Una| Officialy Yours

1.1K 25 1
  • Dedicated kay Elaiza Faye Santos
                                    

Nakita niyang naluluha si Tasha; hindi rin makasagot sa kanyang tanong. Kinabahan na si Top. Siguro hindi pa handa si Tasha, at ayaw siyang mapahiya nito. Siguro isang tanong niya pa ay magwa-walk out na ito.

            "T-Tasha...Tasha, okay lang ako," sabi niya. "Okay lang kahit hindi mo ko—"

            "Da best ka talaga Top!" sabi nito kasabay ng pagyakap. "Da best ka talaga!"

Ramdam niya ang iyak ni Tasha, kaya nahawa na rin siya. Kapwa sila naiiyak sa kaligayahan.

            "So, 'tayo' na?" tanong niya.

            "Mahal kita, Top," sagot nito, yakap pa rin siya.

            "So 'tayo' na nga?"

            "Di ba sabi ko nga mahal kita?"

            "Naninigurado lang. Wala ng bawian."

Nagpalakpakan ang mga tao, para bang katunog ng "Mabuhay ang bagong kasal!"

Masaya si Top, walang mapaglayan ang kanyang nararamdaman. Tila rinig niya ang tuwa ni mommy, yung pagtili nito nang kinasal ang mga bida sa teleseryeng sinusubaybayan nito.

Hindi nila tinapos ang concert. Tumawag na kasi si Tita Laura, pinapauwi si Tasha dahil alas otso na, traffic sa Salitran.

Mas malapit ang Gate 3, pero nagyaya si girlfriend na sa Gate 1 na lang dumaan—mas mahabang lakaran, mas mahabang usapan, mas mahabang oras silang magkasama. Maningning ang gabi, malamig ang hangin. Nakayuko ang hile-hilerang puno na para bang pinagmamasdan silang dumadaan.

            "Ang romantic ng ganitong moment," sabi ni Tasha habang hawak ang kamay niya. "Ito ang pinakamasayang Valentine's na naranasan ko."

Huminto sila sa Rotonda, sa tapat ng monumento ni St. La Salle. Saglit silang naupo.

            "May regalo ako, muntik ko nang makalimutan," sabi ni Tasha habang kinukuha ito sa bag. "Ang hirap pala regaluhan ng lalaki sa Valentine's. Ano kaya? Bulaklak? Teddy bear? Cash?"

Tinanggap niya ang pulang kahon mula kay Tasha. "Happy Valentine's," sabi nito.

            "Hulaan ko," sabi niya. "Alkansiya?"

Umiling ito.

            "Tasa?" Hindi daw. Binuksan niya—snowglobe.

Sa loob ng globo, may babae at lalaki. Nakaupo, masayang magkasama. Naaliw siyang alugin ang snowglobe dahil sa ganda nito kapag sumasayaw ang confetti sa tubig.

            "Ang cute nila 'no? Naalala kita. Ganyan tayo pag magkasama," sabi ni Tasha. "Iba't ibang tao ang nakakasalamuha ko, pero kapag kasama kita—yun ang totoong ako. At, di ba noon, sabi mo lagi mo na lang pinapatunayan ang sarili mo sa mga taong hindi na nakuntento sa kakayahan mo? Hayaan mo na sila. Isipin mo yung mga taong nagmamahal sa 'yo—yung mga taong masaya para sa lahat ng naabot mo, at yung tanggap ka anuman ang kahinaan mo. Para sa 'kin, da best ka."

At sa narinig niya mula kay Tasha, wala na siyang mahihiling pa.

-|||-

Dumating si Tasha sa bahay. "Happy Valentine's day," sabi niya kay mama sabay halik sa pisngi. "Flowers for you!"

            "Sure kang akin yan?" taas-kilay nitong tanong.

            "Opo. Para po sa inyo."

            "Hindi ba yan bigay ni Top?"

            "Grabe ma! Ipakita ko pa ang resibo e."

Tinanggap naman ni mama ang bouquet. "Salamat, anak. Sweet mo talaga. Siya nga pala, may package ka, padala sa LBC."

            "Padala para sa kin?" Kanino naman galing?

            "Oo. Ang laki nga ng kahon e. Nasa kwarto mo. Buksan mo na nga, atat na atat na ang mga kapatid mo."

-|||-

Bukas ang pinto ng kwarto at pinagkakaguluhan nga nina Nikko, Nikki at Nixon ang kahon.

            "Hula ko talaga tv 'to e,"naulinigan niyang sabi ni Nikko.

            "Hindi, kuya," wika ni Nixon. "Parang Lego, maraming Lego!"

            "Lego para kay Ate Tasha? Malamang damit. Hihingi ako," sabi ni Nikki.

            "Hephep!" sigaw niya, nagulat ang tatlo. "Buksan na natin."

Tumulong pa ang tatlo sa pagpunit ng wrapper, kahit kaya naman niyang mag-isa. Atat nga. Nagkabungguan ang ulo nila nang sabay-sabay nilang tinignan ang loob ng kahon.

            "Teddy bear!" bulalas ni Nikki.

            "Chocolates!" bulalas ni Nixon, hugis Hershey's kisses na ang mata niya. "Ilagay na sa freezer dali! Baka matunaw."

            "Ate, wala bang para sa 'kin diyan?" asar na tanong ni Nikko. "Naghintay pa naman ako."

            "Nikko, para sa kin nga 'to 'di ba?" nang-aasar rin niyang pagdadahilan.

Bago niya pa mayakap ang teddy bear at matikman ang chocolates ay napasakamay na ito nang tatlo. Naiwan siyang mag-isa sa kwarto, nakatuon sa huling bagay sa loob ng kahon.

CD iyon na may note: Para lagi tayong magka-usap.

-|||-

            "Hello, Tasha!" bungad ni Top sa kanya sa monitor, nang maisalang niya ang CD sa CPU. "Kung nakikita mo ang pogi kong mukha ngayon, malamang ay natanggap mo na yung package. Baliw lang 'no? Magkatapat lang naman tayo ng bahay pero pinadala ko pa. Wala lang, para maiba naman. Tsaka di ba mahilig ka sa surprise? Lalo na sa package na 'yan. Nagustuhan mo ba yung teddy bear? Mag-isip ka ng ipapangalan sa kanya, ha. Pinabanguhan ko 'yan ng pabango ko. Hindi naman ako puwede sa kwarto mo, kaya nagpadala ako ng guardian bear para bantayan ka magdamag. Pag malungkot ka o naiiyak at kailangan mo ng yakap, nandiyan siya para sa 'yo. Pero siyempre, mas sweet pa rin ang yakap ko, di ba? Kaya lumabas ka at puntahan ako, yayakapin kita ng 24/7...."

Halos 30 minutes ang speech ni Top. Kung saan napadpad ang mensahe nito—kinuwento nito ang first impression kay Tasha, yung mga nakakatawang karanasan ni Top sa pag-aartista noong bata siya, pick-up lines at iba pa.

            "Eto, last na to," sabi ni Top, sa video pa rin. "Barya ka ba?"

            "Bakit?" tanong naman niya na para bang magkausap lang sila.

            "Kasi, umaga pa lang, kailangan na kita," sagot nito. "Ayun, diyan matatapos ang ka-kornihan ko. First time kong gawin 'to kaya pagpasensiyahan mo na. Sa tuwing mami-miss mo 'ko, ireplay mo lang 'to. Paulit-ulit kong sasabihing mahal na mahal na mahal na mahal kita." 


Kung Magkikita Tayong MuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon