PROLOGUE

2.6K 54 5
                                    


©littleziram stories


PROLOGUE

     Sabi nila sa akin hindi daw masaya ang highschool life mo kapag hindi mo naranasang magkaroon ng boyfriend. Tanong ko lang, kailangan mo ba talagang maranasan yun kapag highschool ka na? Hindi ba talaga makukumpleto yung highschool life mo kapag hindi mo iyon naranasan? Ano bang meron sa mga ganyan at lahat ng tao atat maranasan yun?

      Kakasimula pa lang ng highschool life nila, naranasan na nilang magka-jowa. Minsan naman, nagkaroon ng ex sa murang edad. Huwaw

      Ngayon, isa lang ang masasabi ko, malakas ang impact ng boyfriend/girlfriend thingy na yan sa highschool life ng isang tao.

      Kung dati, nakakasurvive naman ang mga tao kahit na wala yung mga ganyan. Ngayon, nagmamadali ang mga tao na magkaroon ng ganyan, kaya ang ending, maling tao ang napipili nila

      Buti pa ako, hindi nagmamadali. Sa akin kasi, study first muna, makakapaghintay naman yan diba?

      Hays, iilan na lang ata kaming hindi pa nakakaranas nun, kumbaga endangered na kami. Pero kahit na konti na lang kami, proud ako kasi makakapagtapos ako ng highschool ng di yan nararanasan, tutal last year ko naman na sa highschool....

      Kaya lang mukha atang mahihirapan akong ma-achieve yun dahil sa apat na taong nakilala ko sa bagong eskwelahan ko.

      Apat na lalaking magpapagulo sa nakasanayan kong mundo

      Uunahan ko na kayo, di sila F4, di sila magkakagrupo kaya skl.

     Jendrick Dela Cruz. Lahat ng kasupladuhan, katahimikan, kasungitan at nakakainis na ugali sinalo niya na. Gwapo(daw), Captain ball ng Basketball Team. Numero unong gusto ng bayan. Siya yung taong pinakakinaiinisan ko sa lahat.

      Angelo Marasigan. Siya yung tipo ng taong sobrang kulit at happy-go-lucky pero maasahan sa lahat ng bagay. Pinakafriendly sa eskwelahan dahil halos lahat ay kaibigan siya. Gwapo(sabi niya)at isa pa siya, siya yung guy bestfriend ko.

      Adrian Madrigal. Isa siya sa mga taong matalinong kakilala ko. Gwapo, sobrang maloko. Siya yung tipo ng tao na unang tingin seryoso pero kapag nakilala mo na siya, doon mo malalaman na may tinatago pala siyang kakulitan at kalokohan. Paano ko nalaman? Malalaman niyo din yan sa tamang panahon.

      Drake Alcantara. Siya ang ideal boyfriend ng babae sa school. Gwapo, mabait, at palangiti. Kumbaga sa kanta ni Daniel Padilla 'nasa iyo na ang lahat'. Siya ang pinakagusto ko sa kanila at kung papipiliin ako, ang mga gaya na niya ang pipiliin ko o mas mabuting siya na lang.

      Ako? Ako si Dea. Makulit, slow, minsan may pagkachildish, sweet, mabait at higit sa lahat, ako ang binansagang Presidente ng NBSB.


      Kaya ko bang panindigan ito hanggang sa huli?


-------

Isang paalala mula kay littleziram:

            Ang istoryang ito ay likha lamang ng utak ni littleziram. Ang pangalan ng karakter, lugar at pangyayari sa istoryang ito ay pawang fiction lamang. Any resemblance to real persons, dead or alive, or actual events is purely coincidental. Opo coincidence lang po, okay.

            All rights reserved. No part on this story may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, without the prior permission of the author. Masama ang magnakaw, Plagiarism is a crime.


#ADVANCEMAG-ISIPSIAUTHOR

Presidente ng NBSBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon