Ikalawa| Hanap. Usap. Deal

899 17 4
                                    

        “Hi babe,” bati ng gwapong lalaki na pumasok sa kuwarto niya. “I’m Mr. Right and you are?”

Tinignan niya muna ang lalaking kalmadong naglakad palapit sa kanya sa balkonahe. “I’m Jade.”

            “So what are you doing today?” Nakatayo lang si Jade, pinagmamasdan pa rin ang estrangherong nasa harap niya. “Do you ever think there’s more to life than…just standing there?” tanong ulit ng lalaki.

            “Siguro—like eating, sleeping…”

            “You only live once! Why don’t you come with me? I’m gonna show you how beautiful this world is.” Bago pa siya makasagot ay ginagap na ni Mr. Right ang kanyang kamay, akmang ilalabas siya sa kwarto.

            “T-t-teka nga sandali,” sabi niya kasabay ng pagbawi niya ng kamay. “Hindi nga kita kilala. Akyat bahay ka ba?”

Nagising siya sa yugyog ni Jennifer. “Jade, gising!” Nakatulog pala sa coffee table sa balkonahe. “Gising!”

            “J-Jennifer?” pupunagas-pungas niyang tanong.

            “Ako nga. Ano ba, magbihis ka na!”

            “Saan?”  tanong niya, ngunit tinaas lang ni Jennifer ang kilay nito. “Ah ,sa club. Sorry may gagawin nga ako.”

            “Ano? Itutuloy mo yung panaginip mo?”

            “Dali na. Naghihintay si Marco sa baba.”

            “Sinong Marco?”

            “Marco—yung  boyfriend ko!”

            “Pero tatlong Marco na yung kilala kong boyfriend mo…”

            “E di yung huli kong pinakilala. Baluga ka.”

            “Malay ko ba. Pabalik-balik ka naman sa mga ex mo eh. Akala ko binalikan mo yung isang Marco.”

            “Ano ba, maghuhulaan na lang tayo kung sinong Marco o huhubaran na kita?”

Para siyang manika na sinuotan at inayusan ni Jennifer.

Sa bilis nitong kumilos sa pagbubukas ng aparador at kahahalungkat ng mga damit at alahas ay masasabi niyang sanay talaga si Jennifer sa mga biglaang lakad; tipong kahit yayain mo ng madaling araw ay laging on-the-go. Hindi katulad ni Jennifer, ayaw niya ng minamadali siya at dapat ang bawat dadaluhan niya ay planado. 

            “Hindi ko akalaing may ganito pala ‘kong damit,” sabi ni Jade habang pinapasuot ni Jen ang mga hinalungkat nito sa aparador.

            “Yan yung mga regalo ko sa ‘yo noong birthday mo, nung pasko at nung Valentine’s di ba? Tsaka ito yung mga damit na pinipilit sa ‘yo ng mama mo na ayaw mong isuot.”

Pinagmasdan niya ang sarili sa salamin—siya ang bagong Jade Rizal, single and ready to mingle. Suot ang gold sequin dress, 4-inch high heels, ponytail at ang mukha ay binago ng pulang-pulang lipstick at itim na eyeliner—tila hindi lang panlabas na kaanyuan ang nagbago, parang inoobliga rin siyang kumilos ng naaayon sa kanyang itsura.

Pagkatapos ay nakita niya si Marco, yung chinitong macho pala na kasabay nila ni Jennifer manood ng One More Chance na naunang umiyak sa kanila nang maghiwalay si Popoy at Basha. Nakasandal ito sa kotse, naninigarilyo. “Jade, alam kong antipatiko ka at snob, pero puwede bang magpaka-plastik ka muna ngayon? Smile and enjoy,” paaala ni Jen sa kanya nang  makaupo siya sa passenger’s seat.

Kung Magkikita Tayong MuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon