Ikalawa| Ang Demonyo sa Tahimik na Mundo

660 12 1
                                    

Habang naglalakad mag-isa sa maliwanag na gabi ay nagbalik-tanaw si Dexter—ang pagkikita sa bundok ng Makiling, ang kasiyahan sa Enchanted Kingdom, ang pagbisita sa La Salle at pagpalipas-oras sa SM Dasma. Sa maikling panahon, bigla siyang sumaya. Nakalimutan niya si Michelle, at ang mga babae sa buhay niya na kailanman ay hindi naman niya sineryoso.

            “Pa’no mo ba masasabing nakalimutan mo ang isang tao?” tanong ni Michelle noon na atat na atat maka-move on sa ex.

            “Siguro…kapag tsaka mo na lang siya naalala,” sagot niya naman. “Yun bang, ilang araw ka ng masaya at ilang gabi ka ng hindi umiiyak mula nang iwan ka niya. Yun bang bigla na lang siyang sumagi sa isip mo at nasabi mong ‘Ay, salamat nga pala sa kaniya ‘no, buti iniwan niya ko. Ganito na ‘ko ngayon.’”

Pero dumating ang araw na tinalikuran siya ni Michelle, walang iniwang salita.

Nakipagbalikan pala sa ex. Tama nga si Michelle, “love doesn’t fade…easily.” Kasi kahit anong gawin niya—tinalikuran na niya ang pambababae at humanap ng trabaho para dito—binalikan pa rin ni Michelle ang ex. “Pero bakit ang bilis kong makalimot sa kanya?” tanong ni Dexter sa sarili.

            “Tanginang tanong yan. Bakit, kelan ka ba nagmahal?! Ganito lang yan: para bang, sa dinami-dami ng kalandian mo, sa kanya ka lang mas naaliw. Pero hindi mo talaga siya mahal, malandi ka lang kasi.” Siya din ang sumagot sa tanong.

            “PARENG DEXTER! DEXTEEER DEXTER!” sigaw ni Motmot na nasa kanilang bakuran. “*@$#namo. Bingi mo! Dexter!”

Doon napatingin si Dexter. Sumigaw pa rin si Motmot. “Tara boy! Shot tayo.”

Birthday daw ng erpat niya. Pero tulad ng inaasahan, mas marami pa ang bisita ni Motmot. Nandoon si Bawang (bawang kasi mabaho daw ang hininga) at ang kapatid nitong si Kornik (dahil simbaho din niya ang hininga ng kuya nito). Si Boss na adik sa computer at si Nina, ang pang-sampung girlfriend nito na una raw niyang sineryoso. Maya-maya’y dumating ang pinsan niyang si Matteo (kapatid ni kuya Marco) na ikatlong taon na sa kursong HRM. Dumayo rin ang ibang taga-BlueRidge sa tahimik na mundo ng Suncrest dahil sa libreng pa-inom.

Ibuhos na ang beer sa aking lalamunan
upang malunod na ang puso kong nahihirapan
bawat patak, anong sarap
ano ba talagang mas gusto ko
ang beer na to o ang pag-ibig mo?~~

Nakakabulahaw ang pagkakaraoke ng matatandang malalaki ang tiyan. Nakakagutom ang iniihaw na barbecue at isaw ni Aling Tekla. Pero sa gitna ng pagtagay at kasiyahan ng tribo ay biglang napaisip si Dexter.

            “Mot,” sabi niya malapit sa tenga nito. “Kunwari hindi tayo magkakilala ngayon. Tas nakita mo ko. Sa tingin mo, ilang taon ako?”

            “Tng-inang tanong yan pre! Lasing ka na? HAHAHAHA!”

            “ULUL,” bulalas ni Dexter sabay kotong kay Motmot. “Seryoso nga pre. Ano na?”

            “Sige na nga. Mga bente anyos. Puwede na. May abs ka na eh! O, tagay pa!”

Maya-maya’y tumabi sa kanya si Nina.

            “Nina, di ba babae ka?!”

            "Buwisit ka, sa ganda kong to magdududa ka pa sa pagkababae ko."

Napakamot sa ulo si Dexter. “Ganito, anong mas gusto mong boyfriend—mas matanda sa ‘yo o mas bata?”

Nilunok muna ni Nina ang taba sa barbecue sabay tapon ng stick. “Disi-sais pa lang ako Dex. Ga’no ba katanda at kabata?”.

Kung Magkikita Tayong MuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon