Nandito ako ngayon sa isang room kung nasaan yung mga contestant na babae. Ang mga lalaki ay nasa tabing kwarto lang. Kagagaling ko lang doon at mukhang okay na yung iba. Dito sa babae ang madaming che-che bureche.
Kailangan ko magpalakad-lakad dahil bukod sa alam ko yung nangyayari ay kailangan ko rin pababain yung mga pagkain na kinain ko na sa sobrang dami ay parang sasabog yung tiyan ko.
Laking pasasalamat ko na lang na hindi ako tinatawag ng kalikasan ngayon, dahil kapag nangyari yun. Malilintikan sila sa akin.
Yung inumin na pinagbibili nila ay hindi ko inubos. Para kapag nauuhaw ako yun na lang ang iinumin ko. Hindi ko alam kung dapat ba akong magpasalamat dahil halos wala akong ginastos ngayong araw o ano.
"Okay ka lang?" tanong ni Miko sa akin. Kasama ko siya ngayon para magbantay.
"Oo naman"
"Wala kang nararamdamang iba?"
"Mabigat lang yung tiyan ko kaya kailangan kong pababain ito"
Ngumiti siya sa akin, "Pasensiya ka na. Hindi talaga namin alam na bumili si Adrian ng pagkain mo"
Ngumiti rin ako sa kanya, "Ayos lang basta hindi ako tinatawag ng kalikasan hindi kayo malilintikan sa akin"
Tumawa siya sa sinabi ko, "Dapat na ba akong magpasalamat dahil hindi ka tinatawag ng kalikasan?"
"Oo naman"
"Deaaaaa!"
Nilingon ko yung tumawag sa akin at nakita ko si Ely na tumatakbo papunta sa akin.
"Wag ka ngang tumakbo" sabi ko sa kanya pagkalapit niya sa akin.
Hindi niya pinansin yung sinabi ko at umikot sa harap ko, pinapakita yung suot niya.
"Ang ganda ko ano" sabi niya.
Kung hindi lang nakaayos ang buhok nito ay binatukan ko na siya.
"Alam mo no comment na lang ako" sabi ko at dahil doon hinampas niya yung braso ko.
"Che. Basta maganda ako, diba Miko?" sabi niya kay Miko at umikot na naman muli.
"Oo naman" sabi ni Miko sa kanya
"Kita mo" sabi ni Ely at tinuro ako. "Naaappreciate ni Miko ang kagandahan ko, ikaw hindi, hmp"
Humarap siya kay Miko, "Salamat ginoo" sabi niya at nagbow na parang prinsesa.
"Maiwan ko na kayong dalawa at ako ay babalik na sa aking pinanggalingan" sabi niya at umalis na sa harapan namin ni Miko.
"Pagpasensiyahan mo na yung kaibigan ko. May saltik lang yon" sabi ko kay Miko.
"Ayos lang. Nakakatuwa nga siya."
"Teka..Wag mong sabihing type mo si Ely?"
"Ha?" tumawa si Miko, "Hindi. Kapag ba natutuwa ka sa isang tao ay ibig sabihin gusto mo na siya?"
Nag-isip ako, "Hindi naman. Mabuti na ang sigurado. May iba akong gusto para kay Ely"
"Sino naman?" tanong niya
Lumapit ako sa kanya at bumulong, "Si Gelo" sabi ko.
"Gelo?" sabi niya. "Yun ba yung isang lalaki kanina?"
Tumango ako, "Oo. Angelo ang pangalan niya at bestfriend ko yun" sabi ko
"Mukhang hindi si Ely ang gusto nung bestfriend mo"
BINABASA MO ANG
Presidente ng NBSB
Teen FictionIto ang kwento ng isang babaeng wala atang interes magboyfriend. Ang tangi niyang goal, makasurvive sa highschool ng hindi nakakapagboyfriend. Bakit ito ang naisipan niyang target? Dahil sa highschool life ng isang tao, hindi uso ang NBSB kasi ang u...