Ikalima| Been There, Haven't Done That

361 12 0
                                    

        “Welcome to Jinhae Gunhangje Cherry Blossom Festival,” masiglang sabi ni Tasha sa harap ng kanyang mga estudyante nang magtipon-tipon sila pagbaba sa school bus.

Fieldtrip nila, kasama ang mga magulang. “To give you a glimpse of this event—Jinhae is a home to a large number of cherry blossoms, or what we call beotkkot namu in Korean. Also, it is a home to our country’s Naval Academy. Take note, this is the only time of the year when we can visit the campus and explore the Naval museum! This is the festival of cherry blossoms and military parade.”

            “Teacher, how many trees are there?”, tanong ng bata.

           “There’s about 340,000 cherry blossom trees, darling,” sagot ni Tasha. “Now, are you ready?”

            “YES!” sabay sabay nilang sagot.

            “Alright. Stay with your buddy. Here we go!”

Naghiwa-hiwalay rin ang limang sections.

Hindi na rin mahirap para sa mga teachers ang magbantay dahil bawat bata ay kasama naman ang mga guardians. Tropa-tropa pa nga ang mga nanay. Kung saan ang isa, doon sasama lahat. Inililibot pa rin ni Tasha ang tingin para makatiyak na walang estudyanteng naglilibot mag-isa.

Ang iba ay nagpahinga muna sa isang tabi, kumain sa mga stalls, nag-shopping sa bazaar, nagpapicture sa mga cherry blossoms—tinetyempuhan ang pag-ulan ng bulaklak para may magical effect, umupo sa harap ng street artist para magpa-sketch ng mukha.

Napansin niya ang umpukan ng mga tao sa Romance bridge. Parang may kung ano silang pinanonood sa gitna nito. May nagvi-video, may nakatakip sa bibig na parang pigil ang kilig. Dahil curious, lumapit siya.

Natigilan siya nang makita si Destiny.

Hindi ito nakiki-usyoso, siya ang pinagkakaguluhan ng mga turista. Dahan-dahang tumingin si Tasha sa taong nakaluhod sa harap ni Destiny—si Kevin. May hawak itong kahon ng singsing—ewan kung iyon din ang singsing na tinanggihan niya, o bagong bili na ito ni Kevin.

Hindi ito ang unang pagkakataong nakita ni Tasha si Destiny—nagbakasyon siya noong December 2012, binisita si Kevin sa coffee shop nito. Pero sa kalagitnaan ng pag-uusap nila ay umalis si Kevin para habulin ang isang babae—si Destiny. Lumabas siya ng coffee shop, tumayo sa isang sulok at lihim na pinanood ang dalawa. Hindi ni Tasha marinig ang usapan, pero mukhang may bagay itong inaayos.

Iyak siya ng iyak pagdating sa bahay. Nang kumalma ay tinanong ni mama kung bakit siya umiiyak. Naalala niya kung bakit, at umiyak na naman.

            “Kasi ma, may girlfriend na si kuya Kevin,” kwento ni Nikki, habang abala ito sa laptop. “Eto sabi sa Facebook: Kevin Barcelo is engaged with Destiny Bagong-gahasa.

Tumabi si Tasha kay Nikki at sabay nilang ini-stalk ang bagong girlfriend ng ex. Mula sa fb ay napadpad sila sa Instagram, Twitter at Tumblr. Mga lugar na napasyalan nila, mga pagkaing sinubukan, adventures na naranasan—lahat ng larawang nakikita ni Tasha ay larawan ng masayang relasyon ng dalawa. Lahat ng blog entries ni Destiny patungkol sa “KevTiny”—coined by Destiny herself.

            “Magbe-break din sila ate,” confident na sabi ni Nikki. “Don’t worry.”

            “Paano mo naman nasabi?”

            “Feel ko lang. Imposible ba ‘yun? Tignan mo yung nangyari sa inyo ni kuya Top. Sa umpisa talaga, feeling mo siya na yung leading man ng buhay mo, yun pala supporting actor lang. Magbe-break din sila. Kayo ni kuya Kevin sa bandang huli.” 

Naniwala siya sa propesiya ni Nikki. Pinaghawakan niya ‘yon. Bitter na kung bitter, sabihin man ng iba na siya ang napag-iwanan—basta nananalig siyang babalik si Kevin sa kanya.

Pero mali. Pagkalipas ng halos dalawang taon, ‘sila’ pa rin. Hanggang dito ba naman sa Korea, makakatagpo ni Tasha ang ex at ang girlfriend nito. Nananadya ang tadhana.

Tulad ng iba pang estrangherong nakatutok sa ‘live proposal’—hinihintay ni Tasha ang sagot ni Destiny. Ramdam niya ito dahil minsan na siyang nalagay sa ganoong sitwasyon.

Sabi ni Tasha noon—‘No’. Buti na lang mga gansa lang ang nakarinig.

Pero si Destiny, may speech pa bago mag-‘yes’, sa harap ng maraming tao. Yes. Yes daw.

Naghiyawan ang mga tao nang tanggapin ni Destiny ang singsing. Lalong lumakas ang palakpakan nang maglapat ang labi ng dalawa. Unti-unti nang nag-alisan ang mga tao, hanggang siya na lang ang natirang nanonood.

Nanatili si Tasha sa kanyang kinatatayuan.

            “Tasha…” Sa tingin ni Tasha ay hindi nagulat si Kevin sa pagkikita nilang dalawa. Parang sa mga mata nito, naaawa ito para sa kanya. Naaawa dahil nakita niya pa ang ganoong eksena.

Tila naparalisa si Tasha. Ano bang dapat gawin? Ngumiti at magpanggap na masaya para sa kanila, o tumakbo at magmukhang tanga? Kahit anong gawin, siya pa rin ang talo.

Buti hinatak siya ni Ellen. “Nood tayo ng sayaw. Nandoon na yung mga bata.”

Nakatulala lang siya habang pinapanood ang iba’t ibang live performance sa stage. Sa isang banda ay nakita niyang masayang nanonood sina Kevin at Destiny. Lalo siyang nawalan ng gana. 

Kung Magkikita Tayong MuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon