The Culprit
"Napano kaya si JC?"
"Anong nangyari sa kanya?"
"Hala ano kaya nangyari kay JC?" tanong ni Ely pero hindi ko siya pinansin at patuloy lang sa pagbabasa ng libro.
Kinalabit niya ako kaya nilingon ko siya,
"Ano?"
"May nangyari ba?"
Nagkibit-balikat lang ako at nagbas ulit, "Malay ko, bakit ako yung tinatanong mo?"
"Baka nakasama mo"
"What made you think na kasama ko siya?"
"Kasi kasama mo si Miko"
"Kapag kasama ko si Miko, magiging kasama ko na rin ba siya?"
Napaismid siya sa tabi ko. Hindi ko alam kung medyo halata ba ako pero nakakainis kasi yung lalaking yun.
Matapos niyang gawin yun sa akin nung pageant. Sinapak ko siya, ang ending pumutok yung labi niya. At take note, siya yung unang tao kong nasapak sa mukha. Well nanununtok talaga ako pero hindi sa mukha. Kaya ayon, masakit sa kamay.
"Napano yang kamay mo?"
Halos mapatalon ako ng nagtanong si Ely. Tinago ko yung kamay ko sa likod ng libro at hindi nagsalita.
"Dea Mariz"
Hindi ako lumingon sa kanya pero nag-o ako.
Magsasalita pa lang si Ely ng dumating yung teacher namin. Bumalik siya sa upuan niya kaya napabuga ako ng hangin.
Sinilip ko yung kamay ko, namumula ito. Hindi ko alam kung mayroon bang bali yung buto ko kasi syempre, lalaki pa rin ang sinapak ko at hindi ako sanay manapak sa mukha. At matigas yung mukha ni Jendrick.
Nagpapaka-gangster ka ba Dea?
"Hindi ka ba magsosorry kay JC?" tanong ni Khalyl sa akin.
"Bakit ako magsosorry. Siya yung may atraso sa akin" sabi ko. Well totoo naman yun, bukod sa pangyayakap niya sa akin, baka nakakalimutan ng lalaking yon yung ginawa niya sa una naming pagkikita. Atleast nakaganti na ako.
At isa pa bakit ako magsosorry, hindi rin naman nagsorry yun sa akin.
"Ano bang ginawa niya sayo?"
Napatingin ako sa kanya, "Hindi mo alam?" tanong ko at umiling siya. "Kung hindi mo alam, paano mo nalaman na ako yung gumawa nun?" sabi ko pero mahina lang. Mamaya maungkat yung issue, mahirap na.
"Sinabi niya" sabi ni Khalyl.
"Sinong siya? Miko o Jendrick?"
"Sino ba sinapak mo? Si Miko ba? Malamang si JC"
Bakit kaya hindi niya sinabi yung dahilan? Oh well,
"Edi itanong mo kay Jendrick"
"Ayaw nga niya sabihin"
"Kasi loko-loko ka kaya hindi niya sinabi"
"Aba. Edi loko-loko rin si Drake?"
Napatingin ako sa kanya, "Hindi alam ni Drake?"
"Hindi. Hindi nga rin niya alam na ikaw yung may gawa?"
BINABASA MO ANG
Presidente ng NBSB
Novela JuvenilIto ang kwento ng isang babaeng wala atang interes magboyfriend. Ang tangi niyang goal, makasurvive sa highschool ng hindi nakakapagboyfriend. Bakit ito ang naisipan niyang target? Dahil sa highschool life ng isang tao, hindi uso ang NBSB kasi ang u...