mata.

            “Paano kung hindi?”

            “Nangako siyang susunduin ako,” madiing sagot ni Jade. Lumingon ito sa kanya. Sa wakas, tumingin rin siya. “Yung taong iyon, tumutupad sa pangako.”

Sa mga mata ni Jade, naramdaman ni Dexter ang pagkabigo.

Ang pagkadismaya sa mga pangakong napako.

Sa mga katagang iyon ni Jade, naalala ni Dexter ang pangako niya: Hindi man ako pinanganak na Mr. Right, pero papatunayan ko sa ‘yo na bagay pa rin tayo. Tinupad naman ni Dexter, pero huli na—dahil kumilos lang siya kung kailan pa sumuko na ang unang taong naniwala at umasa sa kanya.

            “Hi babe!”

Napalingon si Dexter sa boses na kilalang-kilala niya. Pinagmasdan niya si Michelle na bumaba sa front seat ng kotse na malay niya kung kanino. Ilang saglit ay bumaba ang driver—si Max.

            “Tinext ko kasi si Kuya Max. Sinabi niyang susunduin niya si Jade, kaya naisip kong sumabay para may kasabay ka naman pauwi, since na dala mo naman ang car mo di ba?” sabi ni Michelle nang makalapit. Tumango lang siya, pero nakatuon pa rin ang atensyon kay Jade at Max.

Pag magkasama sila, ang sakit nilang tignan sa mata.

Masakit din sa puso. Pero ewan ni Dexter, hindi niya maiwasang tumingin.

Siguro, subconsciously, sinusuri niya ang katauhan ni Max—kung paano nito tratuhin si Jade, kung gaano kasaya si Jade pag kasama ito. Kung anong meron si Max na wala siya. Kung si Max na ba si Mr. Right, o kung ito na ang The One.

Pinagmamasdan lang ni Dexter si Jade na inaalalayan ni Max. Gustuhin man niya, hindi siya puwedeng pumapel. Lalo na kung responsibilidad niya ang puso ng babaeng hawak ang kanyang kamay.

            “Let’s go babe?” sabi ni Michelle. Doon lang niya naalalang may girlfriend din siya.

Kung Magkikita Tayong MuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon