Ikatlo| Kotse at Payong

507 12 2
                                    

CHICHAY: Remember the jeep at payong chapter? Level-up na sa Ikatlo: Kotse at Payong. :> 

------------------------

May mga dumarating sa buhay na hindi natin hiniling, inantay at inasahan. Bigla-bigla na lang dumarating kung kelan hindi tayo handa—at mapapaisip tayo kung maganda ba ito o masama. Tulad na lang nang biglang pagbuhos ng ulan, kung kailan walang dalang payong si Tasha. Tahimik ang araw nang makalabas siya ng bahay kaninang alas sais, biglang umiyak ang ulap pag sakay ng tricycle.

Sumilong siya sab akery pagbaba sa Salitran, naghihintay nang paparating na jeep papuntang Imus. Urong-sulong,atras-abante. Nakisukob siya sa payong ng isang estudyante. Natigilan siya nang may humintong itim na kotse sa harap niya. Pamilyar sa kanya.

Hindi—sigurado siya kung kaninong kotse iyon, hindi niya lang matanggap…

            “Miss Natasha…” sabi ni Sir Kevin nang makadungaw sa bintana. “Get in.”

       “BAKIT BA LAGI NA LANG NAAABUTAN MO ‘KO SA GANITONG KALAGAYAN!” paghihimutok niya sa sarili. Noong una, nangigitata sa pawis. Ngayon, basang basa sa ulan. Nasaan ang hustisya?!

            “Miss Natasha..” Tsaka lang natigil ang utak niya sa pagmamaktol. Dali-dali siyang sumakay.

            “Magpunas ka. Mahirap magkasakit,” sabi nito. Tumalima naman si Tasha. “Bakit kasi hindi ka nagdala ng payong?”

            “Sorry Sir.”

Umiling-iling si Sir na para bang sinasabing ‘pasaway na bata.’ “You’ll never go wrong with an umbrella these days. Rain or shine, you should always bring one. Nako Teacher Natasha, dapat lagi kang handa.”

Nang iwan nila ang kotse sa parking area ay may inabot na asul na payong si Sir Kevin sa kanya.

             “Don’t forget to bring this everyday.”

            “No, thanks. May payong na po ako, nakalimutan ko lang talaga.”

Sa isang iglap ay kinuha ni Sir ang kanyang kanang kamay, binigay ang payong.

            “Thank you Sir,” nakayukong sabi niya. “Pa’no po kayo? Wala kayong payong.”

Napakamot si Sir Kevin sa batok. “Nakalimutan ko lang sa office.”

            “E dapat po laging handa…” nang-aasar na tugon niya.

Balik-trabaho, pero ngayon ay mas ganado. Pagkatapos ng klase ay abala pa rin si Tasha sa 1) pag-eencode ng grades 2) pagpa-plano para sa darating na Christmas party 3) pagtapos ng Christmas decors para sa panibagong theme ng kanyang classroom.

Sabay na sila ni Ellen nag-log out, nang biglang naabutan sila ni Sir na palabas sa Preschool building.

            “Uuwi na kayo? Sabay-sabay na tayo,” pagyayaya ni Sir Kevin.

---

Alas-sais nang umaga nang magpaalam si Tasha kay mama para pumasok. “Sandali anak”, pahabol ni mama. Inabot nito ang paper bag, “Baon mo. Ubusin mo ha.”

            Sinilip niya ang laman. “Cordon bleau?” Tumango si mama. “Sarap naman po. Ma…puwedeng isa pa?”

Nagtaka si mama, pero dali-dali si Tasha sa kusina para kumuha ng cordon bleau na kanyang inilagay sa Tupperware. “Para kanino?” tanong ni mama.

 ---

            “Good morning, Miss Maye,” bati ni Tasha sa assistant supervisor nang makasalubong niya ito sa pinto ng opisina ni Sir Kevin.

            “Good morning”.

            “Nandiyan na po ba si Sir Kevin?” nakangiting tanong niya. Napatingin naman ang kausap sa dala niyang asul na paper bag.

            “It’s already 7 am, but he’s still not here. Baka na-traffic or…I don’t know. I’m sorry Miss Roma, but I have to go to the Gradeschool department. You can just leave that on his table.” 

Kung Magkikita Tayong MuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon