Presidente ng NBSB Entry 40: Win

363 27 2
                                    

Win

*kring* *kring* *kring*

Kinapa ko kung nasaan yung alarm clock ko at pinatay iyon. 5 minutes pa, maaga pa.

Hindi ko alam kung gaano katagal ang tinulog ko pero bigla na lang tumunog yung cellphone ko. Mas lalo kong pinikit yung mata ko. Wala tayong naririnig Dea. Wala kaya itulog mo ulit yan.

Nang mamatay yung tawag ay napangiti ako. Hehe, titigil....

*Phone ringing*

Kinuha ko yung cellphone ko sa tabi ng alarm clock ko.

"Oh?!"

(Anong oh oh ka diyan. ASAN KA NA DEA?!)

Nailayo ko yung cellphone sa tenga ko ng tumawag si Christian.

"Wag ka ngang sumigaw. Kagigising ko lang"

(Anakng...jusko ka Dea. LATE KA NA DALIAN MO MAIIWAN KA KAPAG DI KA PA NAGMADALI. IKAW NA LANG HINIHINTAY)

Napabangon ako sa kama at napatingin sa alarm clock. Shet na malagkit.

Pinatay ko yung tawag at nagmadaling pumunta sa banyo. Nadulas pa nga ako pero tiniis ko yung sakit at nagmadaling maligo.

Iyan ang napapala ng kakafive minutes mo. Nag-alarm ka pa Dea.

Mabilisang ligo ang ginawa ko maski pagtotoothbrush ay mabilisan. Pagkatapos ay halos kalkalin ko yung drawer ko dahil sa pagmamadali. BAKIT DI KO PA NILABAS YUNG SUSUOTIN KO KAGABI?!

Nang makita ko yung jersey ay sinuot iyon. Sabi nila wag na raw matigas ang ulo namin at iyon na ang suotin namin. Pero okay lang daw kahit na hindi muna namin suotin yung sa pantaas. Kahit ibang damit muna raw.

Kaya kaming Volleyball Boys and Girls ay nagpagawa ng tshirt. Although sagot na ng school yung sa jacket namin. SYEMPRE WALANG GANON SA SCHOOL KO DATI. SARILING GASTOS LAHAT. MWEHEHEHEHE.

Iyon ang sinuot ko, yung pinagawang tshirt. Buti na lang at abot kamay ko lang ang jacket kaya inayos ko muna gamit ko. Nilagay ko yung mga kailangan sa sports bag. Maski yung pantaas kong jersey ay nilagay doon.

Nang okay na ang lahat ay dali-dali akong tumakbo pero bumalik din ako kaagad dahil yung cellphone ko ay muntik ko ng makalimutan. Kinuha ko rin yung jacket.

Patakbo akong pumunta sa kusina.

"MAAA!!! LATE NA AKOOOOO!!!"

Pagdating doon ay preskong nakaupo si Mama at si Papa sa harap ng mesa. Umiinom pa si Papa ng kape.

"Halika na ihahatid na kita" sabi ni Papa at umalis.

Iniabot naman sa akin ni Mama yung isang baunan at yung tumbler ko.

"Alam kong malalate ka kaya inihanda ko na iyan" sabi ni Mama at nilagay iyon sa bag ko.

Pagkatapos niyang nilagay iyon ay tinapik-tapik niya ang balikat ko, "Kahit kailan ay late ka kaya sanay na ako sa ganyan. Girl Scout si Mama mo" sabi niya at tinulak-tulak pa ako palabas.

Pagdating sa labas ng bahay ay nagbabye ako kay Mama at humalik sa pisngi.

"Ingat" sabi ni Mama ng masakay ako sa kotse.

Habang papunta ng school ay bigla ulit nagring yung cellphone ko. Sinagot ko iyon.

"On the way na" sabi ko habang nilalantakan yung sandwhich na nasa baunan.

Presidente ng NBSBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon