Presidente ng NBSB Entry 63: Revelations

333 30 8
                                    

Revelations

     Nung bata ako toys lang ang pinaglalaruan. Ngayon, ako na ang pinaglalaruan

DEA MARIZ CASTRO

Ganyan ka naman talaga. Kunwari masaya ka, nakangiti, at wala kang problema. Pero ang totoo, hindi mo na kaya.

Galing natin magpanggap ano Dea. Akala mo wala kang pinagdadaanan. Kung makangiti ka nga parang wala lang yung nalaman mo.

Nanatili ang tingin ko sa mga officers ko dito sa loob. Busy sila kaya hindi nila ako napapansin dito. Last Day na kasi ng Foundation Day. Ito na ang huli naming event. Last day na namin bilang mga Student Council Officers.

Dalawa na ang pinatigil ko sa panliligaw at walang nakakaalam. Pinili ko rin na wag magsalita. Maski kay Ely pinili kong wag sabihin. Kapag sinabi ko na pinatigil ko si Gelo at Adrian sa panliligaw, magtatanong siya ng bakit.

Hindi ko pa kayang sabihin sa kanya lahat ng nalaman ko. Alam kong susugod siya agad-agad. Baka mas lalong hindi magsalita si Maica.

Hindi ko alam kung anong rason niya kung bakit hindi niya sinabi sa akin iyon simula pa lang. Bakit? Sabagay, kung kay Ella na dati niyang kaibigan hindi niya sinabi yung rason niya kung bakit siya umalis. Sa akin pa kaya na nito lang niya naging kaibigan.

Pero diba ang unfair naman? Deserve ko iyon malaman. Kung kaibigan niya talaga ako hindi niya ito ililihim. Bakit? Gusto niya pa rin ba si Jendrick?

"Okay ka lang Ate?"

Umupo sa tabi ko si Alex at sumandal sa mesa. "Okay lang ako"

Matagal niya akong tinitigan, "A girl's okay is sometimes a sign of being hurt" sabi niya at sumandal sa upuan.

Hindi ako nagsalita. Dumadagdag na naman ang kasinungaling sinasabi ko. Para lang makapaghintay ako hanggang Grad Ball ay umaakto akong okay ang lahat. Na wala akong nalaman.

"Pinatigil mo si Kuya Adrian diba?"

Nagulat ako sa tanong niya. Sinabi ba ni Adrian? Nakita niyang mukha akong natense kaya ngumiti siya, "Narinig ko kayong nag-uusap dito. Buti na lang ako yung inutusan ni Ma'am Adele"

"Ibig sabihin narinig mo lahat?"

Tumango siya, "Sa simula hanggang sa dulo"

Hindi ako umimik. Mukhang hindi naman sasabihin iyon ni Alex kay Faith o kay Drake.

"Papatigilin mo rin ba yung dalawa? O may sasagutin ka?"

Nanatili akong hindi nagsasalita. Mukhang naiintindihan naman ako ni Alex at hindi na siya nagpumilit pa.

Hindi ko pa nakakausap si Drake. Hindi pa siguro ngayon, baka itong iniipon kong lakas para sa lahat bigla na lang mawala kapag nakausap ko siya. Kung ano sila Gelo at Adrian dati, ganon pa rin sila. Mukha ngang nanliligaw pa rin yung dalawa, kahit hindi naman na.

Nagpapasalamat talaga ako sa kanilang dalawa. Sila ang pinakamatagal ko ng kilala kaya habang maaga pa, pinatigil ko na sila. Isa pa, hanggang kaibigan lang talaga ang maibibigay ko sa kanilang dalawa. Ayoko na rin namang magpaasa. Atleast nakita ko yung effort nila, kahit hindi ako pumayag sa panliligaw nila.

Matagal na palang nakatira si Adrian sa bahay ni Mama niya. Akala ko new year lang siya doon. Minsan slow ka rin Dea. Sinabi niya na nung minsan na gusto ni Mama niya na doon sa kanila tumira si Alex.

Presidente ng NBSBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon