(CHICHAY: Kadalasang 2 pages ang mga chapter. So please, paki-refresh na lang to make sure na nababasa niyo buong-buo, lahat-lahat :> )
Napatunganga nung bigla kitang nakita
Pagkalipas ng mahabang panahon.
Highschool pa tayo nung una kang nakilala
At tandang tanda ko pa
Noon pa ma'y sobrang lupit mo na
Hindi ko lang alam kung pano,
Basta biglang nagsama tayo
Di nagtagal ay napaibig mo ako
Mula umaga hanggang uwian natin laging
Magkasama tayong dalawa
Parang kahapon lang nangyari
Sa kin ang lahat
Tila isang dulang medyo romantiko
Ang banat
Ngunit nung napag-usapan,
Bigla nalang nagkahiyaan
Mula noon hindi na tayo nagpansinan
At bakit ko ba pinabayaan
Mawala ng hindi inaasahan
Parang nasayang lang.
Nawala na, wala nang nagawa---------------------
6:43 na nang makarating sina Destiny, Bea at Pochi sa event hall ng kanilang alma mater. “Welcome Home, Class of ’96-’97,” sabi sa tarpaulin.
Agaw-atensyon siya bago pa man magsimula ang event. Ewan niya kung bakit—dahil ba sa kagandahan niya o sa damit niyang nirekomenda ni Pochi (baby pink na dress, sweetheart ang neckline, ang likod ay may malaking butas na hugis-puso para ibalandra ang kanyang sexy back)
Sa iisang mesa nagsama sina Bea, Pochi at Destiny. Pero naiwan si Destiny dahil abala ang dalawa sa pagpicture at pakikipagkuwentuhan sa mga kaibigang nakita ulit. Sa dinami-rami ng pamilyar na mukha, iisa lang ang hinahanap niya. Panay ang tingin niya sa cellphone, nag-aabang ng text ni Kevin. “Akala ko ba pupunta siya?”
“Hi Destiny.”
Lumingon siya. Kasabay noon ay tila huminto ang tugtugin at wala siyang makitang ibang tao sa paligid kundi si Kevin Barcelo.
Hindi siya nakasagot, umupo ito sa tabi niya.
Nagsimula ang lahat sa audio-visual presentation ng throwback pictures ng batch. Kasabay noon ay nagreminisce ang mga magkakasama sa mesa—naalala ang circle of friends, kaklaseng tampunan ng tukso at tsismis, mga lalaking hearththrob at campus crush na karamihan ay nagsi-tabaan na ngayon, mga pinagsamahang akala mo hindi aabot ng forever atbp.
“Ang daming nagbago,” sabi niya kay Kevin.
Yung mga barumbadong kaklase niya na akala niya noon ay walang patutunguhan—mga negosyante na ngayon. Ang mga pamilyar na mukha na hindi mahulaan ang kapalaran noon—mga propesyonal na. Ang iba ay happily married. Ang iba ay umuwi pa mula New Zealand, Spain, Las Vegas at kung saan pang bahagi ng mundo.
Masaya at maingay—hindi yung ingay na “Uy, buhay ka pa pala! Kamusta ka na? Anong balita sa yo? Nag-asawa ka ba? O baka naman may apo ka na?” Iilan lang siguro ang mga taong nanlalaki ang mata sa gulat sa mga pagbabagong nakita. Nang dahil sa Facebook, it’s easy to connect with people! Sa isang click, voila! Alam mo na ang mga kaganapan sa buhay niya kaya pag nagkita kayo, kahit di ka niya pansinin ay feeling mo kilalang-kilala mo siya. Maingay—yung tipong “Yes, nagkita rin tayo. At yes, mas maganda na ako sa yo.”
“It’s just so amazing,” sabi ni Kevin.
“Taray no?” singit ni Pochi. “Yung mga hindi natin inaasahang pares, sila pa ang nagkatuluyan. Dati biro-biro lang tapos sila talaga sa huli. Mantakin mo ba naman!”
Kumain, tapos ay binuhay ng nakaka-indak na sayawan ang gabi. Hinila ni Bea si Destiny sa dance floor, hinatak naman ni Pochi si Kevin. Hataw sa pagsayaw ang lahat, maski si Destiny—nang bigla siyang hilahin ni Kevin.
“Saan tayo pupunta?” tanong niya.
Kapayapaan. Bituin. Fairy lights. Botanical Garden. Alaala.
“Ang ganda niya. Na-miss ko ‘to,” sambit ni Destiny habang naglalakad silang dalawa ni Kevin sa pathwalk ng hardin.
“Naalala ko, dito tayo palagi kumakain…” sabi ni Kevin.
“…kasi puno ang mesa sa canteen. Tapos walang gustong maki-share sa ‘kin.”
“Dito rin tayo nagrereview.”
“…kasi masungit yung librarian sa library. At least dito puwede magdaldalan.”
“Naalala ko rin yung sumigaw si Pochi nang may nahulog na higad sa kuwelyo mo. Hinatak mo siya pero ayaw niyang tanggalin yung higad,” kwento ni Kevin habang pinipigilan ang pagtawa. “Umiyak ka kasi makapit yung higad. Walang tumulong sa ‘yo. Tapos iyak ka ng iyak.”
Siniko niya ito. “Ang sama mo! Iyak nga ako ng iyak no’n. Tapos tawa ka ng tawa. Sa kakatawa mo lumobo sipon mo. Yaaaakkkk!”
“Ah gano’n ha!” bulalas ni Kevin, kasabay ng pagkiliti nito sa tagiliran ni Destiny. Tawa ng tawa si Destiny “Tama na Kevin! Di na ko makahinga.”
Natigilan si Kevin. Tumayo si Destiny sa harap nito, tumitig sa nangungusap na mga mata. Isinampay niya ang dalawang kamay sa leeg, at sinabing “Na-miss kita. Sobra.”
“Ako din,” sagot ni Kevin. Hinapit nito ang bewang niya at ikinatang ang baba nito sa balikat niya. “Kaya dinala kita dito. Ikaw lang ang gusto kong makasama ngayon.”
Niyakap niya ng mahigpit si Kevin, dinama ang init ng yakap nito ngayong malamig na panahon. “Asahan mong nandito pa rin ako para sa ‘yo hanggang bukas at kung kailan mo gusto,” sabi ni Destiny. “Kantahan mo naman ako.”
“Anong kanta?”
“Kahit ano. Makikinig ako.”
The dawn is breaking
A light shining through
You're barely waking
And I'm tangled up in you
YeahMagkayakap silang sumayaw na para bang dinuduyan ng hangin. Ipinikit ni Destiny ang mga mata, dinadama ang sandali; pinakikinggan ang pagtibok ng puso ni Kevin at ang melodiya ng kanta nito.
I'm open, you're closed
Where I follow, you'll go
I worry I won't see your face
Light up again
Even the best fall down sometimes
Even the wrong words seem to rhyme
Out of the doubt that fills my mind
I somehow find
You and I collide.--
CHICHAY: Happy lang, wala pang endiiiiing! Ano, Team Tasha ka pa ba o Team Destiny? Sa uulitin, moral lesson mula kay Pochi: Be the real you. At speaking of Pochi, iilan lang siguro ang nakapansin na si Pochi na friend ni Destiny, ay yung Pochi ni Dexter sa Ikalawang bahagi ng nobela. :> May cameo appearance laannngz. :) At hintayin ang muling pagbubukas ni Kevin ng talaarawan ni Destiny. The feels </3
BINABASA MO ANG
Kung Magkikita Tayong Muli
Literatura Feminina"Kapag tinalikuran mo ang isang tao at tumalikod na rin siya para 'di ka makitang lumayo, kailangan mong ikutin ang mundo para magharap ulit kayo. Pero 'pag nakita mo siya sa ikalawang pagkakataon, ano'ng gagawin mo?" Ikaw ba si Tasha na iiwan siya...